Taong Bahay

10 2 0
                                    

Mula pagkabata ay sa bahay lamang siya namamalagi. Hindi siya pinapayagang lumabas para gumala. Bahay–iskwela–bahay–iskwela... paulit-ulit lang. Masyadong nakakabagot.

Ngayon na natagpuan na niya ang lugar na iyon ay parang nakakita na rin sya ng bagong destinasyon. Isang lugar kung saan siya makakahinga ng maluwag. Walang restrictions. Walang bully.

Iisa pa lamang ang naging kaibigan niya at ngayon ay wala na ito dahil lumipat na sila ng bahay. Kung saan? Hindi niya alam.Inalis niya sa kanyang isipan ang mga alaala tungkol sa matalik na kaibigan at itinuon ang atensyon sa kung bakit siya nagpunta doon.

"Siguro tama pa rin sila. Everything happens for a reason. Kasi kung di nila ako nabully edi wala ako ngayon dito."

Umihip ang malakas na hangin. Tumayo siya at ibinuka ang dalawa niyang mga kamay. Ipinikit ang kanyang mga mata.

"This is life! Sana dito na lang ako forever! Kahit mag-isa. Atleast walang mananakit sakin dito. Atleast dito ramdam kong masaya ako!" Hindi siya nagdalawang isip na isigaw iyon dahil wala namang makikinig.

Bumuntong hininga na lang sya at pinagmasdan ang unti-unting paglubog ng araw. Unti-unti ay nilalamon na ng dilim ang liwanag.

Bago pa man mahuli ang lahat ay nagpasya na siyang umuwi.

"Hay nako! Itong batang to! Saan ka ba nagpunta at ngayon ka lang, hala sige pasok na't kakain na." Galit galitan. Yan ang alam niyang reaksyon ng kanyang ina. Hindi na rin naman bago ito sakanya .

Sa Aking Pag-iisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon