Chapter 4:The Prince's

1 0 0
                                    

(Anthony's Pov)

Pagkarating naming bahay wala kaming naabutan ,wala kasi sila mama eh, dipa dumating tanging mga kasambahay lang.

"Manang flor pahanda po kami ng makakain kasama ko mga kaibigan ko"

"Sige hijo ,sandali at iinit ko lang tong pagkain niyo"

"Salamat manang ,"

"Oo hijo ,ahh... Asan nga pala ang kapatid mo?"

"Baka nasa taas na manang , di niyo po ba nakita? Eh nauna po yun eh ,kasama niya po yung--- shit!" Bakit ba nakalimutan ko?! diba nauna sila samin?!
Pumunta akong sala tinignan ko sila isa isa ! Wala pa si rafael! Anong ginawa nun sa kapatid ko!? Lagot yun sakin!

"Oh tol? Anong nangyari sayo? Ayos kalang?" Jeff

"Nasan sila rafael? Yung kapatid ko!?" Tanong ko habang iniisip kung nasaan na sila?!

"Ha!? Edi ba nga nauna sila kanina? Tekaaa! Tatawagan ko, wag kang kabahan bro ,ang bakla mo tignan eh! Haha!  Kaibigan natin yun pre ,magtiwala ka naman"
wala akong pakielam! Malalagot ako kila mama neto!

"Ah tol ,malapit na daw sila tsaka may pinuntahan lang rin daw sila saglit ,wag ka daw magalala ,wala daw siyang ginawa sa kapatid mo"    punyetang rafael yan! Mahal ko kapatid ko kahit ganun ako lagi sa kanya. Habang hinihintay ko kapatid ko iniisip ko kung paano ko babanatan yung unggoy kong kaibigan!

"Oy tol! Nandiyan na sila ,tara haha nakoo! Lagot si pareng raf haha" jeff tss! Lagot talaga.

"Kuya, may pinuntahan lang po kami saglit ni raf ,wala po siyang ginawang masama sakin , don't worry okay?" Tss! Mabait tong kapatid ko eh! Pero lamang pa din ang pagiging maldita ,spoiled kasi hays!

"Tumabi ka diyan!"
Bwisit tong raf nato, Ngingiti ka pa ha! Mabatukan nga!

"Araaay! Pre ! Pra san yun!" Tatanungin pa ! Obvious na ngang para saan yun .

"Tss ! Tara!" Aya ko
"At ikaw ha!? Magsabi ka hindi yung nagaalala ako kung nasaan ka!" Napasimangot naman siya pero napangiti din baliw ba tong kapatid ko? " Ang sweet naman ng kuya ko ,i love you na kuya" sabi pa niya habang ang lawak lawak ng ngiti. "Magtigil ka nga ,dahil pag may nangyaring masama sayo lagot ako kila mama!" Singhal ko "eh kuya ,kaibigan mo naman yung kasama ko eh! Tara na kuya ,gutom nako" kala mo cute may pa pout pout pang nalalaman.

"Oh hija, saan ka ba nagpuntang bata ka? Sobrang nagaalala ang kuya mo eh!" Manang naman anong sobra?

"Kaya nga po manang eh haha!" Tss magsama kayo.

"Tol san mo ba kasi dinala si louie? Haha eh kung nakita mo lang pagmumukha ni pareng anton kala mo mambubugbog eh hahaha!"

"Ah talaga jeff? Gusto mo sapak ha!? Tsaka anong anton!? Pakyu ka pre,wag mokong kausapin!" Badtrip tong mga to!

"Hahaha pareng anton ,totoo naman eh hahaha" justin, isa pa to

"Khael ang tahimik mo ah? Napipi ka na ba diyan? Hahaha" oo nga, anong nangyare dito?

"Wala, kumain nalang kayo ,nagmumurahan kayo sa harap pa ng pagkain" woah!

"Naks! Haha ipagpala ang lalaking ito! Hahaha" mark, nagsitawanan ang lahat.

"Ang lalakas ng tama niyo! Kumain na nga lang kayo!" Napatingin ako sa kapatid ko.

"Gel, bake ka nga mamaya at patikimin mo tong mga hampaslupa kong mga kaibigan!"

"Okay, dalhin ko nalang sa practice room niyo mamaya" nice ! Hahaha swerte ko talaga , talented ng kapatid ko.

"Marunong ka? Lahat nalang kaya mong gawin ah? Paturo ako ah?" Rafael ,abat!

Hanggang sa muli (#01)Where stories live. Discover now