Three

3 0 0
                                    


GABI na nang mapatingin si Yuno sa labas ng bintana, ilang oras na sila nandito sa isang ma-tao at maingay na lugar. Sabi ni Lara sa kanya exclusive bar daw iyon, sumama lang siya kasi akala niya nandoon si Cher, 'yun naman kasi ang pinangako ng magkapatid na si Lara at Gara sa kanya.

"Hindi pa pupunta rito si Cher?" Tanong niya kay Gara na ngayo'y umiinom ng beer. Blangkong tinignan lang siya nito kaya di na siya nag-hintay ng sagot mula rito, napabuntong-hininga nalang siya at inikot ang tingin sa buong lugar.

'Nakakatawa, sa 3D projector lang ako nakakakita ng bar. Tsk.' Aniya sa kanyang isipan habang inililibot ang buong tingin.

Napapa-ismid siya sa tuwing nakakakita siya ng mga babae at lalaking naglalampungan habang sumasayaw sa dance floor, napamangha rin siya na animo'y parang bata  nang makita kung gaano kagaling sa flaming ang bartender. Taas-baba lang tingin niya sa boteng inihahagis ng bartender habang si Lara nama'y napapatawa sa itsura nito.

"First time mo ba rito?" Tanong ni Lara sa kanya habang ini-abot sa kanya ang isang baso ng iniinom nitong tequila.

Napatango nalang siya rito habang nakatingin pa rin sa bartender na kaharap niya, nandito kasi sila ngayon sa bar counter naka-pwesto. Di naalintana ni Yuno ang ini-aabot nitong inumin kaya nilapag nalang ito ni Lara sa harapan niya dahilan para makuha ang kanyang atensyon.

"Okay ka lang? Inumin mo na 'yan. Pfft." Napapatawang sabi ni Lara sa kanya.

Lumapit naman si Gara sa kanya at tinignan ang reaksyon nito. "Kaano-ano mo ba si Cher? Parang sa tingin ko di siya papatol sa tulad mong mukhang mangmang." Mapait nitong sabi sa kanya.

Napakunot nalang siya sa noo dahil di niya alam kung anong ibig sabihin nang sinabi ni Gara sa kanya, hindi niya nalang ito pinansin at kinuha nalang niya ang baso ng tequila tsaka nilagok ito ng mabilis.

Napangisi naman si Gara sa ginawa ni Yuno kung kaya't kinuha niya ang kanyang wallet tsaka dumukot ng isang libo, inilagay niya ito kaagad sa bulsa ng polo shirt ng bartender at hinatak na si Yuno papalabas sa lugar na iyon.

"Sigurado ka ba sa ginagawa natin? Baka mahuli tayo." Nag-aalalang tanong naman ni Lara sa kapatid niyang hatak-hatak si Yuno patungo sa kanilang sasakyan.

"Diba ikaw na ang nagsabing ini-scam nito si Cher sa hospital? Tsaka sa itsura ng taong 'to mukhang walang maibabayad 'to kay Cher kahit ni limang piso eh." Galit na tugon ni Gara at tsaka binuksan ang pinto sa likod ng sasakyan, inihagis niya doon ang nahihilong si Yuno.

Pumasok na rin ang dalawa sa loob ng sasakyan at tsaka pinaandar ito. Nilingon naman ni Lara sa likod si Yuno, wala na itong malay.

Nang lumapit kasi si Gara kay Yuno nilagyan niya ito ng pampatulog, planado na ng dalawa ang gagawin nila simula nang makita nila itong naglalakad sa kalsada kanina.

"Pag nalaman 'to ni Cher, friendship over na talaga kami." Pagmamaktol ni Lara sa gilid ng sasakyan, plano lang naman niya ay ilayo sa syudad si Yuno pero nag-insist bigla si Gara sa plano nito.

"Don't worry, di niya malalaman 'to. Ayoko lang mapahamak siya." Mariing sabi ni Gara sa kapatid niya habang nakatutok pa rin sa kalsada ang kanyang tingin at nagmamaneho.

Lara just bite her lower lip, iniisip niya kung tama ba ang ginagawa nila o hindi. Napagtanto niya kasing harmless si Yuno.

Ilang oras ang dumaan at hindi alintana ni Lara na narating na nila ang distinasyong sinabi sa kanya ni Gara kanina. Bumaba kaagad ang kapatid niya nang itigil nila ang kotse at tsaka tumungo sa likod ng sasakyan, pinasadahan niya ito ng tingin mula sa rear view mirror at nakikita niyang hinihila ni Gara ang walang malay na si Yuno pababa sa kotse. Nakita naman ni Lara na isinandal ng kanyang kapatid ang katawan ni Yuno sa isang malaking puno ng mangga.

The Art of AsleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon