CHAPTER 13

89 2 0
                                    

CHAPTER 13:Truth

Cepheus Pornue

One month later........

It's 9:00 pm in the evening at kakatulog lang ni Zafira matapos ito painomin ng pampatulog. Araw-araw parang imperno para kay Cepheus kasi sa bawat  paggising ni Zafira, hindi siya nito nakikilala at palagi itong nagdudusa dahil sa mga side effects ng gamot na pampatulog. Mahirap. Subrang hirap pero kinakaya niya kasi dapat niyang maging matapang para dito. Minsan nakaramdam siya ng pagkapagod. Nakakapagod na hawakan ang taong alam niyang bibitaw sa ano mang oras. Nakakapagod magpakilala sa taong alam niyang bukas hindi na naman siya makikilala. Pero hindi siya napapagod na mahalin ang taong alam niyang makakalimutan siya balang-araw.

"Cepheus? Pagod ka na ba?" wala sa sarili nitong tanong

"What do you mean?"

"Pagod kana bang alagaan ako?" tumingin ang mga matang may namumuong luha ni Zafira sa kanya. "Pagod kana bang ipaalala sakin kung sino ka araw-araw kasi..... Kasi sa tuwing gigising ako, hindi kita maalala."

Umaling siya, "No. I'm not tired of taking care of you."

"Cepheus, you can live your life to fullest at huwag mong hayaan na masayang ang oras ng buhay mo sa isang kagaya ko na bilang nalang ang araw, hindi pa nakakaalala. Life is short, Cepheus kaya sulitin mo ito."

Napatitig siya sa maamong mukha ng dalaga. Tama ito, life is short kaya sinusulit niya ang bawat araw, bawat ngiti at bawat paggising nito sa mundo kasi alam niyang dadating ang panahon na mawawala ito at hindi na makaalala.

" I know that life is short kaya nga nandito ako sayo eh" nangiti parin siya rito kahit deep inside, sobrang sakit na. Sobrang sakit na makita ang taong mawawala at lilimutin siya balang-araw.

"Cepheus, why are doing this to me? Ex-girlfriend lang ako ng kapatid mo at wag mong sabihin na bilang kaibigan lang kasi this is too much para gawin sa isang kaibigan." natingin siya rito. Mukhang ito na ang tamang panahon para sabihin ang totoong nararamdaman niya sa dalaga.

" Zaf, hindi ako magsasawang alagaan ka kahit napapagod na ako. Oo pagod ako pero hindi lahat ng pagod ay susuko kaya kahit sobra-sobra na ang pagod na nararamdaman ko, hindi ako susuko at hindi kita iiwan kasi mahal kita. Mahal kita higit pa sa kaibigan, Zaf" masuyong pinunasan niya ang luhang pumatak sa mata ng dalaga.

"Cepheus, I'm so very thankful to have you." niyakap siya nito hanggang sa sumikip ang dibdib niya at bumibilis ang pintig ng puso niya. His heart disease.

"Cepheus, are you OK?" kita sa mukha nito ang pag-alala.

"I'm..... F-fine." pilit niyang magpanggap na OK siya pero nahihilo na siya at nahihirapan na siyang habulin ang hininga niya hanggang sa nagdilim na ang lahat at ang umiiyak at nag-aalalang mukha ni Zafira ang huli niyang nasilan.

Zafira Hydra Luvdale

Zafira is still shock dahil sa nangyari kanina. Cepheus suddenly collapse in front of her at hanggang ngayon, kinakain parin siya ng pag-aalala. Ano kayang nangyari rito? May sakit ba ito? Dahil ba sa kanya kaya biglang nag collapse si Cepheus?

Bumukas ang pinto at pumasok ang doktor. "Doc,is Cepheus alright?"

"Ahmm.. I'm sorry to tell you Zafira, ayun sa sinabi ng doktor ni Cepheus, unstable pa daw ito."

