Ang Katotohanan

6 2 0
                                    

Saktong-sakto nang makarating siya roon ay papalubog na ang araw.

Wow! Yan ang naisip niya nang makita ito. Pinagmasdan niya itong mabuti na para bang ito ang pinaka magandang nagyari sa kanya ng araw na iyon. Ngunit nagulantang siya nang may sumigaw mula sa kanyang likuran.

"Who are you and what are you doing here?", bulyaw sa kanya ng lalaki. Mahaba ang buhok nito na umaabot sa balikat. Matangkad. Ngunit hindi niya maaninag ang mukha nito. Natameme na lang siya at di alam kung ano ang sasabihin.

"This is a private property. Pwede kitang idemenda ng trespassing!" Banta nito sakanya.

Nang akmang lalapit na ito ay nabalutan na siya ng takot kaya imbes na mahuli siya nito ay agad na siyang nagtatakbo pauwi. Nagpasalamat na lang siya nang mapansing hindi namna pala siya nito hinabol.
Hay! Safe na rin ako sa wakas.

Nang makarating siya sa kanilang bahay ay bigla siyang nanibago. Imbes na kalantsing ng mga kutsara't pinggan ay nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa kanya.

Sabi ni tatay may sasabihin sila, bat sila naman yata ang naglakwatsa?
Napa-face palm na lang siya sa naisip niyang iyon.

"Nay, tay, nandyan ho ba kayo!?"

Nagulat siya nang makitang nakaupo ang mga ito sa may hapag.

"Mabuti naman at dumating ka na. Maupo ka muna July."

Kahit na naguguluhan sa inaakto ng kanyang mga magulang ay sumunod na lang ito sa kanila.

"Sana mapatawad mo kami July!" Humihikbing turan nito.

"Ho?"

"July hindi ka talaga namin tunay na anak."

Naiyak na rin siya nang marinig iyon. Ano to? My whole life is a lie ganon?

"Bakit ngayon niyo lang sinabi nay? Nasaan ang mga totoo kong mga magulang?" Halos nanghihina na siya habang binabanggit ang mga iyon.

"Hindi namin alam kung nasaan sila. Basta't iniwan ka nalang ng tatay mo saamin noon. Ni hindi namin alam ang gagawin sayo."

"Wala po ba siyang sinabi tungkol saakin? Iniwan nalang ba niya ako na parang tuta na ipinamigay?" Halos di makapaniwalang tanong niya sa mga ito.

"Ang sabi niya na saka lang namin sabihin sayo kapag kaya mo nang maintindihan. Atsaka, yung mansyon, sa iyo ipinamana iyon. Nagmamadaling umalis ang tatay mo noon pagkatapos niya kaming bayaran ng tatlong milyon at bilining alagaan ang mansion para saiyo. July, ang mansion na iyon ang sa tingin naming makakasagot sa pagkatao mo. Pasensya na kung ngayon lang namin sinabi. Sana mapatawad mo kami."

Hindi na niya nakayanan pa at nagdesisyon na umalis na lamang doon. Masyado ng masakit. Sinubukan naman niyang intindihin pero parang hindi rin maproseso ng utak niya.

Pumunta siya sa lugar kung saan alam niyang mapapanatag siya. Hiling niya lang ay wala na sana ang may-ari.

Kahit madilim ang daan patungo roon ay nagawa pa rin niyang makarating doon ng maayos.

Umupo siya tsaka ibinaling ang tingin sa dagat. Kumikislap ang tubig dahil sa kaunting liwanag galing sa buwan. Para siyang hinehele ng alon.

Walang anu-ano'y naalala niya kung bakit siya pumunta doon. Bigla tuloy siyang napahagulhol.

Ganun ba talaga ako kamalas? Ganun ba ako kawalang halaga? Ni wala man lang akong kaibigan? Iniwan rin ako ng aking mga magulang. Ano bang mali saken?

Pakiramdam niya ay pinagkaisahan siya ng lahat.

Nabulabog lang ang pagmumuni-muni niya ng makarinig ng mga kaluskos. Teka... may multo ba dito?

Kinilabutan tuloy siya. Nagsisi tuloy siyang pumunta doon. Lalo na ng may nagsalita na lang bigla.

"What are you doing here? Diba sinabi ko na sayo na idedemanda kita kapag pumunta ka pa dito."

Naalala niya bigla na ito yung lalaki kanina. Sa kabila ng pagbabanta into ay hindi man lang natinag si July. Bagkus ay nilingon niya ito. Bakas sa mukha ni July na hindi ito tinablan ng intimidating powers ng isa.

"Hey! What are you looking—"

Naputol ang sasabihin nito ng bigla na lang siyang niyakap ni July.

"Get off me! Hey! Get off!"

Nagpumilit itong kumawala pero parang linta ang pagkakalingkis ni July sa kanya.

"Paiyak muna ha, kahit ngayon lang."

Papalag pa sana ito pero bigla siyang naaawa kay July nang humagulhol ito ng malakas.

Lumipas ng halos dalawang oras ng pag-iyak ni July. Sobrang tagal na para bang hinele ng paghikbi niya ang lalaki at tuluyan na itong nakatulog. Nang tumigil si July ay humihilik na ang lalaki.

"Sorry, nabasa pa tuloy ang damit mo." Bulong niya sa lalaki para hindi na ito magising.







Sa Aking Pag-iisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon