* Batangas/ July 7, 2016 / 4:00 pm
Worst day. Ganito ilarawan ni July ang araw na iyon.
Patakbo siyang lumabas sa kanilang silid aralan dahil araw-araw na lamang siyang binu-bully ng kaniyang mga kaklase. Malabo ang paningin nito dahil sa mga luhang nag-uunahan sa pag-agos.
Hindi niya namalayan na sa sobrang tagal na pala niyang tumatakbo ay hindi niya na alam kung nasaan siya. Dinala na pala siya ng kaniyang mga paa sa isang tagong lugar. Naupo na lamang siya at doon— lalo pa siyang humagulhol sa kaalamang wala namang makakarinig sa kanya.
Nagising na lamang siya nang di inaasahang nakatulog dahil sa pag-iyak. Kinusot-kusot pa niya ang kanyang mga mata para luminaw ang nanlalabong paningin.
Nang lumingon siya sa kaniyang paligid, nakita niya ang paglubog ng araw. Napalitan ng ngiti ang kanina'y nakasimangot ngiyang mukha.
"Siguro tama sila. The worst maybe the best. Akala ko ito na yung pinakamasamang araw ko... hindi pala. Mayroon pa rin namang kahit na kakaunti na magpapasaya saakin. Mga simpleng bagay na tulad nito", aniya na ang tinutukoy ay ang sunset.