Salamat

11 1 0
                                    

Huni ng mga kulisap, hampas ng mga alon sa dagat at ang paghikbi ni July ang tanging maririnig sa paligid. Hindi tulad kanina ay masmalakas na ang ihip ng hanging ngayon. Tila ba ay tinatangay nito ang tonetoneladang yelo sa sobrang lamig.

Hindi iyon alintana ni July dahil wala naman siyang choice, wala siyang dalang jacket, bagkus ay patuloy lang ito sa pagtitig sa dagat. Ang lamig ah!

Napapitlag na lang siya nang maramdaman ang pagbato ng jacket sa kanya ng lalaki.

Wow ha! Napakagentle! Sarkastikong turan into sa kanyang isip. Buti na lang at hindi niya ito nabigkas kundi lagot na.

"Salamat", yan nalang ang nasabi niya para hindi na ito magsungit at baka bulyawan siya ulit.

Hinintay niya kung may sasabihin pa ba ito pero mahabang katahimikan na ang kanyang narinig.

Sinuot na niya into at saka kinuha ang kaniyang bag para yakapin.

Nang maalala na basa ang damit ng binata dahil sa mga luha niya ay agad itong napalingon. Pinagmasdan niya ito.

Hindi ba siya nilalamigTanong ni July sa kanyang isip. Ni hindi man lang ito gumagalaw sa pagkakasandal sa puno. Parang hindi tinatablan ng lamig. Nakatingin lang ito sa taas.

Nang tumingin rin si July sa tinitignan ng lalaki ay namangha siya. Andaming bituin. Ang liwanag.

Nang sumakit na ang kanyang leeg sa pagtingala ay ibinava na niya ang kanyang bag. Humiga siya at ginawa itong unan.

Perfect! Yan lang ang masasabi niya.

Naisip tuloy niya ang pagkamangha niya kanina sa dagat. May masmakinang pa pala sa kislap ng tubig no'n. Minsan nasisilaw tayo sa mga kinang ng mga bagay, akala natin yun na ang pinaka maganda, pinaka-fulfilling, pero hindi pa pala. Kasi kailangan pa nating lumingon-lingon ng kaunti, kailangan nating hanapin ang mga totoong maykinang, ang totoong kumikislap. Dahil yun ang masmagpapasaya saatin.

Medyo maluwag na ang pakiramdam niya ngayon. Parang nahimasmasan na siya. Masmabuti nang nalaman niya ang to too, kahit huli na, kaysa naman habambuhay itong ipagkait sa kanya.

Ngayon natanto na niya ang dahilan kung bakit hindi niya kailan man naramdaman ang pagmamahal sa mga ito.

Sa sobrang pag-iisip ay tinangay na siya ng antok.

Sa Aking Pag-iisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon