[ Clover's POV]
" The table is now open for the nomination of Secretary."
Nakapangalumbaba ako at parang nananaginip na nakatingin sa taong nasa harap ngayon.
Ang gwapo gwapo niya at pati boses niya nakakainlove. Bawat galaw niya sinusundan ng mata ko.
Siya ang President namin. Siya si Jo Youngmin. Ang mapapangasawa ko at makakasama ko habang buhay. Ang magiging tatay ng isang dosena kong anak.
" CLOVER JEON!!!"
Napabalik ako sa katinuan nang marinig ko ang sigaw ng Vice President namin na di hamak na mas maganda ako. Nase-sense ko kasi na may feelings to sa hubby ko eh! Untog ko to sa muscles ko makikita niya!
" Yes Mrs. --- este Ms. Vice President?"
" Are you with us? Alam mo bang boto mo na lang ang hinihintay? You're not cooperating! Stop daydreaming okay? Mukha kang lutang."
" Nagde-daydreaming nga diba? Malamang lutang. Okey keyo Ms. Vice President?"
Narinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko.
" Quiet! That's enough Ms. Jeon!"
Naitikom ko naman ang bibig ko dahil sa sinabi ni hubby.
" Sorry love."
Naghagikhikan naman sila at nakipag-apir pa ako sa katabi ko. Kilalang-kilala na kaya ako sa school na saksakan ng pilya. Kaso isa lang naman ang nagpapatiklop sakin eh. Alam kong kilala niyo na siya.
" Is there any nominations?"
Nagtaas ako ng kamay kaya napatingin sakin si hubby.
" Yes Ms. Jeon?"
Tumayo ako.
" Correction po Mr. President. It's Mrs. Jo po."
Napakunot ang noo niya sa sinabi ko.
" You're wasting our time Clover! Magno-nominate ka ba o hindi?!"
Luhhhh!!! Galit na si Hubby! Mas lalo lang akong naiinlove sa kaniya.
" I nominate myself to be your first lady, Mr. President."
Napuno nang palakpakan ang room sa sinabi ko.
" Yuck!!! Hindi ka ba nandidiri sa mga pinagsasabi mo Clover? We're not talo you know? Gusto ko kaya ng lalaki. Same tayong gurl Clover. Masuka ka naman."
Yes po 😢. Bakla si Hubby. Halos 4 years ko na siyang classmate. Simula grade 11 at na love at first sight ako sa kaniya na mas lumalim ngayong 4th year college na ako. Nitong year lang ako naglakas loob na iparamdam sa kaniya ang nararamdaman ko dahil hindi ko na mapigilan.
Mahirap din dahil dalawa iyong pinagseselosan ko. Babae na umaaligid sa kaniya at lalaki na inaaligidan niya.
" Bakit ayaw mo sa offer ko? Marunong naman akong maglaba, magsaing, magluto, magmasahe, mandilig ng halaman, mamunot ng kabute, mang-araro ng kalupaan, magtanim, manganak, magpadede, magpa------"
" Hep!!! Sorry ka na lang gurl! Di ka lalaki."
Naikuyom ko ang kamay ko sa inis.
BINABASA MO ANG
Possibility (COMPLETE ✔)
FanfictionThey both fell in love. SHE fell in love with HIM. HE fell in love with HIM. You're right, she fell in love with a gay.