Taong 1976
Sitio CamiguenIlang hakbang nalang ang layo niya mula sa iilang bahay ng kabilang sitio. Dito pumunta ang binata nyang anak na si Salde.
Hindi alintana ni Mang Samuel ang hapdi mula sa mga kagat ng lamok at daplis ng matataas na damo na natamo nya sa daan. Kailangan na nyang mapauwi ang anak. Kaarawan nito ngayon.
Tiyak hinihintay na sila ng tinolang manok ng kanyang asawa. Natatanaw na niya ang ilang ilaw ng gasera sa mga iilang bahay ng sitio. Katulad ng kanilang sitio, malayo ito sa sibilisasyong meron ang bayan nila.
Binilisan nya ang paglalakad ngunit bago pa man dumapo ang kanyang mga paa sa malamig na tubig ng ilog na syang pumapagitan sa sakop na lupain ng kanilang sitio ay may naaaninag syang bulto ng tao.
Tahimik ang paligid. Tanging huni ng mga kuliglig at sagitsit ng mga dahon at damo lamang ang kanyang naririnig sa paligid. Ngunit nabaling ang atensyon nya sa naaaninag na bulto. May kalayuan ito sa kanya.
Natatanaw nya ito dahil sa maliwanag na gaserang nagmumula rito.
Sino naman kaya ang isang to?, anang tanong ni Mang Samuel sa sarili. Batay sa nakikita nya, mag-isa lang ito at hindi ito naglalakad papunta sa direksyon nya. Napansin nyang may dala dala ito maliban sa gasera.
Isang sako.
Hindi na lamang pinansin ni Mang Samuel ang nakita. Nagpatuloy sya sa kanyang pakay hanggang sa marating niya ang bahay ng pamangkin ng asawa nya na si Babi.
Naabutan nya ang asawa nito na nanliligpit sa hapag-kainan nila.
Napansin nyang may dugo ang laylayan ng palda nito.Tahimik ito habang nagliligpit. Pakiramdam niya hindi nito napansin ang pagdating niya. Tumikhim siya.
Ngunit hindi pa rin ito kumikibo habang nagliligpit. Tumikhim sya ulit. Subalit parang hindi nito napapansin ang presensya niya.
Akmang hahakbang na palapit si Mang Samuel sa babae ng mapahinto sya ng mapansing may kung anong gumagalaw sa ilalim ng mesa. May mantil na nakabalot dito ngunit hindi ito umabot sa lupa.
Ano kaya iyon? anang tanong ng lalaki sa sarili. Sigurado syang hindi iyon hayop. Dahan dahan siyang yumukod upang makita kung ano iyong gumagalaw.
Ngunit bago pa man niya lubusang makita kung ano iyon laking gulat niya ng humarap ang babae sa kanya.
Nakangiti ito. Kitang kita ang pantay at mapuputi nitong mga ngipin.
"N-Nandito pa ba...si Salde?" Tanong nito Mang Samuel. Hindi sumagot ang babae. Nakangiti lamang ito.
"S-Si Babi?.." Tanong nya uli sa babae. Ngunit hindi ito tumugon bagkus ay bigla na lamang itong humalakhak.
Napaatras si Mang Samuel. Parang kung may anong sumasapi rito. At lalo syang nagulat ng bitawan nito ang mga niligpit na pinggan.
Akmang susunggaban na siya nito ng may biglang humawak sa mga paa nito. Dalawang mapuputlang kamay iyon.
"A-Ano...iyan? B-Babi!" Nagsisigaw si Mang Samuel. Sa lakas ng sigaw niya ay nagising ang ilang nakatulog na kapitbahay at ang mga nakatambay pa sa labas ng kanilang mga bahay.
"D-Diba si...B-Babi..i-iyan?" Tanong ng isang matandang naki-usyuso sa malamig na bangkay ng asawa ni Belinda na si Babi.
Nakalutang ang isip ng babae. Waring kagigising lang nito mula sa isang bangungot. Tahimik itong nakaupo sa gilid ng kanilang hagdan.
Nakatunganga ito sa harap ng bangkay ng asawa.
"B-Belinda? Belinda!" Tawag ng isang babaeng kasing edad lang nito. Ngunit hindi ito gumalaw o umimik.
"Ilipat na natin sa katri." Matamlay na utos ni Mang Samuel sa mga nakaabang na mga lalaki sa bangkay ni Babi. Dahan dahang pinagtutulungang buhatin ng mga lalaki ang bangkay papunta sa kwarto ng mag-asawa upang ilapag ito sa katri.
Ngunit bago pa man nila maipasok ang nasabing bangkay ay biglang nagsalita si Belinda.
"K-Ka..K-Kama.."
"K-Kamata--yan.."
BINABASA MO ANG
Casa del Sorro (Fox Hunt)
Mystery / ThrillerSYNOPSIS: May ilang mga bagay sa mundo na hindi kayang makita ng mga ordinaryong tao lamang. Hindi dahil sa kapos sila sa kakayahan kundi dahil sa hindi angkop ang oras para makita nila ito. May tatlong Sitio sa isang bayan ang nababalitang may kaba...