Chapter 3

133 8 19
                                    

Napatakip ako ng mata dahil sa hindi inaasahang makita. "WAAAAAAAAAAAHHHH!" sigaw ko dahil hindi pa ako handang makakita ng ibon! 'Yung ibon na mataba at mahaba! 'Yung mamuhok-muhok pa! Ngayon lang ako nakakita ng ganon kaya nakakagulat ngang talaga! Agad akong tumalikod at nagmamadaling naglakad palabas.

"Hey, miss!"

Aba! Ang lakas pa talaga ng loob niyang sundan ako! Pagkatapos nung ginawa niya? Tsaka nasa cafeteria lang siya kanina ah?! Ba't andyan na siya ngayon? Ano siya? Nagteleport?

"Stop following me!"

Binilisan ko pa ang paglalakad at nang may nabasa akong ladies' room ay lumiko ako papunta roon. Ngayon, sure na akong mga babae 'yung makikita ko kahit itulak ko ng pagkalakas lakas 'yung pinto.

Nang makita kong malapit na akong mabutan nung bwisit na lalaking 'yun ay agad akong pumasok sa ladies' room at padabog na ini-lock ito.

"Hey, miss. I just want to apologize," sabi niya habang kinakatok ang pintuan.

"Please open the door, miss. I just really want to apologize."

"Apologize ha?! Una, sinita mo ako. Pangalawa, tinabig mo ako kaya nabasa 'yung uniform ko at ngayon naman ipinakita mo sa akin 'yung ibon mo. Pagkatapos nung mga ginawa mo, ngayon ka lang mag a-apologize?! Ha?!"

"Huh? Anong ibon?" narinig kong bulong niya.

Ay shet ka! Sa dinami-rami ba naman nung sinabi ko, yung ibon lang 'yung natandaan niya?!

Nang ma-realized niya siguro kung ano 'yung ibig sabihin nun ay muli na naman siyang nagsalita. "Hey. I didn't mean to do that."

"Anong I didn't mean to do that?! You did that on purpose! Ano? Para magpapansin?! Crush mo ba 'ko ha?! Type mo ba ako?! Pwes! Para sabihin ko sayo, ayaw ko sa bastos! Umalis ka nalang dahil kapag nagpumilit ka pa ay ipapaguidance talaga kita! " tuloy-tuloy pang sigaw ko kaya ayun hinihingal na 'ko.

Pinakalma ko ang sarili dahil baka hindi ko alam kung ano pa magawa ko sa lalaking 'to. Kalma, Sereine na maganda. Ang pagiging stress ay nakakapangit kaya kumalma ka.

Breathe in. Breathe out.

Inhale. Exhale.

Breathe in. Breathe out.

Inhale. Exhale.

Mga dalawang minuto ko rin 'yung inulit-ulit at pinakiramdaman kung nandoon pa rin sa labas 'yung lalaki. Nang wala na akong marinig sa labas ay inisip ko nalang na umalis na siya. Kaya naman naglakad na ako papunta sa sink at humarap sa salamin.

Tinignan ko 'yung uniform ko at basa pa rin siya hanggang ngayon. Isang white long sleeve collared blouse kasi ang pantaas namin. May blazer pa 'tong kasama pero dahil sa sobrang init kanina ay hinubad ko at iniwan nalang sa room. Ang necktie naman ay hindi sapat para matakpan 'yon.

Sighs.

Kung meron lang sana 'yun ngayon ay hindi makikita 'yung bra kong may jaguar print! Tsk!

Nanlulumo kong pinunasan ang uniform gamit ang tissue sa cr at umaasang matutuyo ito. Habang abala sa pagpupunas ay bumukas 'yung pinto at halos umakyat lahat ng inis sa ulo ko nang makita ang taong kapapasok lang doon.

"Bat ka nakapasok dito ha?! Bawal ka dito! Bastos ka talaga! Bastos!" sigaw ko sakanya habang binabato siya ng tumpok na tissue.

Bumuntong hininga siya at nagpatuloy sa paglapit sa akin. Tsaka ko lang na-realized na baka nakita niya 'yung bra ko kaya naman agad akong tumalikod sa kanya.

Alone in Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon