Simula

4 0 0
                                    

'It is for the best' they always said that to me, ayoko talagang umalis ng bansa. Bukod sa madami akong maiiwan dito sa Pilipinas, mamimiss ko din ito. Yung freedom ko at kaibigan ko dito sa Pilipinas.

I don't know kung bakit pa kami pinetisyon ng magulang ko, pero kahit ganoon ang desisyon nila hindi ko na pinakealaman. After all, magulang ko sila at ayoko naman na madisappoint sila sa akin dahil lang sa kagustuhan ko magstay dito sa Pipilinas.

"Ms. Adrillana." Napabalik na lang ako sa reyalidad ng may tumawag sa surname ko. Tumayo ako at lumapit sa registrar, nandito ako ngayon sa school ko at kinukuha ang documents na kailangan ko sa bagong school na papasukan ko.

Yes! You heard it! Papasok na naman ako sa school. Imagine, four years akong nag-aral dito sa Pilipinas pero hindi pa sapat ang pinag-aralan ko sa ibang bansa. Kailangan ko pang magbuno ng units, akala ko kapag nakagraduate na ko ay makakapagtrabaho na ako doon pero hindi pala kailangan ko pang mag-aral.

"Thank you!" Ngumiti ako at kinuha ang mga documents na kailangan ko. Inilagay ko iyon sa envelop na dala ko para hindi malukot at pinasok sa bag. Tumayo ako at agad pumunta sa glass door na pintuan.

"Bye-bye, Kuya Guard." Sabay kaway ko ng kamay ko. I'm gonna miss this place kahit na ang daming ka-shitan itong school na ito. Well, hindi rin naman nasayang yung tuition ko dahil madalas tumatabay kami sa malamig na bahagi ng school malapit sa faculty room.

Dahil maaga akong nakarating ng school para kunin ang mga documents ko pupunta na lang ako sa mall malapit sa school. Doon na rin ako kakain since wala naman akong kasama sa bahay. Kung may kasama man parang invisible lang ako, dami kasing drama sa buhay ng mga tao and I'm very sick of it.

I think they see me as a monster, prangka akong tao, minsan nakakapagsalita ako ng opinyon ko na alam kong tama pero sa kanila mali iyon kaya ayoko din ng nasa bahay. I rather to go my friends sometimes.

Dahil may mga kaibigan naman talaga ako most of them are boys, madalas akong napagkakamalan na papalit-palit ng lalaki dahil yung iba hinahatid at sinusundo ako sa bahay. I think it is okay, wala naman akong pake sa mga tao dahil wala naman akong ginagawang masama at bakit ko kailangan i-explain ang sarili ko kung hindi nila ako tanggap.

May tatanggap naman sa akin pamilya ko at mga kaibigan ko.

Tatawagan ko nga yung kaibigan ko dito sa school. Sabi niya pupunta siya dito himala at ako ang nauna kumuha ng documents madalas siya ang nauuna kesa sa akin.

Umupo muna ako sa mga bench dito sa loob ng school at nilabas ko ang cellphone ko at dinayal ang cellphone number ng kaibigan ko.

"Charloooootttttaaaaa!" Sigaw ko sa cellphone. Tumawa ako dahil feeling ko masisira ang eardrums nya. "Tara, inom tayo!" biro ko itong babaeng 'to hindi masyadong naglalabas pero kapag tinawagan mo to the rescue.

Hindi ko nga alam kung bakit wala pa itong boyfriend eh napakabait naman nito kaibigan ko.

"Huwag mo ako lokohin, saan ka ba ngayon?" Tanong nito. See? Muhang pupunta yata siya.

"Mall? G ka ba?" tanong ko. Sana naman makapunta siya bukas na ang flight ko lahat ng kaibigan kong lalaki hindi alam na bukas ang flight ko, itong babae 'to ang nakakaalam atsaka yung bestfriend kong si Kath.

"Depende." Bigla akong nalungkot mukhang wala yatang makakasabi sa aking 'goodbye'. "Kung ililibre mo ako?" siya naman ang tumawa. Napamura na lang ako ng mahina. Marunong na rin tong magbiro, well naturuan ko yata to dahil sa pagloloko ko sa kanya madalas.

"Syempre! Para naman sumama ka." Sabi ko at umoo naman siya. Dali-dali akong sumakay sa jeep na nakaparada sa harap ng school namin at ilang minuto naman ay nandoon na sa mall.

Nagtext na din ako sa kanya na malapit lang ang kainan sa bookstore na pinagbibilhan niya. Nag-intay lang ako ng ilang minuto at nakita ko na siya. Sabi na may binili na naman itong babaeng 'to.

