Balik tanaw
Taong 1974
Sitio CagcaningagMula sa nakaawang na pinto sa kwarto ng dalagang si Sally, nakatayo ang anino ng isang lalaki. Nakasumbrero ito. Mainam na pinagmamasdan ang natutulog na dalaga.
"Napakabanayad ng iyong tulog, anak." Puri ng nasabing lalaki. Hindi ito nakontento sa pagmamasid sa dalaga mula sa pinto. Dahan dahan itong pumasok sa kwarto ng dalaga.
Pinagmasdang mabuti ang posisyon ng dalaga. Nakalihis ng konti ang pang itaas na damit ni Sally. Kumurba ang mapagnasang ngiti ng lalaki. Hindi mapalagay ang nangangati nitong mga kamay hangga't hindi nahahawakan ang katawan ng dalaga.
Dumapo ang magagaspang nitong kamay sa tiyan ng dalaga. Hinahaplos pataas ang tiyan ni Sally. Biglang nagising ang dalaga at bago pa man ito makalikha ng ingay ay agad na tinakpan ng lalaki ang bibig ng dalaga.
Nagpupumiglas ang nagising na dalaga. Sa isip nito, kaharap na naman nya ang demonyo sa buhay nya. Bakit nga ba nakakaya nya pang mabuhay kung tuwing sasapit ang hating gabi ay impyerno ang pinupuntahan nya.
"W-wag...H-huwag po T-tiy..." Hindi na natuloy ng dalaga ang pagmamakaawa sa lalaki. Agad kasi sya nitong sinikmuraan. Halos ikawala iyon ng ulirat nya. Malakas na tao ang tiyuhin nya.
Kapatid ito ng kanyang madrasta. Nanghina ang kanyang katawan dahil sa natamong suntok mula sa lalaki. Bumingisngis ito. Tila isang baliw na nakatakas sa mental.
"Wag ka nang maingay Neng. Magugustuhan mo 'to." Nakangising sambit ng lalaki. Sabog ang isip nito dahil sa araw araw na paggamit ng bawal na gamot. Nangangamoy sigarilyo rin ang bunganga nito.
"H-huwa...w-wag...po.." Pilit na nagmamakaawa ang dalaga. Ngunit hindi ito madinig ng lalaki dahil tinatalo ito ng init ng katawan at pagnanasa sa dalaga.
Walang magawa si Sally ng angkinin na naman sya ng kanyang demonyong tiyuhin. Higit pa sa hayop ang galit at pandidire nya rito. Ngunit wala syang nagagawa kapag inaabutan sya nitong tulog sa kanyang maliit na kwarto.
Sa isang linggo, maswerte na sya kung sa dalawang araw ay hindi sya nito pinagsasamantalahan.
Bakit nga ba ganito ang sinasapit nya?
Bakit wala syang magawa?
Hindi manlang nya kayang ipaglaban ang sarili. Walang tenga ang nakakadinig sa karumaldumal na sinasapit ng isang tulad niya.
Parang isang agos ng malayang ulan ang mga luha ng dalaga habang umiiyak ito. Hindi lang pandidire sa tiyuhin niya ang ikinikirot ng dibdib nya. Kundi pati na rin sa sarili niya.
Hindi na malinis ang dangal nya. Wala na syang maipagmamalaki para sa sarili.
Hindi na sya ang dating Sally na ipinagmamalaki ng pumanaw niyang ina. Iyong dalagang may maganda at masayang mukha na kagigiliwang makasama ng iba.
Bakas sa pagmumukha nya ngayon ang dinaranas na pasakit sa buhay.
Sumiksik sya sa gilid ng kanyang katre. Nanlalabo na ang kanyang mga mata dahil sa nag-uunahan nyang mga luha. Dinig na dinig pa rin nya ang malakas na talbog ng kanyang dibdib dahil sa takot.
"N-Nay..." Tanging naisambit ng dalaga. Ngunit walang makakarinig sa pagsambit nya sa pangalan ng ina.
Humihikbi pa rin sya nang dalawin ng antok.
Kahit sa kanyang panaginip, paulit ulit na lumilitaw ang imahe ng kanyang demonyong tiyuhin. Naririnig pa rin nya ang bungisngis nito na syang nagpapadagdag sa kanyang takot.
Madaling araw na ng magising si Sally. Nasa gilid pa rin sya ng kanyang katre. Pilit nyang binabangon ang sarili upang maka-upo sa ibabaw nito.
Bakit nga ba hindi niya manlang kayang ibangon ang sarili?
Hindi manlang nya kayang ipaglaban ang sarili.
Kung bubuksan niya ang kanyang bibig, may makikinig kaya sa kanya?
May maniniwala kaya?
Tumulo na naman ang luha ng dalaga. Unti unting nagbabalik sa isipan nya ang nakaraan. Ang nakaraang sinadya nyang di kalimutan. Ang trahedyang kumitil sa kanyang butihing ina at nagdala sa kanya sa karumaldumal na pangyayaring araw araw nyang tinitiis.
Malinaw pa rin hanggang ngayon sa kanyang isipan ang trahedya.
Linggo noon. Galing silang apat sa simbahan. Kasama nya ang kanyang ina, ama at ang sumunod na kapatid sa kanya. Si Sheila.
Bumyahe sila pauwi. Ngunit hindi nila batid ang nakaambang panganib sa kanilang pamilya. Sakay ng traysikel na pangpamilyang sasakyan nila, bumangga sila sa isang poste.
Sapol ang mukha ng kanyang ina ng malalaking bubog na syang kumitil rito. Ang ama niya na syang nagmamaneho ay nahulog sa traysikel ng bumangga sila na syang nagpa-alis sa magagandang ala-ala nito kasama sila. Malakas ang pagka-untog nito sa poste na syang dahilan ng pagiging ulyanin nito ngayon at mahirap ang pandinig.
Ang kapatid naman niyang si Sheila ay ligtas na nakalabas sa traysikel nila. Mga galos at maliliit na sugat mula sa bubog ang tanging natamo nito.
Samantalang sya ang pantatlo sa naging kritikal ang kondisyon. Nabali ang mga buto nya sa binti sanhi ng pagiging pilay nya ngayon. Tumusok sa kanyang mga binti ang matutulis na bakal mula sa nabangga nilang poste.
Mahirap lang ang pamilya nila kung kaya't hindi naipagamot ang kanyang nag-aagaw buhay na ina sanhi para bawian ito ng buhay. Ganun rin ang naging kaso sa kanilang dalawa ng kanyang ama.
Pilay na dalaga sya ngayon. Hirap makabangon. Kumpleto pa naman ang kanyang mga binti ngunit wala na itong silbi sa kanya. Ang ama naman nya ay naging makalilimutin at may problema na sa pandinig.
Tatlong buwan ang lumipas bago bawian ng buhay ang kanyang kapatid. Sanhi ng takot mula sa nangyaring trahedya sa pamilya nila, natruma ito at naging baliw.
Sa tatlong buwan nitong pananatiling buhay kasama silang mag-ama ay labis ang hinanagpis ng puso ng dalaga. Hindi nya maatim ang nakaka awang kalagayan ng kapatid.
Mag-isa nitong kinakausap ang sarili. Hindi kumakain. Bagkus umiinom ito ng maruruming tubig galing sa ulan o di kaya'y pinaghugasan nila ng pinggan. Kinakain nito ang lupa o anumang tuyong dahon na makita.
Kaya't sa tatlong taong nakasama nila ito, nakakulong lang ito sa isang masikip na silid. Tanging maliit na gasera ang nagsisilbing liwanag sa silid na iyon.
Mabaho ang silid na iyon dahil naghahalo na ang dumi nito doon. Hindi nila ito malapitan ng kanyang ama. Tumatakbo kasi ito kapag nakikita sila o kahit na sinong tao. Madalas itong umiiyak tapos bigla nalang tatahimik at pagkatapos hahalakhak na parang may nakikita itong nagbibigay sa kanya ng kasiyahan.
Minsan itong nakawala sa nasabing silid. Dalawang araw ang nakalipas bago nila ito natagpuan. Nasa pusod ng kagubatan sa kanilang sitio ito nila natagpuan.
Nasa tabi ito ng malalaking puno ng kawayan at nginangatngat ang matutulis nitong kuko. Dumudugo ang labi nito dahil sa tulis ng kanyang kuko. Ngunit hindi nito alintana ang sakit.
Lumipas ang ilang linggo simula ng matagpuan nila ito at ibinalik sa kulungan nitong silid, binawian ito ng buhay.
Hindi sya isinama ng ilibing ito.
Dahilan upang mas lalong dumurugo ang puso nya.Ilang taon na ba ang lumipas simula ng pumanaw ang dalawang taong pinahahalagahan niya sa buhay?
Sariwa pa rin ang mga mapapait na ala-ala sa kanyang isipan. Napukaw ang malalim na pag-iisip nya ng marinig ang malalakas na hampas sa labas ng kanyang kwarto.
Alam na nya kung ano iyon. Araw araw nya itong nasasaksihan. Ito ang karumaldumal na sinasapit ng kanyang ama.
BINABASA MO ANG
Casa del Sorro (Fox Hunt)
Mystery / ThrillerSYNOPSIS: May ilang mga bagay sa mundo na hindi kayang makita ng mga ordinaryong tao lamang. Hindi dahil sa kapos sila sa kakayahan kundi dahil sa hindi angkop ang oras para makita nila ito. May tatlong Sitio sa isang bayan ang nababalitang may kaba...