CHAPTER 16:Heart Donor
"Ma, kain na po muna kayo." inabutan ni Sextans ang ina niyang namumugto ang mata dahil sa kakaiyak. Hanggang ngayon kasi, nag-aagaw buhay pa ang kapatid niya at walang kasiguraduhang gagaling pero kilala niya ang kapatid niya, matapang ito at hindi basta-basta sumusuko kaya nasisiguro niyang lalaban ito at gagaling. Alam niyang lalaban si Cepheus dahil may naghihintay rito at nagmamahal at yun ay si Zafira. Nakita ni Sextans na mahal na mahal nito ang isa't isa. Nakikita niya ring mas mahal pa ni Zafira si Cepheus kaysa sa kanya dahil sa mga pabor na hiningi nito kahapon. Hindi na pala siya nakadalaw ngayon dito dahil nangangailangan ng kasama ang ina niya at mukhang mamayang hapon pa niya madadalaw ito.
"Doc, pwede bang makita ang anak ko?" biglang tanong ng ina niya sa doktor ng kapatid niya
"Sorry po pero hindi kayo pwedeng pumasok sa loob pero kung gusto niyo po talagang makita ang anak niyo, maaari niyo po siyang makita sa glass window." napilitang tumango ang ina niya
Nahihirapan talaga siyang makitang nasasaktan ang ina, kaya sa abot ng makakaya niya, sasamahan niya ito. Ngayon sinamahan niya ito pumunta sa glass window ng ICU kung asaan ang kapatid niya.
"Son, mommy's here for you always so please fight your illness and come back to us. I miss you so much son....." anito habang hinahaplos ang glass window. Nakakaawa talaga ang ina niya dahil sobrang itong nahihirapan sa kalagayan ng kapatid niya
"Ma, kumain na po muna tayo. Sabi ni kuya Cyghnus, hindi pa raw kayo kumakain simula kagabi." patingin ang niya sa kanya at tumango
Buti naman napapayag niya ang ina niyang kumain. Namumutla na ito at nanghihina dahil kulang sa pahinga at kain. Giniya niya ang ina sa baba ng hospital kung saan ang canteen nakapwesto. Pinaupo niya ito sa isa sa mga bakanteng upuan dun at pumunta sa counter para bumili ng pagkain. Binili niya ang mga sa tingin niyang paborito ng ina pagkatapos ay bumalik na siya sa lamesa kung saan sila nakapwesto.
"Ma, kain na." linatag niya ang pagkain sa mesa at tumabi sa kanyang ina
"Salamat anak. Mabuti nalang nandito ka."
Ngumiti siya rito. "Andito lang po ako palagi sayo ma." aniya
Sabay silang kumain sa ina niya pagkatapos ay bumalik na sila sa ICU. Nakaupo lang sila sa upuan katabi ng ICU hanggang lumabas ang doktor sa kwartong inuukupa ng kapatid niya.
"Doc, kumusta na ang anak ko?" tanong ng ina niya sa doktor
"He's still not better ma'am but we will do everything to make your son fine. By the way, I have a good news for both of you."
"What is it Doc?" nagningning ang mata ng kanyang ina dahil sa sasabihing good news ng doktor
"I think I found a heart donor but hindi ko pa nakakausap ng personal ang doktor na may rinecommend na puso."
"Oh my god! That's a good news. Don't worry doc, tell that doctor that we will pay millions for that heart." saad ng ina niyang nabuhayan ng dugo
"OK ma'am. I'll tell you if I have some updates." anito at umalis
"Sextans anak, do you here that? We have a heart donor!" nagtatalon-talon ang ina niya sa tuwa na parang nanalo ng lotto
Natuwa rin siya sa balita. Sa wakas may malaking persyentong mabubuhay ang kapatid niya. Hanggang ngayon nakangiti parin ang ina niya habang umuupo sila sa upuan malapit sa ICU. Hindi talaga mapawi ang ngiti nito dahil sa balita ng doktor. Dumaan ang ilang oras hanggang biglang dumating ang nakakatanda niyang kapatid na si Cetheus.
"Sextans. Mom." tawag nito sa kanila
Napatingin ang ina niya sa direksyon ng kuya niyang si Cetheus na bihira lang magpakita sa bahay nila. "Kumusta na si Cepheus?"
"Hindi pa mabuti ang kalagayan niya pero sabi ng doktor niya, may nag recommend daw ng puso." sagot niya
Napataas ito ng kilay. "That's good to hear."
"Cetheus, magiging ayus na ang kapatid mo!" magiliw na saad ng kanyang ina
"I hope so, mom." anito
Tinignan ni Cetheus si Cepheus sa window glass habang sila ng ina niya, bumalik sa pagkakaupo. Lumalipas ang ilang minuto, nagsidatingan ang iba pa niyang kapatid na sina Lanxzer, Stephen at Cyghnus.
"Mom, how's Cepheus?" tanong ni Cyghnus
"He's not fine but we found a heart donor." nakangiting sagot ng ina niya
"That's good to hear." sabi ni Cyghnus
"It's a good news." komento ni Lanxzer
"Let's party." singit ni Stephen habang pasayaw-sayaw pa
Dahil sa pagiging isip bata, binatukan ito ni Lanxzer. "Wala ka talagang ibang iniisip kundi magparty noh?!"
"Araayyy!" sigaw nito sabay kamot sa batok
"Huwag na nga kayong magbatukan." suyaw ng kuya Cetheus nila. Ang referee nila.
"Why are you all here?" nagtatakang tanong ng ina niya rito
"Ouucchh mom!" nagkukunwaring nasasaktan si Stephen habang sapo-sapo ang puso. "You don't want to see my handsome face?"
Hinampas ito ng ina na siyang dahilan ng pagtawa nilang magkakapatid. "Kanina ang payapa namin pero nung nagsidatingan kayong lahat, naging magulo at maingay." reklamo ng ina niya
"It's fine, mom. Even if we're so annoying, we're still handsome and you can't change that." giit ni Lanxzer at kinidatan ang nakangising pagmumukha ni Stephen
"Yeah right." saad ni Stephen sabay apir kay Lanxzer. Mga tukmol talaga!
Napapatawa nalang siya sa mga kapatid niya. Masaya parin ito at nakuhang magbiro kahit may nakaratay sa kama at nag-aagaw ang buhay. Nagpapasalamat talaga siya kay Cepheus kasi dahil dito, nakakasama niya ang mga kapatid niya at napatawad niya ang ina niya. Malaki talaga ang utang na loob niya rito. Utang na loob din niya ang pag-aalaga nito kay Zafira.
"Mom, gutom na ako." sabay na sabi nina Lanxzer at Stephen habang naghihimas ng tiyan
"Tsskk. Mga patay gutom." komento ni Cyghnus sa dalawa
"OK. Let's go to canteen. Hindi ba kayo kumain bago pumunta rito?" tanong ng ina niya
"Hindi kasi sinundo pa namin si Kuya Cyghnus sa bahay ng love of his life niya." sagot ni Stephen at nabatukan na naman ito
"Shut your fucking mouth, Stephen kundi bubusalan ko yan ng bimpong binabad sa mainit na tubig." namumula sa galit ang kuya nila. Patay ka talagang Stephen ka!
"You know what mom, may nililigawan na si kuya Cyghnus na doktor. I think pediatrician yun." anito na binatukan rin ng kuya Cyghnus niya
"Sa wakas may nagpatino na sa kuya niyo!" nakangiting tinignan ng ina niya ang galit na mukha ni Cyghnus
"Mom?!" galit na sabi nito
"Oh ano? Babatukan mo rin ako? Huyy Cyghnus, ipagbuntis kita ng siyam na buwan at iniluwal ng maayos at pinalaking gwapo kaya don't you dare batuk-batuk me!" singhal ng ina niya
Naging magaan ang ekspresyon ng kuya niya at niyakap ang ina. "I won't batuk-batuk you mom kasi dahil sayo may Cyghnus na gwapo sa mundo." anito at napahalakhak silang magkakapatid
BINABASA MO ANG
When I'm Gone
Aléatoire"I don't afraid of death" - Cepheus Pornue Death is part of life kaya walang pakialam sa kamatayan si Cepheus. Ayus lang na mamatay siya kahit saan at kahit kailan. Lahat ng gusto niyang gawin ay gagawin niya dahil bilang nalang ang mga araw niya. H...