Chapter 4

116 6 12
                                    

Naging mabilis ang oras pagdating ng hapon. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa kagustuhan kong makauwi na o masyado lang akong napagod dahil sa sobrang daming nangyare para sa araw na ito.

"Class dismissed."

Agad kaming tumayo upang makapagpaalam kay ma'am. Hindi ko namalayan na siya pala ang lecturer namin para sa panghuling subject sa araw na 'to.

Mabilis namang lumapit sa akin si Yash nang makalabas si ma'am. "Uy! Nasulat mo ba lahat 'yung requirements ni Ma'am kanina? Grabe naman kasi 'yun! Ang bilis bilis magsalita! Daig niya pa si mama kong armalite tuwing galit eh!" pagrereklamo nito.

Natawa naman ako sa kanyang huling sinabi. "Hmm. Ito oh!" abot ko ng notebook.

Kinuha niya naman iyon. Akala ko'y magsusulat na siya ngunit ini-scan niya pa ito. "Teka. Paano mo nagawa 'to?"

"Ang alin?"

"Ito oh!" turo niya sa notes ko. "Ang bilis na nga ni Ma'am magsalita pero kumpleto mo lahat ng sinabi niya at ang ganda pa nang pagkakasulat mo!"

Nangunot naman ang noo 'ko dahil sa kanyang sinabi. "Anong maganda dyan? Ang panget nga eh! Hindi nga naka-indent! Tsaka wala pang margin!"

"Kung pangit na 'to, ano pang tawag sa sulat ko?!" pagrereklamo niya at pinagdikit ang notebook naming dalawa.

"Tignan mo nga oh! Kahit hindi pantay-pantay ang letters niyan, walang spacing, indention at kung anu-ano pang kaartehan mo dyan, maganda pa rin! Samantalang itong sa akin, ako mismong nagsulat, hirap na ring maintindihan! Tsk!"

Napapailing nalang ako sa mga sinasabi niya. "Magsulat ka na nga. Malapit na tayong maglinis oh," sabi ko at ipinakita pa ang phone ko.

"Oo na! Oo na!"

Tahimik naman siyang bumalik sa upuan niya at saktong magsusulat na sana nang sumigaw na naman si senyora. Alam niyo na kung bakit. . .

"Guys! Tara linis na!"

Wow? Tara? Bakit naglilinis ba siya?

"Hindi pa naman cleaning hours," inis na bulong ng isang kaklase kong malapit lamang sa akin ngunit hindi ko inaasahang maririnig pa 'yun ni Ailha.

"Anong sabi mo?!"

"W-wala," mahinang sabi nito. Bakas ang takot at panginginig sa tono.

Ngunit hindi pa rin siya naniwala at galit na nilapitan ang kaklase kong 'yun. "Hindi eh! Narinig ko! May sinasabi ka!"

Narinig niya pala eh! Bakit tinatanong niya pa? Pa ulit lang?

"W-wala t-talaga a-akong s-sinabi Ailha."

"Wala! Ha! Wala!" sigaw niya habang mahinang tinutulak ito gamit ang kanyang kamay. Tinignan ko naman ang mga kaklase kong nanunuod lang! Ba't wala silang ginagawa?!

Ibinalik ko ang aking paningin kay Ailha na mukhang walang balak tumigil hanggang sa hindi umamin 'yung kaklase kong 'yun! Nang wala na itong maatrasan ay umastang sasampalin na sana siya ni Ailha nang mabilis kong hinawakan ang kamay niya.

Hala!

Shit!

Ba't ba siya nangingialam?

Alam niya ba 'yang ginagawa niya?

Ilan lamang 'yan sa mga narinig kong reaksyon at komento ng mga kaklase ko dahil sa ginawang kilos!

Alone in Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon