Kabanata 5

15 1 1
                                    


Stars

Simula noong sinabihan ako ni Scamandrios na wag siyang paki alaman di na ako nag lakas ng loob na kausapin siya eh bakit pa? Para e pahiya na naman ako? Pakshet siya ako na nga yung nagmamalasakit ako pa ang mali. Takte bahala talaga siya sa buhay niya.

Dumaan ang apat na araw at weekend na naman gusto sanang makipag kita ni Flyn saakin but I turn down her offer gusto ko munang gumala na ako lang mag isa. I went to SM all by myself nag commute lang ako kasi di pa ako pinapayagan na mag drive ni Dad ewan ko ba kung bakit eh marunong na naman ako.

Pagdating sa mall nilibang ko ang sarili ko pumunta ako sa favorite kong mga boutiques Forever 21, H&M, Uniquelo, and Pole and Bear. Di ko namalayan na gabi na pala 6:30 pm na at ang hassle pa naman mag commute.

While I was riding the escalator pababa may nakita akong nag s-set up ng instruments sa ground floor it got my attention at naisip na palipasin muna ang rush hour bago ako uuwi dito nalang ako mag dinner so yun pumunta ako sa ground floor may parang bar sa gilid ng stage na siniset up'an ng instruments doon ako dumiretso.

I sat on the high chair and ordered some wine. I am fond of wines kahit ano basta wine gusto ko coz it has lots of benefits na makukuha at hindi ka malalasing ng wine ng mabilis and so I thought...

Pakshet nahihilo na ako ilang shots na ba nainom ko? Tangina tiningnan ko yung bottle ng wine 80 percent alcohol oh shet girl. I'll be dead if my father finds out about this. Tatayo na sana ako ng may nagsalita sa stage I look at him he's holding a guitar, siya ang lead guitarist sa banda nasa stage pero ang weird naka mask siya ng black for some reason ayaw ko munang umalis gusto ko muna siyang tingnan at marinig kumanta.

"It has been two years since she left me at hanggang ngayon sobra paring sakit-"

I froze when I heard that voice parang familiar pero di ko lang ma pin point kung sino, napahawak ako sa ulo ko shet baka naghahallucinate lang ako takte naman tong wine na to.

He started strumming the guitar and when he sang I just found myself understanding each lyric.

A picture of you reminds me how the days have gone so lonely
Why do you have to leave me without saying that you love me
I'm saying I love you again
Are you listening?
Open your eyes once again
Look at me crying

I look at him

If only you could hear me shout your name
If only you could feel my love again
The stars in the sky will never be the same
If only you were here

the stars in the sky will never be the same 

Tiningnan ko siya ng maigi sobrang pamilyar niya talaga pero di ko lang talaga matandaan kung sino at noong napa-angat ang tingin niya at natagpuan niya ang aking mga mata nakilala ko na siya. Scamandrios bakit ka nandito? Matapos ang kanta nakita kong nagmamadali na umalis Scamandrios sa stage at ako naman kahit nahihilo hinabol ko siya hanggang sa makarating ako sa back stage pero wala na siya doon hindi ko na siya nakita. 

"Kuya nasaan po yung kumanta kanina na lalaki na naka mask po?" tanong ko sa lalaki na may dala ding isang gitara na natagpuan ko sa back stage. 

"Bokalista na naka mask? may bokalista ba na ganoon miss? baka nagkakamali ka" sabay sabi ng napagtanungan ko 

"Hindi kuya naka mask po talaga siya itim ang mask niya yung kakatapos lang kumanta" desperada kung sagot 

"Hindi ko nakita at ngayon lang talaga ako nakarinig na may bokalista dito na naka mask kumanta baka imagination mo lang yun Miss" he chuckled after saying it 

Pero hindi ako natatawa sinuyod ko muli ang kabuoan ng mall pero ni anino niya hindi ko nakita kaya kahit sumasakit na ang ulo ko pinilit kong maglakad at magbasakali na hanapin siya. Lumabas ako ng mall at ilang minuto ang dumaan natagpuan ko na lang ang aking sarili na nasa sa isang hardin ng mall na nagsisilbing playground ng mga bata. Ang sakit ng aking ulo ay hindi na maipagkakaila kaya umupo ako sa isang bench na nakita sa gilid napatingin ako sa kalangitan puno ito ng mga bituin na kumikislap para sa mga tao tumunog ang cellphone ko tumatawag na si daddy ibig sabihin nito kailangan ko nang umuwi. 

Imagination ko lang ba talag yun pero sigurado ako na siya yun eh. Hindi ako pwedeng magkamali yung mga mata na yun sa maikling panahon alam ko na ang dalawang pares na mata na iyon ay kay Scamandrios pero ewan ko ba kakalimutan ko na lang ang gabing ito gaya ng pagkapahiya ko sa klase ng guro ko na si Ma'am Perez. Napagdesisyonan ko nang umuwi tumayo na ako at handa na sanang tumawag ng taxi nang makita ko ang lalaking nakatayo sa harapan ko at nakatingin saakin. 

"Bakit ka nandito?" inunahan niya na akong magsalita at sa pang ilang beses natameme na naman ako. 

"Bakit ka nandito Ms. Versoza?" tanong niya ulit gamit ang mapaglarong ngiti pero napansin ko wala na siyang mask at hindi na pareha ang suot niya kanina noong kumanta siya pero siya ba talaga kaya yun? 

"Bakit sayo ba ang mall na ito?" Ano ba naman Aestrea sa lahat ng pwedeng isagot tanong pa talaga ang sinagot mo ha tas pabara pa alam mo naman na hindi maganda ang pakikitungo ng lalaki na ito sayo tas pinalala mo pa. 

He chuckled at patalikod na nag-sabi " Hindi ko naman sinasabi na saakin to nagtatanong lang ako" 

Bago pa siya maka alis tinanong ko na ang bumabagabag saakin "Ikaw ba yung kumanta kanina na naka mask?" 

Dahil sa tanong ko napatigil siya pero sandali lang at sinagot niya ang tanong ko "Hindi ako marunong kumanta" at nagpatuloy na lumakad paalis 

Impossible anong hindi miyembro siya ng isang sikat na banda at kinahuhumanlingan siya ng mga kababaihan kaya kailanman hindi ako maniniwala na hindi siya marunong kumanta maloloko niya ang iba pero hindi ako. 

"Hindi marunong o hindi na kumakanta?!" tanong ko na naman sa kanya medyo malayo na sya pero tumigil siya alam kong narinig niya ako pero wala akong nakuhang sagot pero nakatigil siya 

Habang tinatanaw siya napatangin ako langit alam kong katangahan to at hindi dapat ako sumasawsaw sa ibang buhay ng tao pero sa kay Scamandrios hindi ko alam kung bakit pero gusto kong malaman lahat lahat kaya sumubok ako ulit na magtanong at sa pagtanong ko na iyon alam kong nagkamali ako noong tinanong ko yun. 

"Ano ang nangyari two years ago?" 

"Bakit kumalas ka sa banda mo?"

"Bakit hindi ka na nakikipag-usap sa mga kabanda mo?"

"Bakit nagtatago ka sa mga fans mo?"

"Sino si Star?"

Sa huling tanong ko alam kong nagkamali ako na binanggit ko yun pero wala nang bawian nasabi ko na kaya hindi ko na babawiin yun sagutin niya man o hindi. Napatalon ang puso ko nang lumingon siya saakin malayo na ang distansya na meron kami pero sapat pa rin yun upang marinig namin ang isat isa. 

He laughed without any humor at tumingin saakin gamit ang dalawang mata na walang emosyon na nakikita. 

"Ang pinakahuli kong gusto sa mundo ay ang pakialamera Ms. Versoza kaya hanggang may oras ka pa tumakbo ka paalis sa buhay ko. Paniwalaan mo ko pag sinabi kong hindi mo gustong masangkot sa buhay ko " 

"Yun nga ang problema eh kahit gusto kong hindi masangkot sayo pilit parin akong binabalik sayo hindi ko mapigilan ang sarili ko na kilalanin ka ng husto. " walang preno kong sagot 

Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko pero panandalian lamang yun at ngumisi siya sabay turo saakin. 

"Hindi pwede, diyan ka lang at  dito naman ako, kailanman hindi tayo pwedeng magtagpo" sagot niya at umalis na at ako ay naiwang nakatulala sa huli niyang sinabi. Naalala ko yung sinabi niya noong Math class namin. Parallel lines yun ang ibig niyang sabihin sa huling kataga na sinabi niya. 


The Fight Is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon