Wazzup Madlang Pipol!!!!!!! Kamusta tayo jaan mga sibbies?? Ako?? Hahahaha... sobrang sayang saya ko dahil.... NIYAKAP ako ni Crush!!!! OMG!!!! Hahaha.. joke lang . So ito na po ang part Twoo. Sabi ko naman sainyo! Hindi ko kayo paghihintayin ng matagal.
.
.
Vice's POV
Nakatulog ako sa biyahe. Naglinis pa kasi ako kanina at dumeretcho ng ligo para dito.
Naamlimpungatan na lang ako ng maramdaman kong malubak ang daan.. Kanina pa ako talon ng talon sa panaginip ko eh.
"MM.. Vhong.. umayos ka ng pagdrive!" sabi ko at sinubukang matulog ulit.
" Oy! Gumising ka na jan! Kala mo naman Sampung Babae ang nang rape sayo! At Pagod na pagod ka!"
"Atleast Sampu.. eh ikaw?" biro ko
"Soon. Very Soon" at nagpark na ito.
"Nasaan ba tayo at sinasabi mo na andito si.. Ha--" Napatigil ako sa mga nakikita ko... Nasa.. CARNIVAL kami! Anak ng! Clown ba si Hannah??!!
"Anak ng Tokwa! Vhong! Si Hannah!! Nasa Carnival?? Pinagloloko mo ba ako!??!"
"Malay mo! Pwedeng dito siya nagtratrabaho! Ayaw mo nun. Habang naghahanap tayo.. nageenjoy pa tayo!!" aalis na sana siya sa sasakyan ng bigla ko siya pinabalik hawak hawak ang kwelyo niya.
"Kapag hindi natin mahanap si Hannah dito. Wala kang dinner!" pagbabanta ko at lumabas na sa sasakyan.
"Huy Vice! Aba! May Karera ka ba! Ang bilis mo naman maglakad!!!"
Tumigil ako at humarap sakanya.
"Cge. Deal pero dapat kasama ka sa paghahanap. Kapag wala tayong nahanap. No Choice wala akong dinner" Nakatingin lang ako sakanya.
"Same place. 6:00 ha!" sabay naglakad papunta sa isang ride.
"Haiiss.. Vhong Navarro talaga oh! Papauwiin ko na talaga dito gf mo para turuan ka!"
.
.
5:00 na. Pero wala parin akong makitang mukha ni Hannah. Paano ko ba naman kasi malalaman ehh nawala siya saamin baby palang siya. Hindi ko nga alam kung ano mukha nun eh. Kung kulot ba ang buhok nun o naka rebond. Pero Sure akong 31 years old na siya ngayon. Nagtanong tanong ako sa mga kababaihan pero.. wala ehh .. karamihan 29, 34, 50, 45 , 18, 38 . Walang pumasa sa 30 o 31. Ng mapansin ko si Vhong na nasa roller coaster nagpapakasaya. Ewan ko ba dito.
Ng Biglang may naramdaman akong humihila sa damit ay napatingin ako sa baba.
Isang batang kulot ang umiiyak sa harapan ko
"Maaaamaaaa!!!!! Maaaaamaaaa!!!" iyak nito.. naramdaman kong pinagtitiningan kami ng mga tao kaya pinakalma ko siya..
"Ahhmm.. Shh.. huwag ka ng umiyak"
"Mama!!! Nawawala si Mama!!!" iyak nanaman nito.. pero napakunot naman ako ng noo ng narinig kong... nawawala ang mama niya.
"Baby.. huwag ka ng umiyak... hahanapin natin ang mama mo.. gusto mo??" sabi ko naman at lumuhod na ako para mas makita ang mukha niya.
"Talaga po? Hahanapin niyo si Mama??" tanong niya. Pulang pula ito at puro sipon ang nasa pisnge nito. Natawa naman ako. Siguro kanina pa toh punas ng punas ng ilong at ikinikiskis ito sa pisnge niya.
BINABASA MO ANG
Missing You||VK Story
RomanceIsang tao na hinahanap ang nakaraan......Pero paano kung ang nakaraan na yun ay..... sisira sa Mundo niya-(CourtesyOfVk)