Chapter 2

156 9 14
                                    

Agad din kaming pinabalik sa aming mga classroom nang matapos ang flag ceremony. Hindi naman na namin kinakailangan pang lumayo ng mga kaklase ko dahil nasa tapat lamang namin ang aming building. Habang papabalik, hindi maiiwasan ang pagtutulakan at pagtatawanan ng ibang mga estudyante.

"Guys! Don't break your line," sigaw ng isang lalaki.

"Naks! Mayor na mayor!"

Tinignan ko kung kanino nagmula ang mga boses na 'yon at bigla na naman akong nainis nang makita 'yung lalaking sumita sa akin kanina.

Eh? Mayor agad? First day of school pa lang ah?

Hinayaan ko nalang ang aking mga narinig at nagpatuloy sa pagsunod sa linya. Nang makapasok kami sa building ay umakyat kami sa second floor at mukhang doon ang magiging classroom namin.

Nang kami'y makarating ay agad akong umupo sa may sahig.

Kanina pa ako nakatayo! Nakakangawit! Tsk!

"Ano ba yan! Sarado pa rin?!" reklamo ng isang estudyante na nakatayo malapit sa may pintuan. Mukhang isa siya sa magiging kaklase ko.

Tinignan ko ang ilan pang estudyanteng malapit sa akin at nakaupo na rin sa sahig 'yung iba katulad ko.

"Alam mo naman na 'yung magiging adviser natin ang nagbubukas ng pintuan tuwing first day of classes," sagot naman nung isa. Chubby ang kanyang pangangatawan pero cute pa rin naman.

Inis na nilingon nung kaklase kong nagreklamo 'yung babaeng sumagot. "Nakakangalay kayang tumayo dito!"

"Pwede ka namang umupo sa may sahig, Mherylle."

"Ughhh! The floor is so dirty kayaaa!" maarteng sabi nito.

Kinalabit ako ni Yash at nilingon ko naman siya. "Sereine, baba na muna ako ha? Sama ka?"

"Saan ka ba pupunta?"

"Magsi-cr lang saglit. Feeling ko kasi meron ako. Sasama ka pa ba?" bulong niya.

"Hindi na. Hintayin ko nalang 'yung adviser natin dumating."

"Okay. Basta, excuse mo nalang ako pag hindi pa ako nakabalik agad," dagdag niya at umalis na.

Napatingin ako sa kabilang section nang sila'y tumayo. Tinignan ko ang pintuan nila at nakabukas na 'yon. Mukhang 'yung adviser nila ay nasa loob na rin nito.

Inilabas ko nalang yung cellphone ko at nagcheck ng aking mga social media accounts. Nakita ko ang ilang posts ng mga kaibigan na nasa kanilang bakasyon pa lamang. Sabagay, August pa ang start ng kanilang pasukan.

Sana all

Habang abala sa pagi-scroll, may bigla namang tumabi sa akin, tinignan ko lang siya at bumalik ulit sa pagsi-cellphone. "Ikaw yung transferee?" nilingon ko 'yung babaeng nagtanong at hindi ko ipagkakailang maganda siya. Maputi rin at may mahabang buhok ngunit hindi ko gusto ang awra niya.

"Yeah," simpleng sagot ko.

"Saang school ka galing? Tsaka bat ka lumipat? If you don't mind me asking," nakangiting tanong niya.

"I'm from Montrello Advanced Science High School."

"Hmm. I see. Why did you still transfer then?" Tignan ko siya nang mabuti.

Dapat ko bang sagutin ang tanong niya? Comment down below! Haha!

Tumayo ako nang makitang nandyan na si Yash at may kasamang teacher. Mukhang siya ang magiging adviser namin. "Nandyan na si Sir," baling ko doon sa magandang babae na nagtanong sa akin.

Alone in Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon