Huni ng mga kulisap, hampas ng mga alon sa dagat at ang paghikbi ni July ang tanging maririnig sa paligid. Hindi tulad kanina ay masmalakas na ang ihip ng hanging ngayon. Tila ba ay tinatangay nito ang tonetoneladang yelo sa sobrang lamig.
Hindi iyon alintana ni July dahil wala naman siyang choice, wala siyang dalang jacket, bagkus ay patuloy lang ito sa pagtitig sa dagat. Ang lamig ah!
Napapitlag na lang siya nang maramdaman ang pagbato ng jacket sa kanya ng lalaki.
Wow ha! Napakagentle! Sarkastikong turan into sa kanyang isip. Buti na lang at hindi niya ito nabigkas kundi lagot na.
"Salamat", yan nalang ang nasabi niya para hindi na ito magsungit at baka bulyawan siya ulit.
Hinintay niya kung may sasabihin pa ba ito pero mahabang katahimikan na ang kanyang narinig.
Sinuot na niya into at saka kinuha ang kaniyang bag para yakapin.
Nang maalala na basa ang damit ng binata dahil sa mga luha niya ay agad itong napalingon. Pinagmasdan niya ito.
Hindi ba siya nilalamig? Tanong ni July sa kanyang isip. Ni hindi man lang ito gumagalaw sa pagkakasandal sa puno. Parang hindi tinatablan ng lamig. Nakatingin lang ito sa taas.
Nang tumingin rin si July sa tinitignan ng lalaki ay namangha siya. Andaming bituin. Ang liwanag.
Nang sumakit na ang kanyang leeg sa pagtingala ay ibinava na niya ang kanyang bag. Humiga siya at ginawa itong unan.
Perfect! Yan lang ang masasabi niya.
Naisip tuloy niya ang pagkamangha niya kanina sa dagat. May masmakinang pa pala sa kislap ng tubig no'n. Minsan nasisilaw tayo sa mga kinang ng mga bagay, akala natin yun na ang pinaka maganda, pinaka-fulfilling, pero hindi pa pala. Kasi kailangan pa nating lumingon-lingon ng kaunti, kailangan nating hanapin ang mga totoong maykinang, ang totoong kumikislap. Dahil yun ang masmagpapasaya saatin.
Medyo maluwag na ang pakiramdam niya ngayon. Parang nahimasmasan na siya. Masmabuti nang nalaman niya ang to too, kahit huli na, kaysa naman habambuhay itong ipagkait sa kanya.
Ngayon natanto na niya ang dahilan kung bakit hindi niya kailan man naramdaman ang pagmamahal sa mga ito.
Sa sobrang pag-iisip ay tinangay na siya ng antok.
Bumuntong hininga na lamang any binata nang makita ang natutulog na si July. Umalis into sa pagkakasandal sa puno. Bumalik siyang may dalang kumot at kaunting kahoy.
Inayos niya any dala at inayos any mga ito. Nagsindi siya ng bonfire saka inihiga si July sa kumot na nakalapag.
"I can't believe I'm doing this to you.", aniya na parang bang nakikinig talaga ang kausap niya.
"The great Jonas who is feared by everybody is now a baby sitter? Oh come on!"
Hinawakan nito ang caliber 45 na kanina pa niya iniipit sa tagiliran niya. "Patayin na lang kaya kita." Medyo matawa-tawa nitong sambit saka pinadausdos ang baril sa mukha ni July.
"Ang lakas ng loob mong lapitan ako. Kung alam mo lang na mamamatay tao ako, baka pinandirihan mo na ako. "
"Good night!", pabalang na paalam niya.Nagsindi siya ng sigarilyo sa bonfire at saka bumalik sa dati niyang puwesto sa ilalim ng puno.
***
Maliwanag na and sikat ng araw nang gumising si July. Wala na ang lalaki kagabi ngunit ang ipinagtaka niya at ang kumot na hinihigaan niya. Mayroon ding mga upos ng sigarilyo na nagkalat sa paligid at tumpok ng mga abo sa malapit.
Luminga-linga siya pero ni anino nito at di na niya nakita.