Kabanata 3

4 0 0
                                    

Park

Nang makarating kami sa bahay, namangha ako dahil sobrang laki nito at sabi ni Papa pinatirhan daw ng kakilala niya itong bahay dahil pumunta daw ibang lugar dahil may isa pang bahay. It was modern house design with a wide garage na puwedeng parkingan nang dalawang sasakyan.

Single detach din ito kaya hindi mo madidinig ang ingay ng kapitbahay mo tapos naka-wooden fences pa ito. Kung sa Pilipinas ito ay aakalain mo na mayaman ang nakatira, samantalang dito same ang mga bahay at maganda ang design.

Pagpasok ko ng bahay, sobrang ganda niya talaga at dinala na ni Papa ang maleta ko. Sumama ako sa kanya habang humahanga pa din ako sa design ng bahay na ito.

Nagpapasalamat din ako sa kakilala ni Papa na mayroon ganitong bahay, maganda at malayo din siya sa city. Nang makita ko ang kwarto ko, magkakasama pala kaming tatlo at mas okay iyon para makakapagbonding din kahit na inaaway ko sila.

Inexplain din sa akin ni Mama na may heater ang buong bahay. Ang cool! Nasa ibang bansa na nga talaga ako.

"Dito muna kayong tatlong magkakapatid. Dalawa lang kasi yung room dito ang isa para sa amin ni Mama mo. Maluwag naman ang kwarto na ito para sa inyong tatlo at wala naman itong second floor kaya ito muna." Sabi ni Papa at niyakap ko siya.

Ang laki ng pagod niya dito sa New Zealand at ayokong madisappoint siya kapag nakapasok na ako sa school at makahanap na ako ng trabaho.

"Bakit, Ate?" sabi ni Papa at bumitaw na ako sa pagkakayap sa kanya. Maybe, I'm too emotional dahil wala akong kakilala dito samantalang may mga kaibigan ako sa Pinas.

"Wala akong kilala dito at wala akong kaibigan." Sabi ko at tinawanan ako ng mga kapatid ko.

"Ang laki mo na, Ate." Sabi naman ni Marjorie. "Atsaka magkakaroon ka din dito, mas sociable ka kaya kesa amin. Kami nga muntik nang maligaw papunta dito eh.. Kung hindi lang nag-English tong bunso natin." napatawa ako sa sinabi niya.

"Ate, huwag kang mag-aalala may park naman dito." Sabi naman ng bunso namin.

"Magpahinga ka muna, Ate. Mag-uusap tayo mamaya about sa school niyo." Sabi ni Papa at iniwan na nila ako sa kwarto. May tatlong kama dito sa loob ng kwarto at may cabinet din dito. Inayos ko muna ang mga gamit na dala ko galing Pilipinas at pagkatapos ay nagpahinga saglit.

Lumabas ako ng kwarto na may dalang tuwalya at nakita kong naghahanda na sila ng pagkain. Nakita ko sa orasan na mag-aalas dose na at kailangan na kumain. Nagsabi din ako na maglilinis ako ng katawan at pagkatapos ay sabay-sabay na kami kumain.

Nagkwentuhan, pagkatapos kumain ay si Marjorie na ang naghugas at nagulat pa ako dahil himala naging mabait ito ngayon sa akin. Well, lahat naman sila mababait depende lang kapag tinotopak silang sumunod sa akin.

"Nak, pupunta na muna ako sa trabaho. Half day lang kasi ako kaya kayo muna bahala dito." Pagpapaliwanag ni mama sa amin at isa-isa kaming hinalikan sa pisngi. Kasama naman niya si Papa dahil ganun din ay naghalf day lang sila sa work at gamit nila ang kotse.

"Matutulog muna ako. Gisingin ninyo ako ng alas tres." Tumango lang si Marjorie sa akin at tinignan lang ako ng bunso namin kapatid na si Madeleine na parang may gustong sabihin.

"May gusto ka bang sabihin, Baby?" Sabi ko at tinignan ko siya palipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Marjorie.

"Ate, magpahinga ka na. Gusto lang niyan magpasama sa park na malapit sa atin." Sabi sa akin ni Marjorie. Lumapit sa akin si Madeleine at hinawakan ang kamay ko. Alam ko na galawan nito magpapasama 'to sa akin.

"Pero Ate Margarette ang ganda doon. Malinis yung park at palaruan doon. Samahan mo na lang ako." Nakangiti niyang sinabi sa akin, tama nga ang hula ko at magpapasama nga ito sa akin kaya ganto ngumiti.

Mindless FlirtationWhere stories live. Discover now