Kabanata 5

2 0 0
                                        

Good night

Pumunta kami sa café, umorder ako ng slice blueberry cheese cake at isang frappe. Si Ate Andrea naman ay isang slice chocolate cake at mocha. Pareho naman kaming may pera kaya nagbayad kami pareho sa counter.

Nang makuha namin ang mga order namin ay si Ate Andrea na ang pumili nang mauupuan namin. Malapit kami sa isang sulok at nasa transparent glass wall kami.

Makikita mo ang kotseng dumadaan, mga taong abala sa paglalakad at mga ilaw na nakakaakit sa mga mata.

Napangiti na lang ako, okay naman ang unang araw ko at sana ganto parati. Yung tahimik lang, gusto ko nang magbago dahil nandito na rin naman ako at hindi ko alam kung ano ang magiging kinabukasan ko.

Lalo na nandito na ako sa ibang bansa at kakaunti lang ang kakilala ko.

"Hindi ka nakikinig." Napabalik ako sa reyalidad sa pagsasalita ni Ate Andrea.

"Sorry, Ate. May sinasabi ka ba?" sabi ko at itinuon ko na sa kanya ang atensyon ko.

"Boyfriend mo ba talaga yung customer natin kanina?" kuryoso siyang nakatingin sa akin.

Habang hawak niya ang phone niya at napatingin ako doon.

"Hindi nga po." Sabi ko at kinuha ang tinidor para makakuha ng blueberry cheesecake.

"Alam mo may gusto sa iyo si Ethan." Napaubo ako sa sinabi niya.

Kaya binigyan niya ako ng tissue dahil may lumabas na kaunti sa kinakain ko na cheesecake.

"Wala naman akong pake, Ate." Iritang sinabi ko at nagpunas sa bibig.

"Pero sa totoo lang may gusto talaga sa iyo yun. Hindi naman magiging ganun reaksyon nun kumag na yun eh." Paliwanag nito.

Nakita ko naman na sumimsim siya sa inumin niya na mocha at halos makakalahati na niya na yung slice na chocolate cake.

"Aba ewan ko doon. Dapat alam niya ang limitation niya. Yung lalaki kanina na inaya ako kumain, anak siya nang kaibigan ni Papa at kaya ako pumayag kasi kailangan maging magkaibigan kami." Paliwanag ko at sumimsim nang frappe.

Magsasalita sana siya ng tumunog ang phone niya.

"Yo!" sabi ni Ate Andrea at tumingin sa akin. Nagkibit balikat lang ako at hindi pinansin ang usapan nila. "Nasa café ako." Napatingin na ako sa kanya at ngumiti naman siya kaya nagtaka ako. "Sige."

May kinalkal siya sa cellphone niya at natutuwa pa siya.

"Share naman diyan." Pabiro kong sinabi at napatingin siya sa akin habang sumisimsim ako ng frappe.

"Mamaya, paparating na rin naman." Sabi nito at ako naman ay napatingin sa relo ko. Magna-nine o'clock na.

"Ate uwi na tayo." Sabi ko habang minadali ko ang pagkain ng cheesecake.

"Mamaya, huwag kang mag-alala ihahatid ka namin sa inyo." Sabi nito kaya nag-enjoy na lang ulit ako sa frappe ko malapit nang maubos.

Nagkwentuhan muna kami ng ilang minuto dahil sabi niya ay may inaantay daw siya na makakasabay namin sa pag-uwi.

Bigla naman tumunog ang cellphone ko. Napakunot ang noo ko dahil unregistered number lang ito. Hindi ko pa naman nabibigay yung cellphone number ko kay Ate Andrea.

Unregistered Number: Nasa bahay ka na?

Unregistered Number: Si Sebastian 'to.

Hindi ko alam kung namumula ba ako ngayon. Paano niya nakuha yung cellphone number ko? Nagulat na lang ako ng tumunog ang cellphone ko ulit.

Mindless FlirtationWhere stories live. Discover now