Chapter 1

268 13 7
                                    

First day of school. Pasukan na naman. Paulit-ulit nang ganito ngunit kakaiba ang araw na ito sa mga dating unang araw ng pasukan. New school. New environment. New bullshits to deal with.

Sighs.

Beep! Beep!

Agad napabalik sa realidad ang aking isipan nang marining ang busina ng aming sasakyan.

"Mommy! Papasok na po ako!" paalam ko sa aking tita.

Hindi ko na hinintay pa ang kanilang tugon. Lumabas na ako nang bahay at agad pumasok sa loob ng sasakyan.

"Ang aga ah! Mukhang excited ka na sa bagong school mo?" nakangiting tanong ng pinsan kong si Brie.

"Hindi naman," pilit na ngiti kong sagot sakanya.

Ngumiti nalang din siya at pinaandar na lamang ang sasakyan. Batid kong alam niya na hindi ako ganon kasayang pumasok ngayon kaya nanatili na lamang kaming dalawa na walang imik.

Habang nasa biyahe, hindi ko maisip kung ano bang dapat kong maramdaman at kung anong dapat gawin. Hindi daw ako friendly. Hindi rin daw ako mukhang approachable. 'Yan ang sabi ng ilan.

Hindi ba pwedeng mapili lang sa mga magiging kaibigan? Nakakatakot na kasi magtiwala sa panahon ngayon. Baka lang kasi 'yung akala mong kaibigan mo, eh crush na pala ang tingin sayo?

Chour. Asa naman.

Ngunit tuwing tinatanong ko naman ang aking mga kaibigan kung ano ang first impression nila sa akin ay palaging masungit at mataray ang sagot nila. Palagi raw kasing nakakunot ang noo ko kaya nagmumukha raw akong galit. Iniisip ko tuloy kung paano ako magkakaroon ng kaibigan nyan? Tsk.

Ang gulo ko no? Gusto kong magkaroon ng kaibigan ngunit mapili ako ng magiging kaibigan.

Sighs.

Bigla ko tuloy namiss ang aking mga kaibigan. Hindi ko alam kung makakahanap pa ako nang katulad nila sa bago 'kong eskwelahahan dahil ang tanging alam ko lang ay espesyal sila sa akin at wala silang katulad. Naputol lamang ang aking pag-iisip nang huminto ang sasakyan.

"Nandito na tayo."

Binaliwala ko ang kanyang sinabi at tinignan nalang ang labas ng eskwelahan. Dalawang beses na akong nakapunta rito. Una ay noong nag take ako ng entrance exam at pangalawan naman noong nagpa enroll. Ngunit parang wala pa rin nagbago sa pagkamangang nararamdaman ko. Malaki. Malawak. Mataas ang gate ngunit litaw na litaw pa rin ang ilang building na nasa loob nito. Napapaisip tuloy ako kung gaano katatataas ang mga 'yon. Ang mga naglalakihan namang pader na nagsisilbing bakod din nito ay may nakalagay na iba't ibang disenyo sa gitna nito na tila isang simbolo. Hindi rin nakatakas sa aking paningin ang malaking arkong nasa itaas ng gate kung saan nandoon ang pangalan ng paaralan.

VIRTUS ACADEMY
(School of Excellence)

"Handa ka na ba?" tanong ni Brie.

"Yeah."

"Anong oras ang uwian niyo?"

"Hindi ko pa alam. Nakikita mo namang papasok pa lang ako diba?"

"Tsk! Seryoso kasi!"

"Hindi ko alam. Seryoso," sabi ko sakanya at nagpoker face pa.

"Fine. Basta kapag uwian niyo na'y itext mo nalang ako."

"Sige. Pasok na ko. Ingat sa pagdadrive." paalam ko sakanya at agad bumaba ng sasakyan.

Alone in Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon