Curiosity
Maaga akong gumising kasi maaga ang first period ko 7:30 ang first class ko at terror pa naman yun pag may na li-late sinuot ko na ang uniform ko at kinuha na ang bag ko na nasa tabi at sinuot na ito pumanhik na ako pababa. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin naka soft make up lang ako kaunting foundation ginuhitan ng konti ang kilay para mas maging defined ito at naglagay ng matte lipstick napangiti ako satisfied with my look I went downstairs.
"Hera baby kumain ka na" pagbaba ko sa hagdan nakita ko agad ang aking mommy nasa hapag kainan at nag a-almusal na pero wala akong gana kaya pumunta ako sa kitchen at gumawa lang ng dalawang pares na sandwich at pinalaman ito ng paborito kong flavor na peanut butter
"Yan lang ang almusal mo?! Kumain ka Aestrea Hera!" pagmamaktol ni mommy
"Kakain naman talaga ako mommy" kalmado kong sinabi sabay takip sa peanut butter
"Tingin mo hindi ka gugutomin sa pa sandwich lang na ganyan? Maupo ka kumain ka na!" giit ni mommy napatingin ako sa wall clock at nakita na 7 am na pag nagtagal pa ako tiyak na mali-late na ako.
"As much as I want to eat mommy I just can't. I am really running late gotta go I love you!" sagot ko at mabilisang humalik sa kanyang pisngi at nagmamadali na papunta sa garahe para makasakay na sa aming kotse buti at nandoon agad ang driver ko.
"Manong pakibilisan mali-late na talaga ako" sabi ko na nagmamadali maaga naman akong nagising pero marami akong iniisip at lahat ng yun ay tungkol sa kay Scamandrius oo siya ang naghari ng kaisipan ko. Inisip ko lahat ng pagtatagpo namin at yung sa mall ang pinakahuli naming pag-uusap. Determinado na ako aaalamin ko ang kanyang buhay hindi ko alam kung saan tutungo ang pagiging kuryoso ko sa buhay niya pero wala ng urungan kapag may gusto akong malaman hindi ako titigil hanggat hindi ko nakukuha ang mga sagot sa tanong ko kaya Scamandrius humanda ka.
Kahit anong bilis ni Manong na stuck parin kami sa traffic tiningnan ko ang aking relo 7:20 am na at medyo malayo pa ang school ko hindi na kakayanin late na talaga ako. Dumating ako sa campus 7:50 am at nasa 4th floor pa ang room ko 20 minutes na akong late pero kahit ganoon nagmamadali parin ako tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa classroom namin. Nakita ko si Kacey napansin niya ang pagrating ko sinensyasan niya akong pumasok na at sinunod ko naman pumasok ako ng tahimik pero napatid ko ang isang bakante na upuan at nagdulot ito ng ingay kaya napalingon ang aming prof. Patay buking na ako kaya imbes e pagpatuloy ang pagpunta ko sa upuan ko tumayo ako mula sa pagkayuko at humingi ng paumanhin sa aming prof kahit alam kong walang silbi yu--
"Ms. Versoza you're late! at may lakas na loob ka pa talagang pumasok ng palihim ilang beses ko ba dapat ulitin na ayaw na ayaw kong may late sa klase ko at kung late kayo wag na kayong pumasok sa klase ko kasi maiirita lang ako dahil nadidisturbo ako sa aking leksyon gaya ngayon! imbes na ipapaintindi ko sa inyo ang leksyon ngayon pero ano? eto ako nagsesermon!"
"Sorry prof traffic lang talaga kaya ako na lat-"
Our professor let out a hearty laugh "Any greater excuse Ms. Versoza? ang traffic everyday yan hindi na valid ang ganyang excuse"
Napatingin ako sa mga kaklase ko nakatingin sila lahat saakin maliban lang kay Scamandrius na parang tulog pa ata nakapatong ang kanyang kanang braso sa arm chair at ang kamay ay nasa noo nito napapikit ako habang nagsesermon ang aking prof quota na talaga ako ilang beses na akong napahiya. Wala ka ba talagang magawa na tama Aestrea? Tiningnan ko si Kacey sa tingin pa lang niya saakin alam kong naawa siya saakin at tiningnan niya ang prof namin at pabirong tatapunan ng libro habang nakatalikod ito kaya sa pambihirang sitwasyon na ito di ko napigilan ang mapangisi na mas kinagalit ng aming prof

BINABASA MO ANG
The Fight Is Over
Teen FictionIt's funny how you can make a beautiful piece from an ugly experience.