CHAPTER 11

93 2 1
                                    

CHAPTER 11:Can't Sleep and Walk

Cepheus Pornue

"Wala ka bang ibang gagawin ngayong araw?" napatingin si Cepheus sa gawi ni Zafira

"Wala. Dito lang ako buong araw para bantayan ka." ngumiti siya rito at ngumiti rin ito sa kanya

"Really?" nagningning ang mga mata nito ng marinig ang sagot niya

"Oo. Gusto mo ba yun?"

"Oo naman." anito sabay yakap sa kanya

Kita sa mga mata ni Zafira ang sayang nararamdaman. Napapangiti rin siya. Zafira is one of his happy pill, indeed. Kapagtumawa ito o ngumiti man lang, nabubuo na ang araw niya. Habang minamasdan niya si Zafira, hindi niya maiwasan na malungkot dahil alam niyang balang-araw makakalayo sila. Minsan napapaisip siya, sino kaya ang mauuna sa kanila ni Zafira?

"Cepheus are you okay?" napatingin siya sa dalaga at ngumiti

"I'm fine."

"Pwede ba tayong lumabas at mamasyal?" nakangiting tanong nito

"Oo naman." Ngumiti rin siya at ninalalayan ito tumayo

Kumunot ang noo ni Zafira na siyang ipinagtaka rin niya. Huminto at parang naguguluhan. Anong nagyayari dito?

"Zaf, are you okay?" tinignan siya ng dalaga at parang naluluha ito

"Cepheus... I-I c-can't walk...." nanginginig ito at hindi makapaniwala sa mga nangyayari

"Why?"


"I don't know." nagsimula na itong umiyak at nababahala na rin siya

Paano ito hindi makalakad? "Zaf humakbang ka lang...." inilalayan niya ito pero muntik na itong bumagsak

"C-Cepheus I can't......" umiyak na ito kaya pinahiga niya nalang ulit

"Stay here. Tatawagin ko ang doktor mo." aniya pero pinigilan siya nito at hinawakan ang kamay niya habang umiiyak

"No. Don't leave me please.." nagsusumamo ito sa kanya at parang hirap na hirap

Naaawa siya kay Zafira at nasasaktan siya habang tinitignan itong nagdurusa dahil sa sakit. Sa tuwing lumalabas ang mga butil ng luha sa mata nito, parang pinipiga ang puso niya sa sakit. Hindi niya kayang makita na nagdurusa ito at ang pinamasakit sa lahat, wala siyang magawa para mabawasan ang pagdurusa nito. Sobrang nasasaktan talaga siya para rito. Kung pwede lang siya nalang ang nasa kalagayan nito ngayon pero hindi eh! Wala na talaga siyang magawa. Ito talaga ang pinakamahirap sa lahat, ang tignan ang mahal mo sa buhay na nagdurusa at wala kang magawa dahil hindi mo kayang labanan ang kapalaran. Ito ba talaga ang kapalaran niya? Ang titignan na magdusa ang mahal niya at hintayin itong mamatay?



"Cepheus, what happened?" biglang dumating ang doktor ni Zafira

"She can't walk."

Lumapit kaagad ang doktor palapit kay Zafira at pinakalma ito dahil hanggang ngayon, hindi pa ito tumitigil sa kakaiyak. Hinagod-hagod ng doktor ang likod nito at sa wakas, kumakalma na ito papaano.




"Zafira, tell me what happened." saad ng doktor


"I d-don't know... I j-just..... I can't w-walk. I forgot to w-walk."



Hindi kinaya ni Cepheus ang narinig kaya lumabas ito sa silid. Gusto niya ng umiyak pero hindi dapat. Kailangan niyang maging matatag para kay Zafira. Dapat hindi siya maging mahina dahil sa kanya humuhugot ng lakas ang dalaga.



When I'm GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon