One

13 1 0
                                    


"Sino 'yan?"

"Natagpuan ko lang sa may ilalim ng bridge, nakahandusay at walang malay."

"Ikaw talaga, Cher! Kahit kailan napaka-generous mo sa lahat ng tao."

Napakamot nalang ang babaeng nagnga-ngalang Cher sa sinabi ng kanyang kaibigan.

"Ano ka ba, alangan namang iwan ko siya 'dun? Mamatay pa ako sa konsensya ko." Sagot nito.

"Hindi naman sa gan—"

Natigilan ang kanyang kaibigan sa pagsa-salita dahil sa nagkaka-gulohang tao sa labas. Tumayo ito at binuksan ang pinto ng kwarto. Naririto kasi sila ngayon sa ospital kung saan nila napag-desisyonang i-confine ang lalaking nakita ni Cher sa ilalim ng bridge.

"Ano 'yon Lara?" Tanong nito sa kanyang kaibigan na dumudungaw sa labas. Hindi ito sumagot kaya tumayo siya at nilapitan ito.

Nakita niyang nagkakagulohan ang mga pasyente pati na rin ang mga nurse dahil sa grupo ng mga pulisya na isa-isang dumudungaw sa bawat kwarto na nasa hallway.

Parang may hinahanap ang mga 'to ah. Ani ni Cher sa kanyang isipan.

"Mukhang may hinahanap silang tao." Bulong naman ni Lara sa katabi niyang si Cher na nagugulohan ang mukha.

"Baka kriminal." Sagot ni Cher.

Napatingin siya sa bandang kaliwa nang marinig niya ang usapan ng isang nurse at police sa di kalayuan.

"Lalaking medyo mahaba ang buhok na hanggang leeg, makapal ang kilay tsaka may nunal sa kaliwang pisngi. Mga nasa 6 ft ang taas at sakto lang katawan." Ani ng isang police sa ini-interrogate nitong nurse.

"M-Matanda po ba?"

"Hindi, teenager at may suot na puting long sleeve na bestida. Tsaka hanggang tuhod lang 'yung haba."

Biglang napa-igtad sa kinatatayuan si Cher nang marinig niya ang napaka-lakas na kidlat. Kanina pa kasi bumubuhos ang malakas na ulan at bumabaha pa ang buong syudad, nakakapanibago sa kanya dahil malakas naman ang sinag ng araw kaninang umaga.

"Halaaaa!"

Napalingon si Cher sa kanyang likoran nang marinig ang malakas na sigaw ni Lara, tsaka lang niya napagtanto kung bakit ito sumigaw.

"Nasaan na 'yon?!" Medyo malakas pa rin ang boses ni Lara kung kaya't nilapitan niya ito at binatukan.

"Manahimik ka nga!" Binalikan niya ulit ang pinto at isinara tsaka niya nilapitan ulit si Lara at pwersahang pinahiga sa kama. "Humiga ka bilis, doon ka humarap sa bintana." Utos ni Cher sa kanyang kaibigan.

"T-Teka, bakit?"

Pareho silang natigilan nang marinig ang katok sa pinto mula sa labas.

"Mamaya ko na sasabihin!" Mahinang aniya.

Nagugulohan man si Lara sa ikinikilos ng kanyang kaibigan, wala siyang magawa kung hindi sundin ito. Medyo kinukutoban kasi siya ng masama sa nangyayari ngayon, at may tiwala naman siya sa kaibigan niyang si Cher kaya minabuti niya nalang sundin ito.

Tumungo kaagad si Cher sa pinto at binuksan ito kahit nag-a-alinlangan. "G-Good evening po." Mahinahon niyang bati sa kaharap niyang pulis at nurse na katabi nito.

"Good evening rin, hija. Pwede bang makita kung sino ang naka-confine sa kwartong 'to?" Aniya ng pulis na nakatingin sa nakahiga at nakatalikod na si Lara.

"P-para saan po?" Nauutal na tanong naman ni Cher.

"May hinahanap kasi kaming tao, missing at VIP ang taong 'yon kaya medyo urgent ito."

The Art of AsleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon