SPG
Taong 1976
Sitio CapacuanNakasaklay sa matipunong balikat ng lalaki ang isang makapal na puting lampin. Kung titingnan ito sa malayo para lamang itong maliit na shoulder bag na itinali sa lubid ng abaka.
Minadali itong itinali ng lalaki upang maisaklay nya sa balikat bago umalis sa kanilang maliit na kubo.
Pawisan ang lalaki. Lakad takbo ang ginagawa nito. Para itong hinahabol ng kung sino.
Ngunit hindi. Hindi nga pala sya hinahabol ng kung sino man. Siya ang may hinahabol.
Ang oras.
Ang nalalabing oras na makikita nya pang buhay ang babaeng pinag-alayan nya ng lahat na mayroon sya.
May problema ang pagbubuntis nito dahil sa pag-atake ng sakit nitong UTI. Malayo sila sa bayan kung kaya't hindi niya ito naidala sa kanilang Municipal lying In. Kaya't nagpatawag na lamang siya ng isang kumadruna.Tagaktak ang pawis nya kahit hating gabi na. Ilang oras na ba ang tinakbo nya?
Dumulas ang kapit nya sa lampin dahilan para mahulog ito. Napahinto sya.
Naglakad ng ilang hakbang pabalik. Tiningnan muna nya ang nahulog na lampin. Hindi na ito kasing puti kagaya ng kanina. Nadumihan na kasi ito dahil sa pagkahulog sa lupa.
Naamoy niya ang malansang amoy mula rito. Nabigla sya sa masamang amoy nito na wala naman nung umalis sya sa kanilang kubo.
Lumapit sya rito upang makompirma ang laman nito.Ngunit agad nagbago ang balak nyang pagbukas dito ng may maalala sya. Hindi nga pala pupwede.
"Huwag mong bubuksan ang lampin."
Ito ang salitang binitawan ng kumadrunang magpapa-anak sa asawa nya. Bawal nga palang buksan ito.
Agad nyang pinulot ang lampin mula sa lupa. Isinaklay niya ulit ito sa kanyang balikat. Hindi na lamang nya pinansin ang kakaibang amoy nito.
Tumakbo sya ulit. Ito ang balak.Tatakbo na lamang sya upang mapabilis ang kanyang pagpunta sa bahay ng kumadruna.
Siya nga pala si Mang Senon. Kabuwanan ngayon ng kanyang asawa. Iniwan nya ito at ng kumadruna sa kanilang maliit na kubo.
Nang matanaw nya sa di kalayuan ang bahay na tinutukoy ng kumadruna ay gumaan ng konti ang pakiramdam nya.
Sa wakas. Maibibigay na nya ang lampin sa taong tinutukoy ng kumadruna. Ayon rito, asawa nito ang bibigyan nya ng lampin. Ito rin kasi ang magbibigay sa kanya ng mga ugat at dahong kinakailangan ng asawa nya.
Binilisan niya ang pagtakbo. Ilang hakbang nalang ang layo niya sa bahay ng makita niya ang maiitim na ibon sa labas nito. Biglang napahinto si Mang Senon.
May kung anong tinutuka kasi ang mga ito. Nang tingnan nya ang nasabing bahay, lumalabas mula sa kusina nito ang mga usok. Parang may nagluluto sa kusina nito. Sarado ang pinto at mga bintana nito.
Pinagpatuloy niya ang paglapit sa nasabing bahay. Iniwasan niya ang maiitim na ibon. May kung anong takot ang umukit sa dibdib nya ng makita ng malapitan ang mga tinutuka ng mga ibon.
Mapupula ang mga ito. Masangsang ang amoy.
Naapakan nya pa ang isa rito. Para itong madulas na goma. May tunog pang kumawala mula rito.
BINABASA MO ANG
Casa del Sorro (Fox Hunt)
Mystery / ThrillerSYNOPSIS: May ilang mga bagay sa mundo na hindi kayang makita ng mga ordinaryong tao lamang. Hindi dahil sa kapos sila sa kakayahan kundi dahil sa hindi angkop ang oras para makita nila ito. May tatlong Sitio sa isang bayan ang nababalitang may kaba...