CHAPTER 1:First Meet
Cepheus Pornue
Nasa hospital ngayon si Cepheus at hinahanap ang kwarto ni Sextans-half brother niyang nadisgrasya. Bwesit na bwesit talaga siya sa kapatid niya dahil sa lahat ng tao sa mundo siya pa talaga ang tinawagan. Gago talaga si Sextans na yun!
Pumunta siya sa second floor ng hospital at may nakita siyang babae na iyak nang iyak malapit sa kwartong inuukupa ng half brother niya. Kumunot ang noo niya dahil kung makaiyak ito parang namatayan. For sure hindi pa patay ang kapatid niya dahil masamang damo yun kaya hindi madaling mamatay.
Linapitan niya ang babaeng OA kung makaiyak. "Hindi pa patay ang kapatid ko kaya huwag mo siyang iyakan ng ganyan" napatigil ito sa pag-iyak at tumingin sa kanya.
Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Sino ka?" she asked
Tumingin ang asul na matamlay niyang mga mata sa babae "Iniluwal ako, hindi sinuka! Gaga" he said
Kumunot ang noo nito at hindi makapaniwala sa pagiging pilosopo niya "Ang ibig kong sabihin, anong pangalan mo at kaano-ano mo si Sextans?"
"Ah sana yan nalang ang tinanong mo hindi yung 'sino ka?'" aniya "Ako si Cepheus Pornue, kapatid ng malapit ng mamatay na iniiyakan mo" anito
Bigla itong nainis sa sinabi niya. "Huy gago! Hindi mamamatay si Sextans!" anito
"Really? Pano mo nalaman? Diyos kaba?" he asked
"Hindi ako Diyos pero nasisiguro akong hindi mamamatay si Sextans"
"Yah what ever" aniya sabay irap at linagpasan niya ito
Minsan naiinis siya sa mga babaeng obsess na obsess sa mga jowa nila. Walang Forever kaya lahat nawawala pero may mga tao talagang kinaiinisan niya na naniniwala sa forever, which doesn't exist. Meron ding mga taong nagpapakatanga dahil sa mahal nila so that means tanga ka pagnagmahal ka?
Umupo siya sa upuan na malapit sa inuukupa ng kapatid niyang gago. Hindi niya na rin inisip ang mga taong tanga dahil ang importante ay mahalaga.
After how many minutes past, lumabas na ang doktor galing sa kwarto ng kapatid niya. Nagtaka siya dahil una talagang lumapit ang babae sa doktor at halatang kinakabahan at natataranta.
"Dok ayus na po ba si Sextans?" the OA girl asked the doctor
"Sa ngayon, hindi pa namin alam dahil sumasailalim pa siya sa obserbasyon. Nabagok pala ang ulo niya at masasabi kong may hindi kaaya-aya itong epekto sa kanya kaya mahanda nalang kayo" sabi ng doktor
"Salamat Dok" anito
Nagtataka talaga siya dahil sa pagiging concern nito. "Wait, why are so concern to my bother?" tanong niya
"Wala ka na dun" anito sabay alis
Kumunot na lang ang noo habang tinitignan ang papalayong babae. Sino kaya ito? Baka isa na naman to sa laruan ng kapatid niyang gago?
Suss si Sextans talaga! Hindi nagbabago!
________
"Where have you been?" tanong ng mommy niya pagkapasok niya sa mansiyon nila
Bagot niyang tinignan ang mommy niya "Nothing" he simply answered
"Don't answer me with a single word Cepheus"
"Galing ako sa hospital. Happy?" tanong niya
Nag-iba ang expression ng mommy at nag-alalang lumapit sa kanya. "Why? Umatake na naman ba ang sakit mo?" mom asked while cupping his face "Sabi ko naman sayo na magpagamot na tayo sa America. Your dad and I were so worried to your condition so please magpagamot na tayo" nagmamakaawang saad nito
The irritation shows to his face "Mom how do many times do I have to tell you na nagsasayang lang kayo ng pera para sa pagpapagamot ko. Mom, accept the fact that I'm gonna die. Maybe not now but soon"
"Son please don't be like that...... Don't lose your hope" mangiyak-ngiyak na saad ng mommy niya
"Just accept it mom" aniya "by the way, pumunta ako sa hospital dahil nadisgrasya si Sextans"
Her mom was shock "What? Why?"
"Ewan"
"I'm gonna see him" saad ng mommy kaya pinigilan niya ito
"No! Huwag ngayon. Makipagkita ka sa kanya if pagpumayag na siya na magkita kayo"
"When? When the crow turns white? Son.....I love you just like how I love your brother too kaya torture para sakin na hindi siya maka-usap o makita man lang" anito
"Really mom? Kung torture para sayo, how much more yung nararamdaman ni Sextans? You know what mom, your pain is twice the pain that Sextans feel when you left him to your other fucking man"
"Don't curse in front of me Cepheus. Wala kang alam sa mga nangyari noon" matigas na saad ng ina niya
"I don't fucking care to your nonsense past" he coldly said
Pumunta na siya sa kwarto niya dahil walang patutunguhan ang pakikipagtalo niya sa mommy niya. He doesn't care about its past dahil isa lang ang alam niyang katutuhanan at yun ay ang pangangabit at pag-iiwan ng mommy niya ng anak. He loves his mom but hindi aabot sa point na matatapalan ng pagmamahal niya ang ginawa nito noon.
______
It's 9:00 am nang nagising si Cepheus dahil 12:00 am na siyang umuwi kagabi galing bar. Yap! nagbabar siya kahit pinagbawalan siya. He has to live his life to the fullest kaya no one can stop him kahit magbar pa siya buong magdamag.
"Anong oras kana umuwi kagabi?" Cetheus Pornue asked-his older brother, when he went to kitchen
"12" simpleng sagot niya habang naghahanda ng sandwich
Hindi umimik ang kapatid niya. Sa lahat ng kapatid niya si kuya Cetheus ang pinakagusto niya dahil tumatanggap ito ng isang tanong isang sagot. Walang problema pagkinakausap. Matino at seryoso rin ito kausap kaya pag kailangan niya ng advice si kuya Cetheus ang linalapitan niya pero the problem is once in the blue moon lang ito bumibisita sa mansyon.
Tumabi siya rito "Buti naman at bumisita ka, kuya" aniya
"I have to talk mom that's why I'm here"
"Why?"
"About Mr. Beowolf Diell" sagot niya
"The other man of mom? What about him?"
"Yah. He's in prison because he is the master mind of killing Mr. and Mrs. Luvdale"
Tumango-tango lang siya "He is a bad person, indeed"aniya "Nadadamay tayo dahil sa bwesit na lalaking yun"
"Don't worry lilinisin ko ang pangalan nating nadawit dahil kay mommy" anito "I have to go dahil wala pala si mommy dito"
"Where is she?"
"I don't know" he said
"OK. Bye" he said to his older brother
Lumabas na sa mansyon ang kuya at magbibilang na naman siya ng buwan bago ito makita. Kung sino ang gusto niyang maka-usap, ito pang palaging wala. Ang Buhay nga talaga.
BINABASA MO ANG
When I'm Gone
عشوائي"I don't afraid of death" - Cepheus Pornue Death is part of life kaya walang pakialam sa kamatayan si Cepheus. Ayus lang na mamatay siya kahit saan at kahit kailan. Lahat ng gusto niyang gawin ay gagawin niya dahil bilang nalang ang mga araw niya. H...