Naranasan mo na bang magkagusto?
Naranasan mo na rin bang may magkagusto sayo?
Eh ang hindi magustuhan ng taong gusto mo? Naranasan mo na rin ba?
Ang hirap no?
Ang sakit din.
Hindi ko alam na ganito pala 'yung feeling. Hindi naman ito 'yung first time kong magkagusto pero ito 'yung first time na ako 'yung "naunang" magkagusto sa isang tao. Ngunit mukhang wala siyang balak na suklian ang nararamdaman kong ito.
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin magawang kalimutan kung paano niya sinabi sa mismong mga mata ko ang masasakit na salitang yun.
"You're the transferee, right?" tanong niya.
Ang gwapo niya pala talaga. Nakatagilid siya sa akin at mas nakikita ko yung jawline niyang nanlalaban at ilong na may pagkatangos-tangos.
"Right?" nilingon niya na ko.
"A-Ahh..Yes," napapahiyang sagot ko.
Shet! Nakakahiya ka, Sereine Faith! Baka mamaya'y makita niyang naglalaway ka na pala!
"I will go directly to my point why I wanted us to talk," harap niya sakin matapos sabihin 'yon.
"What is it?" tanong ko.
"Tigilan mo na ko. Tigilan mo na 'tong trip mo. Might as well divert your feelings to someone who's willing to entertain you," titig na titig siya sa mga mata ko habang sinasabi ang mga salitang 'yon.
"But I'm not playing aro—" pagpapaliwanag ko.
"No. Not me, Ms. Transferee. And I will never have feelings for someone I don't know. Take note of that," putol niya sa sinasabi ko at iniwan nalang ako doon na nakatayo.
KUNG NAG ENJOY KAYO SA PAGBABASA, MAG VOTE, COMMENT AT FOLLOW NA! THANKS A LOOOOT! 🧡
—
|| Raine ||- - - - - - - - -
——————-DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
- - - - - - - - -
——————-PLAGIARISM IS A CRIME!
BINABASA MO ANG
Alone in Love (On-Going)
Teen FictionIn her new school, Sereine Faith Almiero doesn't want to be involved with any fights nor to be tricked again by that stupid love. She kept on reminding herself that she went to school to learn and excel in her class. Ngunit sadyang mapaglaro sakany...