'WHO are you?'Mga salitang gustong-gusto itanong ni Cher habang nasa harapan niya ang lalaki. Silang dalawa nalang ang nasa loob ng kwarto, sinabihan niya kasi ang lahat na siya na ang bahala sa lalaki dahil kilala niya ito.
Napansin naman ni Cher na nakatingin lang si Yuno sa isang tray ng pagkaing nasa harapan nito. Di siya sigurado kung ano ang iniisip nito.
"Kainin mo na 'yan baka lumamig pa." Marahan niyang sabi rito.
Nagsimula namang kumain si Yuno, pinanood lang niya itong kumain gamit ang kutsara at tinidor, sanay itong kumain sa ganoong paraan.
Kaya niya kasi ino-obserbahan ang paraan ng pagkain nito para malaman niya ang status ng pamumuhay nito, marami na siyang nakilalang mga ulilang tao. Kadalasan sa mga taong ganoon napansin niyang wala itong proper table etiquette. Lumaki si Cher sa marangyang buhay kaya alam niya ang galawan ng mayayamang tao, pero si Cher hindi naman siya ganoon. Kumbaga, simple lang ang paraan ng pamumuhay niya.
"Cray ang pangalan mo, diba?" Biglang tanong ni Cher kay Yuno.
Hindi naman ito nakasagot kaagad, nagdadalawang-isip kasi si Yuno kung tama ba ang mag-sinungaling.
Pero kinakailangan niyang gawin iyon para sa safety ng kanyang sarili.
"O-Oo."
"Taga saan ka?"
"I-Ibang syudad."
"Bakit ka napad-pad rito?"
"Pinag-tripan ako."
"Nino?"
"Di ko maalala."
"Ba't ka nasa ilalim ng bridge noong isang araw?"
"Tumakas ako."
"Bakit?"
Hindi kaagad nakasagot si Yuno sa tanong ni Cher. Alam niyang hinanda niya na ang sarili niya sa mga tanong nito pero bigla siyang na-mental block.
Nahalata naman ni Cher na mukhang ayaw pa pag-usapan ni Yuno ang dahilan.
"Fine, kung ayaw mong sabihin okay lang. Pero bakit mo ako niyakap kanina?" Shoot. Napatakip bigla si Cher sa kanyang bibig, huli na nang ma-realize niya ang tinanong niya. Namumula naman ang pisngi niya dahil sa napaka-awkward kasi para sa kanya 'yung nangyari. 'Nagiging malisyosa na naman ako.' Aniya sa kanyang isipan.
"Sorry kanina. N-Nabigla lang ako, naalala ko kasing ikaw 'yung sumagip ng buhay ko n'ung natagpuan mo ako sa ilog." He looked away, nahihiya kasi siya sa inakto niya kanina.
Mas lalo namang namula si Cher nang mapansin niya 'yung pagiging mahiyain ni Yuno. "O-Okay lang pero bakit ka nga pala umalis sa ospital noon? Ikaw ba 'yung hinahanap ng mga pulis?"
Akala ni Cher sasagutin kaagad ni Yuno ang tanong niya pero bigla itong tumayo kaya nagulat siya. Itinabi nito ang tray ng pagkain sa desk at lumapit ito sa kanya
Huli na nang mag-protesta siya, bigla kasing hinawakan ni Yuno ang magkabilang balikat ni Cher. Sobrang lapit ng mukha nila sa isa't-isa, parang ilang inches lang ang layo ng mga labi nila kaya naaamoy ni Cher ang hininga ni Yuno.
Mabango ito.
Nakaka-adik.
Parang mababaliw siya sa mabangong hininga nito.
Di niya alam kung bakit pero bigla siyang napapikit, parang may hinihintay siyang kung ano mang dumapo sa labi niya.
Naaamoy niyang mas lalong lumapit ang hininga ni Yuno sa mukha niya kung kaya napalunok siya sa kanyang sariling laway habang nakapikit.
BINABASA MO ANG
The Art of Asleep
Romance19 years of remaining awake, Yuno Asleep finally escaped the prison of life he spent for nineteen years- the Science Armed Laboratory Association who took his freedom as a teenager just to stay the world away from his destructing ability, but as soo...