Chapter 5

77 5 19
                                    




KINABUKASAN ay nakaramdam ako ng labis na katamaran na pumasok sa eskwelahan. Halos gapangin ko pa ang daan papunta sa banyo kahit malapit lamang ito sa kama ko.

Nang muli kong maalala ang mga nangyare kagabi ay hindi ko na naman alam kung papaano ko haharapin si Brie. Malakas ang pakiramdam kong nakita niya talaga 'yung t-shirt. Pati tuloy ang pagbabalik ko ng t-shirt ni Zekie ay hindi ko alam kung papaanong gagawin kahit alam kong napakadali lamang niyon.

Ala-una na nang makatulog ako dahil sa labis na pag-iisip at pagtataka kung paano niya nalaman ang pangalan at pati na rin ang facebook account ko. Faithy Almiero kasi ang nandoon. Bahagya naman akong napatalon nang marinig ang malakas at magkakasunod na katok mula sa pintuan.

"Kakain na, Ereine! Bumaba ka na dyan! Mahuhuli ka na naman sa klase mo niyan!" sigaw ni Brie.

Napahilamos naman ako ng mukha dahil doon. Shet na talaga!

Alam kong kapag hindi pa ako bumaba after five minutes ay mapipilitan siyang buksan ang kwarto ko. Bahala na nga!

Mas binilisan ko ang pagkilos na nagresulta sa muntik ko pang pagkakadapa! Anak nang!

Kinuha ko ang aking bag sa study table at sinukbit ito sa balikat. Sinuklay ko rin ang buhok kong natural na kulay brown na hanggang balikat at hinayaan itong nakaladlad.

Huminga ako ng ilang beses bago buksan ang pintuan. Tinipon ko ang natitirang lakas ng loob habang papunta sa hapagkainan dahil nakasisiguro akong nandoon na rin si Brie. Tahimik akong umupo sa tapat niya ng makarating doon.

"Ang tagal mo! Sabi ko na nga ba, sa first day ka lang maaga eh!" pang-aasar niya nang ako'y makaupo.

Hindi ko naman siya pinansin at kumuha nalang ng makakain.

Mabilis naman akong kumain ngunit mas binilisan ko pa ngayon. Hindi ko pa rin talaga alam kung paano siya kakausapin! Kinakabahan ako! Kaya naman ay wala pang sampung minuto ay natapos na rin ako. Agad akong uminom ng tubig at tumayo na.

"Hey, ang bilis mo naman," aniya matapos tignan ang pinggan ko.

"Mali-late na ako eh," sagot ko kahit hindi tinitignan kung ano na ang eksaktong oras.

"Hey, I was just kidding. Maaga pa. Eat some more."

Hindi ko alam ngunit pakiramdam ko ay busog na busog na ako sa kinain. "Hindi na. Sige. Hintayin nalang kita sa sasakyan."

Napabuntong-hininga nalang siya dahil doon. "Fine. I'll be there in a few minutes."

Tumango nalang ako bilang pagtugon at nagmamadaling naglakad palabas. Siguro napapansin niya na kung bakit ganto ako pero ayaw niya nalang akong kausapin tungkol dito. Observant kasi 'yun si Brie. Sa tagal din naming magkasama ay gamay niya na rin ang ugali kong ganto.

Nang makalabas sa bahay ay agad akong sumakay ng sasakyan. Sinalampak ko ang aking airpods at nagpatugtog ng classical music doon. Kumakalma kasi ako tuwing nakakarinig nun. Hindi nagtagal ay nakatulog ako at naramdaman ko nalang ang muling paggising sa akin ni Brie.

"Ereine, gising na."

Ngunit ipinagwalang bahala ko 'yun at mas isiniksik ang sarili sa sulok ng sasakyan.

"Ereine, nasa school na tayo."

Agad naman akong napamulat ng mata at napabalikwas pa dahil doon. Napasilip ako sa bintana at hindi nga siya nagbibiro! Andito kami ngayon sa parking lot!

Napaayos naman ako ng upo at kinuha ang bag sa likuran. Lalabas na sana ako nang hawakan niya ang aking braso.

"May problema ba? Kanina mo pa ako hindi kinakusap ng matino."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alone in Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon