Kabanata 4

1 0 0
                                    

Clingy Friend

Pareho kami ni Ma'am nakatingin sa pagtunog ng chimes sa glass door na pinto. Nanlaki ang mata ko nang nakita ko ang nakatayong lalaki, yung lalaki sa Park na pinuntahan namin noong nakaraan. Lumakad ito habang nakangiti sa akin o sa amin.

"Mama." Sabi nito at napatingin ako kay Ma'am na nakangiti sa anak niya. Anak niya itong mokong na ito? Niyakap niya ito at humalik din sa pisngi nang Mama niya. Confirm! Mama's Boy! Bumaling ang tingin ni Ma'am sa akin at ngumiti na lang ako.

"Anak, siya nga pala yung bagong cashier dito." Nakangiti si Ma'am sa akin at tumingin naman ang lalaking nakita namin noong nakaraan ng kapatid ko. Ngumiti na lang ako at ganoon din naman siya. "Hija, ito nga pala ang anak ko si Ethan Herera." Sabi nito.

"Hello po, Sir." Pormal kong sinabi at napatawa naman yung babaeng nasa kahera ngayon.

"Drop the sir. Nagtatrabaho din ako dito at tinutulungan ko sila Mama." Napatawa niyang sinabi. Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa tadhana dahil yung dalawang lalaking kinaiinisan ko ay nandito sa pinag-aapplyan ko. Worst case may ari pa ang isang 'to!

"Okay po." Sabi ko at naglahad ng kamay. "I'm Margarette Avery Adrillana. Nice to meet you." Tinanggap din ng lalaki ang kamay ko na kinagulat ko.

"Ethan Hererra." Sabi nito at napatingin ako sa kamay niya na nakahawak pa. Narinig ko na lang na may napaubo. Agad kong hinila ang kamay ko pero hindi niya binitawan at hinalikan niya iyon na ikinagulat ko. Ginawa niya iyon nang nakatingin sa akin. Aba't manyak ang pota!

"Yung kamay ko." sabi ko at binitawan iyon. Pinalo naman siya ng Mama niya.

"Hindi pa nagsisimula yan, Ethan. Baka bukas hindi na yan pumasok." Pagsuway nito at tumingin sa akin. "Pasensya ka na sa anak ko ah." Nakita ko ang apologetic na mukha ng Mama niya samantalang siya ay nakangisi lang.

"Sanay na po ako sa ganyan lalaki," Sabi ko at napatingin sa lalaking nakaupo na hindi kalayuan na muntik na mapaso sa kape na ininom niya nang magtama ang mga mata namin.

Nakakunot naman siya.

"Ma'am, may sasabihin po sana ako." Panimula ko at tumingin kay Ma'am hindi ko na tinignan yung anak niya. "By next week po, papasok na po ako sa school at malapit lang po dito." Binuksan ko ang bag ko kung sakali makatulong "Heto po yung schedule ko po. Kung okay lang po na sa mga schedule po nandiyan ay makakapasok po ako nang apat o kompletong walong oras." Paliwanag ko habang tinitignan niya ang schedule ko at nakitingin na rin si Ethan pati ang babaeng tinarayan ako kanina.

"Same class tayo dito." Sabi ni Ethan at tinuro ang isang subject. Hindi ko na lang pinansin at tumingin sa akin ang Mama ni Ethan.

"Okay lang. Basta magtime in ka at maganda ang record mo pasok ka na. Mas gusto ko kasi na Filipino din nandito. Panatag ako kapag kababayan ko." paliwanag nito.

Pagkatapos ng interview na iyon ay sinabihan na ako na makakapagsimula na ako bukas. Magandang balita na rin ito, umuwi na ako at hindi ko na inabala pa si Sebastian na kumakain doon. Wala naman akong pakealam kaso yung tingin nun kakaiba parang sinusuri pagkatao mo.

Nang makauwi na ako binalita ko na sa magulang ko na tanggap na ako at sinabi ko na kapitbahay namin yung may ari ng convenience store na pagtatrabahuhan ko kaya hindi na sila mag-alala pa.

Ang mga kapatid ko naman ay abala sa kani-kanilang ginagawa samantalang ako ay na eexcite na sa mangyayari bukas dahil isang linggo pa bago magpasukan, Makakapag-ipon na ako ng pera at makakatulong na rin sa magulang ko. Binalita ko na rin ito kay Charlotte at Kath nakakatuwa din kasi hindi nila ako nakakalimutan na kamustahin kahit mag-iisang buwan na ako dito.

Mindless FlirtationWhere stories live. Discover now