PROLOGUE

17 2 0
                                    

This is a work of fiction. Any similar names, places and situations are purely coincidental. All of the written words are product of author's imagination.

This story will be written either by the first point of view or third one.

Please be warned that this content may include mature themes and words, so kindly read at your own risk.

***

"Malaki ang mundo gusto mo bang makita?" Lahad niya ang kamay niya habang nakatitig sa akin.

Sino 'to? Isang babaeng nakasuot ng puting bestida, mataas ang maitim niyang buhok at namumutla ang mukha.

Sino siya?

Inikot ng panangin ko ang buong espasyo ng paligid. Namamangha ako sa mga nakikita ko. Asul na langit, mga ibong nagliliparan, at mga paru-parung pumapalibot sa akin.

Sa dulo ng mga damo na inuupoan ko ay isang malawak na dagat.

"Halika, sumama ka sa akin, ilalabas kita sa paraisong ito at ipapakita ko sayo ang tunay na mundo." Inangat ko muli ang aking tingin sa babaeng na sa harapan ko.

Sino siya? Bakit malabo ang mukha niya?

"Asleep! Asleep!"

Bigla akong bumalik sa huwisyo ko nang mawala sa balanse ang kinauupoan ko, nakita ko sa gilid ng aking kaliwang mata si Alicia, isang assistant ng scientist na palaging naka-monitor sa akin.

"Okay ka lang?" Tanong niya sakin.

Di ko sinagot ang tanong niya at ibinalik ko sa harapan ang mga tingin ko, tsaka ko lang na-rehistro sa utak ko ang nakikita ko ngayon.

Isang malaking white board na naka-project ang 3D image ng paraisong nakita ko kanina.

"Nag-di-daydream ka na naman, ano?" Makulit na naman nitong tanong sakin.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Is there anything else that I can do aside from that? Ni hindi nga ako natutulog eh."

Sabi sa akin ng mga doktor at scientist labing-siyam na akong hindi natutulog, hindi ko alam kung bakit . Gustohin ko man matulog, pinipigilan ako ng mga tao sa laboratoryo dahil ikamamatay raw ito ng lahat ng tao.

Nakakatawa, diba? Tss. Isa lang akong eksperimento at threat sa buong mundo.

"Mag-review ka na, mag-e-exam ka ulit." Napatayo nalang ako sa sinabi ni Alicia.

"Na naman? Sawa na ako sa mga tests mo pati na rin dito." Lumapit ako sa glass wall, ang nagsisilbing division sa aking kwarto. Para akong leon na nakahawla, sinisiguro talaga nilang hindi ako makalabas.

Tumayo si Alicia at lumapit sa akin at tinuro ang mukha ko gamit ang hintuturo niya. "Hoy lalaki, di porket palagi kang nakakakuha ng perfect score sa exam ko eh kakausapin mo na ako ng ganyan. Matuto kang gumalang sa mas nakakatanda sayo!"

I smirked. "So, inamin mo nang matanda ka talaga? Haha."

"Aba'y batang 'to!"

Tawang-tawa nalang ako habang naghihimutok siya nang biglang gumalaw na naman ang sahig, napakapit ako sa glass wall ganun na rin si Alicia sa kabila.

Pareho kaming gulohan habang nagkatitigan sa isa't-isa.

"Di ka naman tulog ah b-bat may lindol?" Tanong nito sakin.

"Baka malfunction lang sa mga makina dito." Sagot ko.

Napa-igtad kami pareho nang tumunog ang fire alarm, lumabas ang usok sa aking likuran. Bigla namang pumasok ang isa sa mga scientist sa laboratory na 'to at kaagad na binuksan ang glass wall gamit ang eye sensor.

The Art of AsleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon