Kabanata 2

31 1 0
                                    

Reason

Nakauwi na ako hindi na kami masyadong nakapag-usap ni Kacey since tutok ako sa klase pero ngayong tapos na ang klase at nandito na ako sa bahay, bumalik na naman sa isipan ko si Scamandrius at kung bakit siya umalis sa bandang, The Originals.

Madami akong haka haka na nasa isip ko ngayon. Baka nawalan lang siya ng gana, baka ayaw niya lang talaga na tumugtog pero impossible eh kasi kung naging buhay niya yun hindi niya basta basta susukuan yun. Teka, sinukuan niya ang banda niya. Sinukuan niya diba hindi siya sumusuko kaya bakit? Sinukuan niya ang bandang naging buhay niya? Does it even makes sense? Walang taong susuko sa passion niya kung walang matinding rason lalo pa't si Collins yun sabi nga niya hindi siya sumusuko lalo na sa larangan ng pag-ibig. At ano naman kayang rason ang nagpasuko kay Scamandrius Astyanax Collins? Dahil sa mga speculation ko mas tumindi ang kagustuhan kong malaman ang misteryosong rason kung bakit siya umalis.

Pumikit ako at naalala ko ang dalawang kulay brown na mata ni Collins na may nakasulat na sakit at lungkot. Hindi ako pwedeng magkamali alam ko na lungkot at sakit yun. 

I opened my youtube app and tried to search his name pero ang lumabas ay ang bandang The Originals kung saan siya pa ang bass guitarist. Teka! Yung views! It reached 10 million ganoon pala sila kasikat! I clicked the first video yung kanta na tinutugtog nila ay song na "Numb" hindi ko kilala sino yung kumakanta pero nakatuon na ang pansin ko kay Collins and I must say mas lalong gumwapo si Collins ngayong nakahawak siya ng bass guitar bawat kalabit niya sa string ng bass guitar ay mas lalong nakaka gwapo sa kanya.

Erase, erase napasobra ata siya ng adjectives mula saakin tigil Aestrea. Tumigil ka Aestrea!

I looked at the comments and halos lahat ng nandoon ay tungkol sa pag kamiss nila kay Scamandrius na tumugtog  on stage na bakit pa daw ito umalis Hays, kung hindi pagkamiss sa kay Collins ang nasa comment section tungkol naman sa kagwapuhan  niya may nakita pa nga akong "Scamandrius buntisin mo ako please." Jusko wala nabang hiya ang mga tao ngayon? Nakakahiya tong babaeng to!

I continued scrolling but someone's comment got my attention. Yung comment niya ay "Gusto niyo malaman kung bakit umalis si Scamandrius sa banda? Message niyo ko IG." May mga nag rereply na pabida lang to  may isa pa ngang nag reply " na walang nakaka-alam sa rason bakit umalis si Scamandrius kaya impossible na malaman ng isang random stranger lang."

Pero malakas ang kutob ko na may alam tong nag comment nato. I checked her comment it was a year ago. May nakalagay na username niya sa IG  sa comment. I immediately looked for her on IG and when I found it, I sent her the SS of her comment on the vid and message her by saying "Is this true? That you know the reason why Scamandrius left The Originals?"

E o-off ko sana ang phone ko pero nagulat ako noong na seen niya agad and seconds later nakapagreply na siya.

"Why do you want to know?" Reply niya.

"I don't really understand why I'm digging the reason why he left but there's something about it that makes me want to know." I answered with whole honesty kasi hindi ko talaga alam kung bakit gustong gusto kong malaman ang rason kung bakit siya umalis basta ang alam ko lang hindi ako matatahimik pag hindi ko malalaman ang rason.

"What assurance can you give me na hindi mo lang to ginagawa para sumikat at magkaroon ng issue si Scamandrius?" Sagot niya naman agad sa nireply ko.

"The only assurance I can give is that I am a low profiled person hindi ko gustong sumikat at ang fact na ayaw ko sumikat ay enough na para sabihin na mas lalong ayaw kong sumikat ng dahil sa issue na nag uugnay kay Scamandrius lalo pa't maraming babaeng handang patayin ako pag sinira ko ang image ni Scamandrius." Sagot ko.

She sent me details she want us to meet up at pumayag naman ako kasi wala namang pasok kinabukasan.

Nagkita kami sa isang coffee shop she's pretty but petite she has fair skin and has a short hair. When she saw me entering the coffee shop she waved at me and signaled me to come near her
and I did.

"Flyn Elle Del Corro" pagpapakilala niya saakin.

"Aestrea Hera Verzosa" sabi ko naman
I smiled at her.

After namin magpakilala sa isa't isa pinag usapan na namin ang rason kung bakit kami nagkita at yun ay ang pag usapan ang rason kung bakit umalis si Scamandrius sa banda na The Originals.

"Matagal na akong fan ng The Originals kahit saan sila magpunta nandoon ako nunuood at sinisigaw ang pangalan nila pero noong umalis si Scamandrius nawalan na ako ng gana kasi siya ang pinakagusto ko sa banda sinubaybayan ko ang journey niya. Siya ang nagtayo ng banda na "The Originals" siya ang leader kaya di ko talaga maiwasan na masaktan noong kumalas na siya. Lalo pa't ang tangi niya lang sinabi saaming mga fans niya ay  "Hanggang dito nalang po ako maraming salamat sa lahat ng naniwala at nakinig sa musika ko." Yun lang sinabi niya." Habang nagsasalita si Flyn nangigilid na ang kanyang luha nakikita ko talaga na avid fan siya ni Scamamdrius.

"Sinabi mo na alam mo ang rason kung bakit siya umalis totoo ba yun Flyn?"

"Diba sabi ko sayo na ilang taon na akong fan sa The Orig lalo na kay Scamandrius and luckily nakapunta ako sa last niyang concert in Quezon. December 15 2016 yan yung date noong last niyang concert noong last siyang tumugtog, walang nakaka-alam na yun na pala ang last niya there were no signs that he would leave kaya madaming umiyak at may mga nahimatay pa nga noong araw na yun."

Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Flyn sobrang sikat ng The Originals lalo na si Collins kaya hindi malabo na mangyari yun.

"And I have a video of that concert palagi ko silang vinivideohan kada punta ko sa concert nila at yun nga sa during the concert meron na akong na fe-feel na may mali Scamandrius is the bass guitarist pero that night he didn't play the bass guitar instead ang kinuhaniya ay ang guitar na pang rhythm at pumunta siya in the middle in front of the microphone, everyone cheered since first time niyang kakanta pero iba ang pakiramdam ko parang mali."

She handed me her phone at doon plinay niya ang vid nagsasalita pa si Flyn while nanunuod ako sa vid pero noong nagsalita na si Scamandrius in front of the microphone hindi ko na nakuha ang mga pinagsasabi ni Flyn. In the video sinabi niya na "etong kantang to ay eto ang nararamdaman ko ngayon this song is The Fight Is Over."

Nabingi ako pero hindi sa hiyawan ng mga fans sa vid kundi nabingi ako sa aking narinig. The title of the song is The Fight Is Over I remembered what he said noong nagkasagutan kami.

"The Fight isn't over Ms. Verzosa." At ulit naguluhan na naman ako...

The Fight Is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon