CHAPTER 14:Decision
Zafira Hydra Luvdale
Two days past pero kahit anino ni Cepheus hindi naaninag ni Zafira. Dalawang gabi na rin siyang takot matulog dahil takot siya na baka paggising niya, hindi niya na maalala si Cepheus. Buti nalang nandito ang doktor niya nagpapaalala parati sa kanya na may tao siyang mahal na mahal niya at mahal na mahal siya. Dalawang araw na siyang umiiyak at hinahanap ng presensya nang binata na hanggang ngayon hindi niya pa muling nasisilayan. Asan na kaya ito? Nasa ayus lang kaya itong kalagayan? Puno siya ng kaba at takot habang dumadaan ang mga araw dahil baka hindi niya na ito makita hanggang sa malagutan siya ng hininga. Napapaiyak nalang siya sa tuwing iisipin niya na hindi niya na makikita si Cepheus.
"Zafira, why are you crying?" lumapit kaagad ang doktor sa kanya noong nakita nito na umiiyak siya
"Where's Cepheus?" tanong niya habang umiiyak
"I'm sorry Zafira pero hindi ko alam kung asaan si Cepheus ngayon." anito
"I want to see him! I don't want to keep waiting here until I'll die!? I have to see him! I'm loosing my mind! Where the hell is he?" pagwawala niya hanggang sa may yumakap sa kanyang matitigas na braso. "Cepheus?"
"Hindi, ako to si Sextans, Zafira." napakunot siya ng noo habang dahan-dahang humarap sa gwapong mukha ng isang lalaki
"Who are you? Your not Cepheus, right?"
"Oo hindi nga ako si Cepheus dahil ako si Sextans. Hindi mo ba ako maalala? May amnesia ka ba?" tanong ng gwapong lalaki sa kanya na hindi niya maalala
"Sextans, Zafira has Alzheimer's disease not Amnesia." saad ng doktor dito
"Sandali. Diba ang sakit na Alzheimer's ay sa mga matanda lang dumadapo? Bakit nagkaroon si Zafira nito eh bata pa siya?" nakakunot ang noo ng nagngangalang Sextans
"Yah, ipinagtaka ko na rin yan. Bakit nagkaroon si Zafira ng ganoong sakit? Pero wala na akong magawa because Alzheimer's disease has no cure." tumingin ang doktor sa kanya
"Who are you?" he asked the guy
"Ako nga si Sextans. Ang ex mong pinakagwapo sa bawat ng lupa." sagot nito
Ang hangin. Hangin.... Naalala niya na! It's Sextans Pornue, brother of Cepheus, na pinaglaruan siya, ginawang panakip-butas at niloko. She hates him.
"Why are you here?"nakataas ang isang kilay niya at tinarayan niya ito
"Andito ako para kumustahin ka. So kumusta ka na?" tanong nito
"Ito ako. Nakaratay sa kama. Nakalimutang lumakad at matulog. Naghihintay mawala lahat ng alaala. Naghihintay mamatay."
"Zafira, patawarin mo sana ako." kita sa mga mata nito ang pagka sincere
"Your already forgiven kaya huwag ka ng humingi ng tawad ulit. Tanggap kona na mas mahal mo si Angel kaysa sakin. Ipinagpasalamat ko nga yun eh. Dahil sa panloloko at pananakit mo sakin, nakilala ko ang kapatid mong si Cepheus na tunay na nagmamahal sakin."
"Masaya ako para sa inyo ni Cepheus." anito
"By the way, how's Cepheus?" nag-aalalang tanong niya dahil hindi siya napapakali pagdi niya alam ang kalagayan nito
"Sa totoo lang, hindi maganda ang kalagayan ni Cepheus ngayon." kita sa mukha nito ang matinding kalungkutan at nararamdaman niyang hindi talaga maganda ang isasaad itong balita
"Bakit ano bang kalagayan niya ngayon?"
"Kailangan niyang operahan at kailangang palitan ang puso niya dahil lumalala na talaga ng sakit niya. Matagal na kaming naghahanap ng donor pero hanggang ngayon, hindi pa kami nakakahanap. Ang masama pa ay kailangan nitong maoperahan sa madaling panahon kundi...... Alam mo na."
Unti-unting tumulo ang mga luha niya. May sakit ito pero inalagaan parin talaga siya. Para itong nagbubuwis ng sariling buhay para sa kanya. Sa kanyang mamamatay rin. Arrggghhh ang tanga niya! Ang tanga at ang manhid niya para hindi maramdaman na may sakit ang binata. Bakit ba ito ginagawa ni Cepheus sa kanya? Bakit inaalagaan parin siya nito kahit may sakit ito? Ganon ba talaga siya ka mahal ni Cepheus? Oh god she's too very thankful to have Cepheus. Lahat binigay ng binata sa kanya. Pag-alaga, pag-intindi at pagmamahal. Ang swerte niya rito.
"Huwag kang mag-alala Zafira. Magiging ayus din ang lahat. Magpakatatag ka para sa kanya." niyakap siya ni Sextans
Ilang oras siyang iyak ng iyak at kahit anong pagpapatahan ni Sextans at ng doktor, hindi tumatalab. Ang sakit. Sobrang sakit na isipin na nag-aagaw buhay ang taong mahal niya dahil sa kanya. Noon nasaktan siya dahil niloko siya at pinagkaitan na mahalin pero ngayon, nasasaktan siya dahil sa matinding pagmamahal ni Cepheus sa kanya. Matinding pagmamahal na umabot sa point na mag-agaw buhay dahil sa pag-alaga sa kanya kahit may sakit ito.
"Zafira, tumahan kana. Hindi iyan makakabuti sayo na umiyak ng sobra. Drink this." inabutan siya ng tubig ng doktor at ininom niya ito
She has to so something para kay Cepheus. Halos isakripisyo nito ang buhay para sa kanya kaya dapat niya itong suklian. She wipes here tears. Kailan may gawin siya para rito.
"Doc give a pen and a piece of paper, please." aniya at inabutan naman siya ng papel at pen ng doktor
"What will you do?" nakakunot ang noo nito at takang-taka dahil sa paghingi niya ng papel at ballpen
Hindi niya pinansin ang doktor dahil nagpatuloy lang siya sa pagsulat. Habang nagsusulat, hindi niya mapigilang umaiyak. Tumutulo ang mga luha niya habang nagsusulat siya. Masakit bawat salitang sinusulat niya at parang pinipiga ang puso niya.
"Zafira, what are you doing?" tanong na naman ng doktor sa gilid niyang takang-taka.
My decision is final.
BINABASA MO ANG
When I'm Gone
عشوائي"I don't afraid of death" - Cepheus Pornue Death is part of life kaya walang pakialam sa kamatayan si Cepheus. Ayus lang na mamatay siya kahit saan at kahit kailan. Lahat ng gusto niyang gawin ay gagawin niya dahil bilang nalang ang mga araw niya. H...