Kabanata 6

2 0 0
                                    

School

Mahigit na isang linggo kong iniwasan si Sebastian. Maaga akong umaalis noong unang araw dahil nag-iintay talaga siya sa labas ng bahay namin para maihatid ako sa trabaho ko.


Ganun din ang nangyari pumupunta pa din siya sa store para kumain. Pero ang ginagawa ko, dahil maaga ako umaalis ako ay pumupunta ako sa café kung saan mayroon libro nagbabasa at kapag nag-alarm na ng alas otso na ay doon palang ako pumapasok.


Nasasaktuhan kong wala siya doon kaya lumuluwag din ang paghinga ko. Pati din sa pag-uwi ay sumasabay na ako sa closing. Para kasabay ko na rin sila Ate Andrea at Ethan sa pag-uwi.


Nalaman din nila Papa yung ginagawa ko ng ikatlong-araw ko na pag-iwas. Palagi daw akong hindi matawagan. Sinabi ko na lang na kailangan ko ng bagong number pero sa huli ay hindi ako pinayagan kaya noong araw na iyon ay binlock ko na siya sa cellphone ko.


Makulit din dahil sa isang linggong hindi ko pinansin ay ganoon din siyang kapursigidong kausapin ako. Sa pang-apat na araw ay naabutan niya ako naglalakad, pinapasakay niya ako pero hindi ko pinansin hanggang sa pagpasok ko doon sa trabaho ko at ayoko na makinig sa kanya.


Wala din naman siyang nagawa kaya hanggang ngayon na papasok na ako sa school ko ay nakasunod pa din siya.


Nang makita ko sila Ate Andrea at Ethan sa gate ay tumakbo agad ako at niyakap si Ate Andrea. Nakiyakap na rin si Ethan na kinagulat ko, napahiwalay agad ako at tumingin sa paligid ko. Nakita ko na nag-igting ng panga si Sebastian, yung suot niya na pang corporate attire na bumagaya sa kanya at leather na sapatos.


Iniwas ko na lang tingin sa kanya, ngumiti ako sa kanila at inakbayan naman ako ni Ethan kaya hinayaan ko na lang.


"Tara na, baby girl." Biro niya kaya sinakyan ko na lang. Hinawakan ko ang kamay niya na nakaakbay sa akin at pinasalikop iyon.


Napasingap si Ate Andrea at nagulat naman si Ethan sa ginawa ko habang papasok kami. Landian pala gusto mo ipapakita ko sa iyo, Ethan.


Nang makapasok na kami sa school ay tinanggal ko ang pagkasalikop ng kamay namin.


"Thank you for participating the show, Ethan." Sabi ko at tumawa naman si Ate Andrea.


Alam naman nila kung anong sitwasyon ko, kaya nga din tinulungan nila ako na tumambay muna sa café na mayroon inooffer na libro para makapagbasa. Kahit hindi naman ako masyadong nagbabasa ng libro ay nakapagbasa na ako dahil mabilis lang ang oras sa umaga.


"We have to go, Ethan." Sabi ni Ate Andrea. Magkaklase kasi sila kaya ako lang ang naiba sa kanila.


"Baby girl, Ingat." Sabi ni Ethan. Tumango lang ako at nag-flying kiss sa kanila.


Hinanap ko yung room ko sa school na iyon at madali ko lang nakita iyon dahil nagkaroon din ng campus tour ditto kaya nalaman ko din agad.


Madali din naman natapos yung klase dahil first day lang naman kaya naging okay siya at hindi ako nahirapan. Narinig kong tumunog ang cellphone ko at tinignan ko iyon.

Mindless FlirtationWhere stories live. Discover now