Napaluha nalang siya sa sinabi ng doktor. "Ako ba ang dahilan kaya siya nagkaganon?" wala sa sariling niyang tanong.

"No! Don't blame yourself kasi hindi ikaw ang may dahilan. Sakit na talaga yun ni Cepheus from the start kaya don't blame yourself." nakakunot ang noo niyang tinignan ang doktor. May sakit si Cepheus?

"What do you mean? May sakit si Cepheus?"

"Yes. Hindi mo ba alam yun?" nayuko siyang tumango rito.

"A-anong sakit ni C-cepheus?" nauutal niyang tanong dito.

"According to his doctor, may Arrhythmia si Cepheus. Arrhythmia is a heart condition where the heartbeat is irregular, too slow, or too fast. In the case of Cepheus ,he has Tachycardia, it is of Arrhythmia that refers to a fast resting heart rate, usually over 100 beats per minute and one of its cause is stress."

"Malala ba yung s-sakit niya?" nanginginig na katawan niya dahil sa natuklasan.

"Hindi ko alam kasi yun lang ang sinabi ng doktor ni Cepheus, sakin" inayos nito ang kumot niya "It is better if magpahinga kana. Do you want to drink a sleeping pills?"





"No! Baka paggising ko, hindi ko na maalala si Cepheus!" giit niya




"Okay if that what you want. Dito lang ako at tawagin mo ko if may kailangan ka." saad nito at tumango siya






Sextans Pornue




"Sextans! Where are you? Your brother, Cepheus, is here in the hospital. Inatake siya ng sakit niya." dinig ni Sextans ang pagiging hysterical ng kanyang ina sa kabilang linya




"Ma, huminahon ka lang. Hintayin mo ko diyan. Pupuntahan kita." aniya sabay baba sa tawag





Dali-dali niyang tinahak ang hospital kung saan ang kapatid niya. Alam niya kung bakit inatake si Cepheus. Dahil yun kay Zafira. Nalaman niya ito ng sabihan siya ni Stephen na hindi na raw ito umuuwi dahil kay Zafira. Nabalitaan niya rin na may sakit ang dati niyang kasintahan pero hindi niya alam kung ano ang sakit nito. Naaawa siya rito dahil nagdurusa pala ito sa sakit habang siya nagpapakasaya kasama si Angel na ipinagpalit niya rito. Pinagsisihan niya na ang panloloko niya sa dalaga, noon pa. Kung alam niya lang na may sakit pala ito, sana hindi niya ito linoko at sana hindi niya ito sinaktan.




"Ma, kumusta si Cepheus?" linapitan niya kaagad ang ina niyang nakaupo katabi sa ICU habang umiiyak





"Unstable pa daw siya sabi ng doktor. Sextans, I can't lose your brother." niyakap niya ang ina niyang umiiyak




"Hindi ko rin kayang mawala si Cepheus, ma. Huwag kang mag-alala, magiging maayos po siya. Huwag na po kayong umiyak." pagpapatahan niya sa ina





Habang pinapatahan niya ang ina niya, lubas ang doktor galing sa kwartong inuukupa ng kapatid niya. "Doc, kumusta na ang anak ko." biglang tumayo sa pagkakaupo ang ina at sinalubong ng tanong ang doktor





"Didiretsohin na po kita ma'am. Your son needs a heart transplant as soos as possible because his disease is getting worst and now, he is fatal condition." napahagulhol ang ina niya dahil sa nalamang kalagayan ng kapatid






"How can we get a heart donor? We've waited almost how many years but we can't find any heart donor up until now!" nagwala na ang ina niya napaupo ito dahil sa bigat ng loob na nararamdaman "Oh god.... I can't lose my son.... I need my son and he's too precious for me so please...... God don't take away my son from me." napayakap siya sa kanyang ina at pati siya nasasaktan sa sinapit ni Cepheus

When I'm GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon