Chapter 8

29 15 6
                                    


KUPALS ARE BACK


Zoe's POV

Pagkatapos naming kumain dumiretso narin ako sa cabin ko para makapag-pahinga. Agad naman akong tumakbo sa kama at nag-kumot. Ano na naman kayang iisipin ko neto?

Aha!

Yung nikwento ni Eunisse!

Mystery talaga si Trixie eh. Pero bat hindi sila nag-effort na hanapin siya? Kahit naman kasi bata pa sila nung time na yun pwede naman nila siyang hanapin ngayong kaya na nila.

Pero, what if,

Ako si Trixie?!

" HAHAHAHAHAHAHAHA tanginang imagination to. Magmumukha akong baliw neto ako lang mag-isang tumatawa."

Dahil nabored ako sa loob ng cabin lumabas na naman ako. Nakakaumay na sa verandah.


 May nakita akong rattan hanging chair na nakasabit sa palm tree na katabi lang ng cabin ko.


Agad naman akong na-excite kaya tumakbo akong parang bata. Bahala na yung mga taong palakad- lakad. Gusto ko lang iparating sa kanila na wala akong pake sa kanila, tsaka walang makakapigil sakin maging bata. HAHAHAHAHA.


Nang makarating ako sa hanging chair, agad akonng lumundag dahil mukha naman itong matibay at bago. Napatingin ako sa tabing mga puno na may mga hanging chair rin.


" Di bale na nga gusto ko makapag-relax jusko." bulong ko sa sarili ko.


Binuksan ko yung phone ko at nagpi-picture picture lang. 


" Napakaganda naman talaga dito oh," bulong ko ulit sa sarili ko dahil wala naman akong ibang kasama dito bukod sa kaluluwa ko. " Babalikan ko tong lugar nato pag nahanap ko na ang gagong soulmate ko." ang sama ko minura ko pa, baka di ko na niyan matagpuan.


" Pakilala mo sakin soon Lord ha?" tsaka ako napatingin sa langit at ngumiti.

Bigla naman akong nakaramdam ng antok dala ng ihip ng hangin. Ewan ko nalang pero biglang tumahimik yung paligid. Pero hindi ko ito tinignan anong meron dahil inaantok nako. Comfortable rin naman ako sa upuan na to kaya sige.


May naririnig akong nags-strum ng gitara sa kabilang puno pero hindi ko inintindi. 


Pakihanap pake ko, ang ingay mo.

Mga 4 meters lang naman siguro yung agwat ng puno namin kaya rinig ko yung ingay ng gitara niya. Maiinis na sana ako dahil rock yung tinugtog niya kanina pero ngayon, nag iba ang ihip ng hangin. Pumasok ata si Yolanda at bigla nalang lumungkot yung aura ng pag-strum niya. Kaya pinakinggan ko nalang ito.


"I can take the fall, the pain, the pleasure," ang ganda ng boses niya pero may pagka mahina.


Pakilakasan naman yung volume kuya noh? Pero parang familiar yung boses niya pag kumakanta.


" And you can take it all, for worse or better," ang ganda omg.


" But oh what if were wrong? What if we're not all that we thought? Then we won't make it along. But hey, I guess that's us," tapos na ata yung chorus pero para siyang naga-outro na. 

'Tis the Day (ON-HOLD)Where stories live. Discover now