"Sorry na late ako. Hahaha!" sabay abot sa akin ng binili niya.

"Ano 'to?" tanong ko.

"Regalo. Para hindi mo kami makalimutan dito sa Pinas. Buksan mo na." masayang sabi nya at ako naman naguluhan.

Pagkabukas ko ng brown paper na pinaglagyan nun ay nandoon ang mga pictures namin ni Charlotte pati yung picture ni Liam, Noah, Samuel, Grayson at Caleb. Pinipigilan ko ang luha ko na tumulo pero heto naiiyak ako dahil maiiwan ko sila. Damn!

Kung puwede lang punitin yung plane ticket ko at magstay na lang dito kaso hindi puwede. Pinahid ko ang luha ko at nilapitan ako ni Charlotte para patahanin ako. This is the first time na parang may taong natatakot na mawala sa kanila. 

Lilipat lang naman ako ng bansa. Unfortunately, hindi ko alam ang balik ko dito sa Pinas dahil ang gusto ng magulang ko na tumira na doon for good.

"Huy, huwag ka nang umiyak. Nakatingin na sa atin yung mga tao dahil sa iyak mo." Sabi nito at napatingin ako sa mga tao. Oo na nakatingin na sila, pinunasan ko ang luha ko gamit ng panyo na nasa bag ko.

"Puwede na ba tayong kumain? Nagugutom na ako eh." Sabi ni Charlotte at hawak ang menu para pumili.

"Sure." Ako din naman nagugutom na. Napatingin ako sa relo ko, sakto at maglalunch na pala. Nag-order na kami at nagkwentuhan.

"Sila Tita ba ang kasama mo paalis bukas?" Tumingin lang ako sa pagkain ko.

"Hindi, nauna siya sa pag-alis." Sabi ako at pinagpatuloy ko ang pagkain.

"Edi si Marjorie at si Bunso ang kasama mo?" tanong nito at umiling ako.

"Si Mama ang nauna umalis papunta doon. Kailangan kasi siya doon, tapos ang sumunod si Marjorie at si Madeleine-"

"What!? Edi ikaw lang bukas ang aalis?" Nagulat ako sa sinabi niya. "Mag-isa ka bukas." Malungkot na sinabi niya.

"Oh bakit ka malungkot, Ate." Pang-aasar ko sa kanya. Ayoko ng malungkot ngayon dahil aalis ako.

"Ina-Ate- Ate mo pa ako.. Tuktukan kita diyan. Wala ka man lang kasama papunta doon?" sabi niya at umarte pang babatukan ako. Heto yung nakakatuwa sa kanya, kaya niyang ihandle ang pagiging prangka ko at yung opinyon ko ay kinokonsider niya. 

Maybe, we have the same opinion at ang ayaw ko lang sa kanya masyado siyang mabait. To the point tinetake advantage na siya ng mga tao kaya minsan pinagsasabihan ko din sya na matuto siyang humindi.

"Nga pala, nakuha mo na ba yung documents mo sa school?" tanong ko sa kanya at uminom ng Juice.

"Nakuha ko na noong nakaraan pa." Sabi nito sa akin habang sumubo ng pagkain.

Pagkatapos ng kwentuhan namin siya na ang nag-aya na uminom. Siya naman ang manlilibre kaya nagulat ako. Pumunta kami ng The Backyard at uminom kami. Partida may flight pa ako bukas pero si Charlotte ang nag-aya. 

Nang dumating ang 8pm ay saka na kami umuwi. Alam ko na mababa ang alcohol tolerance nitong babaeng to pero nakipagsabayan sa akin. Mukhang hindi naman siya lasing kaya kumuha na lang ako ng Grab para maihatid siya sa bahay nila.

Nang matapos na maihatid siya ay rumuta na sa bahay namin. Pagpasok ko palang ng bahay nandoon ang tiyahin ko pero hindi ko pinansin at pumunta na ako sa kwarto na nakalock. Pasalamat na lang talaga ako dahil may lock ito dahil wala akong tiwala sa pumapasok at lumalabas dito.

Pagpasok ko sa kwarto ay tinignan ko ang maleta at handy bag ko. Inaayos ko na rin yung mga documents na kailangan ko sa pag-alis. Naglinis muna ako ng katawan at nagcheck sa mga social media account ko. Busy kasi sila sa paghahanap ng trabaho, samantalang ang kaibigan nila paalis na. 'It's for good, Margarette' para din ito sa iyo.

Tuloy na tuloy na ba talaga ito?

Mindless FlirtationWhere stories live. Discover now