Kabanata 2

2 0 0
                                        

Brazilian Boy

Kung hindi pa ako lalayo baka sumabog na ang inis ko sa foreigner na yun. Napaupo na lang ako sa bakanteng upuan at nagbrowse ulit sa social media accounts ko. Chinat ko si Charlotte, she knows how to handle that kind of kind. Yung tipong susundan ka tapos tatanungin ka. Hanggang flirt lang ako pero kapag sinundan na ako kung saan man ako magpunta. That would be dangerous.

Margarette Adrillana: Ate, may foreigner na sumusunod sa akin.

Charlotte Amelia: Huh? Kaya mo na yan! Nilandi mo noh? HAHAHAHAHAHA!

Margarette Adrillana: Uu. Kaso natakot ako sa kanya dahil kakaiba yung tingin niya. Kapag nakikipagflirt naman ako hindi ganoon tumingin yung lalaki sa akin, eto kakaiba parang ngayon siya naman ang nakikipagflirt.

Charlotte Amelia: So where is the fun? Bakit hindi ka sumabay sa trip niya?

Magarette Adrillana: Kung alam mo lang, gwapo to, Ate.

Charlotte Amelia: Lahat naman yata ng lalaking na piflirt mo karamihan, Gwapo.

Margarette Adrillana: No, Ate. Bigyan kita ng picture wait lang...

Napatiningin ako sa paligid ko at hindi ko na siya nakita. Buti wala na siya, napabaling na lang ako sa kaliwa't-kanan ko at wala na nga siya.

"Wala na yata." Tinignan ko ang cellphone ko at nakita ko ang chat ni Charlotte.

Charlotte Amelia: Nasan na?

Margarette Adrillana: Nawala siya Ate, baka nakasakay na yata ng connecting flight niya.

Charlotte Amelia: Awwww! Sayang. Sige chat mo ako kapag nakita mo ulit or nakarating ka na sa New Zealand.

Margarette Adrillana: Okay. I will, Ate.

Tinigil ko na ang pagba-browse ko sa cellphone ko at nakinig na lang ng music sa MP3 player ko. Mahina lang ang sound nun para naman marinig ko na puwede nang magpapasok sa loob ng eroplano.

Maya-maya ay narinig ko na yung pinakahihintay ko na announcement na puwede nang pumasok. Kinuha ko ang bag ko at maleta para makapunta na sa eroplano. Nang maiayos na ang lahat, hinanap ko na yung upuan ko. Good thing malapit sya sa bintana hindi na manganglay yung ulo ko at may masasandalan na rin. Hinarap ko na rin yung bagpack ko para maging komportable ako sa pag-upo ko.

"Hey!" napalingon ako sa katabi. T-the GUY! Ka-katabi ko ba sya? Nakakunot lang ako sa kanya at siya naman ay nakangisi. Prenteng umupo sa tabi ko, parang gusto kong magpalipat. Itinabi ko muna yung bag ko at tumayo para tumingin sa paligid. Halos lahat na nang tao ay nakaupo sa naka-assign seat nila. 

Tumingin ako sa kanya at nagkasalubong ang mata namin. Tinaas ko ang kilay ko at umupo na lang, suko na ako wala naman may gusting makipagpalit ng seat sa akin atsaka kailangan na rin akong pumirme dahil aalis na rin ang eroplano.

"Are you avoiding me?" he ask. Napatingin ako sa kanya at umiling.

"I don't know what you're talking about. I just want peace." I answer him at umupo muna ako. Kinuha ko ang bag ko at pumirme na sa kinauupuan ko. Hinalungkat ko ang bag ko para hanapin ang eye patch ko. Hanggang sa nakita ko na siya at kinuha na iyon kasama ang cellphone ko.

"Messy." He said. Hindi ko mapigilan mapatingin sa kanya at napakunot ang noo ko.

Bumaling na lang ako sa eye patch ko at sinuot iyon. Sinalpak ko na rin sa tenga ko ang earphones ko at sumandal na nang maayos. I want peace! Tapos nakatabi ko pa itong kumag na 'to.

Mindless FlirtationWhere stories live. Discover now