~•~•~•~
Ang isang obra, mapa-tula, kwento, paintings, mga iskulptura, ay maaaring ihalintulad sa iyong sinisinta (sa ibang aspeto).
Sapagkat sa tingin ko'y ang mga bagay na ito ay hindi nararapat ipagdamot sa mga taong may kakayahang makaintindi at makapagbigay halaga dito.
Hindi natin dapat ipagkait sa tao na maipakita ang iginuhit ng ating isip at kinulayan ng ating puso. Bagkos ito ay dapat nating ipagmalaki nang taas noo at may ngiti sa ating mga labi.
Kaya tinawag na manunulat ang isang manunulat ay hindi lamang dahil sila'y simpleng taga-sulat lang ng iba't ibang literatura at simpleng taga-buo lang ng mga salita.
Sila ang may pinakamalawak na isipan dahil naipararamdam at naipapakita nila ang nilalaman nito sa paraan ng pagsusulat.
Sila ang nagdudugtong ng makatotohanang mundo sa mundong nilikha lamang ng malikot na imahinasyon.
Sila ay makapangyarihan at tunay na matapang. Hawak ang sandatang pluma, lapis, bolpen, o ano pa mang panulat, at ang pananggang kwaderno, coupon bond, yellow paper, o mga papel na maaring pagsulatan ay nahaharap nila ang mga panghahamak at pagsubok bilang isang manunulat.
Idagdag pa rito ang mga modernong gamit na cellphone at iba pang gadgets at ang internet na mas nakapagpapabilis ng pagbibigay pagkakataon sa mga aspiring writers na ipagpatuloy ang kanilang adhikain at pangarap sa buhay na balang araw ay mapabilang sila sa hilera ng mga sikat na Watppad writers sa bansa tulad nina @jonaxx, @maxinejiji, @owwsic, @Cecelib, @UndeniablyGorgeous, at marami pang iba.
Hindi lamang iyon, mayroon ding nag-aasam ng mas mataas na karangalan at ito ay ang maging part ng history and to be recognized not just in the Philippines but also to the whole world like William Shakespeare, J. K. Rowling, Nicholas Sparks, at iba pa.
Ang nga manunulat ay hindi basta manunulat lang.
Sila ay may isipang sinlawak ng isang lupain at pusong makulay gaya ng bahaghari.
Pagpupugay sa bawat MANUNULAT sa mundo!
~•~•~•~
Ps. This is a compilation of poetries of the author.
xoxo,
marsmyelo
BINABASA MO ANG
Lupain at Bahaghari
RandomAng isip ay parang isang malawak na lupain na nararapat taniman at palaguin. Mga salita, parirala, at pangungusap na bumubuo sa mga ideya o kaisipan. Pag-iisip, pagninilay, pagsasaliksik, at pagbibigay opinyon. Malayo ang nararating ng may malawak n...