Six

0 0 0
                                    


PAREHONG napabalikwas si Yuno at Cher nang makilala kung sino ang taong nasa harapan nila.

"Dos?! Anong ginagawa mo rito?!" Halos nanlaki pa ang mata ni Cher nang lapitan niya ito.

Nagkibit-balikat lang si Dos at nilapitan si Yuno na walang reaksyon sa nangyari, tumayo si Dos sa gilid ni Yuno at hinarap si Cher. "Tanong niyo kaya siya Ate kung anong ginagawa niya rito." Sabay nakataas ang kamay at tinuro ang pagmumukha ni Yuno.

Napahilamos nang mukha si Cher dahil doon, di niya na rin kasi alam kung anong ginagawa nang lalaking 'to rito, at di niya rin alam kung bakit ganito nalang ito kakursunadong pumasok sa bahay nila.

"Pwede ba umuwi na nga kayong dalawa! Baka hinahanap ka na sa orphanage Dos, at ikaw naman lalaki." Tinuro niya si Yuno gamit ang kanyang hintuturo. "Umuwi ka na sa inyo!" Sigaw niya rito.

Napansin niya namang hindi darektang nakatingin si Yuno sa kanya kung hindi sa ibabang bahay ng kanyang ulo, napatungo naman siya habang nagtataka kung anong tinitingnan ni Yuno sa baba. Halos mangamatis ang kanyang mukha nang mapagtanto kung ano ang tinititigan niya.

Nilapitan niya si Yuno at tsaka ginawaran ng malutong na sampal. "Bastos!" Aniya habang tinatakpan ang kanyang bakat na dibdib na kanina'y tinititigan ni Yuno.

Napahimas naman si Yuno sa pisngi niya at tinitigan ang nangangamatis na mukha ni Cher. "Di 'yan ang tinitignan ko. Bakit may pasa ka?" Kunot-noo nitong tanong sa kanya.

Nahimasmasan naman si Cher sa narinig niya, tinignan niya ulit ang mga braso niya. Kitang-kita nga ang mga sugat nito at pasa, nabigla nalang siya nang hilahin siya ni Yuno at biglaan pinisil ang mga sugat.

"A-Aray! Ano ba!" Hinihila ni Cher ang kamay niya dahil sa sakit.

"Wag kang malikot, kailangan natin 'to padugoin para di magkaroon ng clot sa pagdaloy ng dugo, kailangan rin natin 'to linisan." Seryosong tugon ni Yuno.

"May first aid kit ako." Aniya ni Cher at kinuha ito sa ilalim ng kama, pareho silang umupong dalawa sa kama at sinimulan na ni Yuno ang pag-linis niya sa sugat nito. Inilayo naman ni Cher ang tingin niya sa mukha ni Yuno, di kasi siya mapakali dahil sobrang lapit nito.

Humikab naman si Dos dahil inaantok na siya, umupo siya sa gilid at pinapanood ang dalawa.

"Ba't kayo naghalikan?" Biglang tanong ni Dos na parang wala lang, dahilan para umusok na naman ang tenga ni Cher, bigla na naman siyang nangamatis nang maalala niya ang nangyari kanina, nanigas siya sa kanyang kinauupoan dahil sa sobrang hiya, nakita pa ng bata. Sa ikinikilos kasi ni Dos mukhang matured na ito sa sampung-taong gulang pa lang matalas na ang analyzation nito sa mga bagay kaya parang normal nalang sa kanya.

Naalala naman ni Yuno kung bakit niya nagawa iyon, nakita niya lang kasi sa mga palabas na nagmumula sa 3D projector ng laboratoryo, pinanonood kasi ito ni Alicia sa kanya, sabi nito sa kanya dagdag aral raw ito sa sexualidad ng magkabilang gender. Ayaw kasi ni Alicia na mamuhay na walang kamuwang-muwang si Yuno sa mga ganoon bagay, isa pa binata na raw ito at panahon na para gisingin ang natutulog nitong libido.

Napatawa naman si Yuno nang maalala niya ang mga bagay na itinuro sa kanya ng ginang, dahil kasi rito medyo may alam na siya kung paano mamuhay sa labas.

"Kuya ba't mo siya hinalikan?" Nabigla naman si Yuno nang sumulpot sa gilid si Dos, tinigil niya na ang paglilinis sa mga sugat ni Cher at inayos ang first aid kit tsaka ito ibinalik sa ilalim.

Nilingon muna ni Yuno si Cher pero wala ito sa ulirat at nakatulala lang, napabuntong-hininga naman siya, medyo guilty kasi siya sa ginawa niya kanina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Art of AsleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon