Maaga siyang nagising at tinulungan ang nanay niya. Simpleng gawaing bahay tulad ng pagluluto at pagwawalis.
Labing anim na siya ngayon at isang taon na lamang ay makakapagtapos na siya sa sekundarya.
Ang kaniyang nanay Rita at tatay Berto ay caretaker lamang ng napakalaking mansion sa kanilang lugar. Ganun pa man ay hindi niya alam kung ano nga ba ang loob nito dahil di sya isinasama. Bago tumuloy ang mga ito sa trabaho ay inihahatid muna siya sa eskwela kaya malabong makita niya ito.
"July, may importante kaming sasabihin sayo ng nanay mo mamaya kaya wag ka nang maglakwatsa katulad ng ginawa mo kahapon."
"Opo itay." Yan lamang ang sagot niya bago umalis ang mga ito.
Sa kanilang klase at mabilis siyang natututo sa kanilang pinag-aaralan. Ito marahil ang dahilan kaya inggit na inggit ang mga kaklase niya na umaabot pa sa puntong binu-bully na siya.
Kapansin-pansin rin ang napakaputing kutis nito kung ikukumpara sa mga kaklase niyang katulad rin naman niyang taga probinsya. Iniisip na lang nila na dahil into sa pagkukulong niya sa kanilang bahay. Kinukutya tuloy siyang bampira.
Naiiba rin ang tangkad nito at nakakapagtaka dahil sadyang maliliit ang mga magulang niya.
Tinatawag tuloy siyang anak ng engkanto. Anak ng kapre.Lumipas ang araw na iyon na Padang ordinaryong araw lang. Oo, nabully na naman siya.
Maaga siyang umalis sa eskwela dahil bukod sa bully ang mga kaklase niya ay wala rin naman siyang kaibigan na makakasama pa doon.
Minabuti na lamang niyang pumunta sa lugar na pinuntahan niya kahapon. Mabuti pa doon, payapa. Makakapag-isip siya ng maayos.