Chapter 8 ☘💋

44 5 1
                                    

[ Clover's POV]

Pangisi-ngisi na pumasok ako sa loob ng bahay. Parang lumilipad ako sa ere. Sobrang saya ng pakiramdam ko.

" Kimberly? Mukhang naging alien na tong si Clover."

Napatingin ako sa dalawa na katabi ko pala sa sofa.

" Kanina pa kayo diyan?"

" Tapatin mo nga kami clover. Nagda-drugs ka ba? Rugby? Katol?"

Gulat na napatingin ako sa kanila.

" Mapanghinala kayong mga kaibigan ah?!"

" Parang high ka kasi eh. At teka?! Kailan ka pa natutong maglipstick?" - Jessa.

Napatakip ako sa bibig.

" Lakas ng loob na maglipstick, lagpas lagpas naman."

Dinilaan ko lang si Kimberly.

" Di ako gumagamit ng lipstick no para magmukhang maganda. Natural na maganda na ko no."

" Tara na nga Jessa. Mukhang gutom na ako eh."

" Oy! Di kayo mabiro. Galing tong lipstick kay hubby."

" Natanggap mo na ba talagang bakla siya at pati ikaw nagpamake-up na sa kaniya?"- Kimberly.

" Hindi no. Kinuha niya first kiss ko!"

Napanganga sila.

" Anong siya?! Hindi kapani-paniwala . Lokohin mo kami Clover. Ikaw ang humalik sa kaniya no?!"

" Oo. Pananagutan ko naman siya."


Natatawa na lang ako habang tinitingnan sila. Mukhang kukulot na ang buhok ni Kimberly at tutuwid naman ang kay Jessa dahil sa konsumisyon sakin.

Sinermunan nila ako dahil sa kapilyahan ko. Pinalabas ko na lang sa kaliwang tenga ko ang mga sermon nila.




Kinabukasan , pumasok ako ng room na fresh na dinaig pa ang nakatulog ng 8 hours kahit na ang totoo ay 4 hours lang ang tinulog ko.

Papasok na sana ako ng may sumigaw.

" Diyan ka lang sa labas! Huwag kang papasok magnanakaw!"

Napabunghalit ako ng tawa dahil sa pambungad sakin ni hubby. Inaalo siya ng mga kaberks niya at siya naman itong aping-api.

" Hubby don't worry. Pananagutan ko naman ang nangyari satin eh."

Nagsinghapan ang mga kaklase ko na absent yata kahapon.

" Magnanakaw kang manyakis ka! Don't you dare come near me!"

" Bakit? Diba pwedeng lumapit sayo pag magpapasa ng files?"

" Edi magpapasa ka sa classmate natin. I hate you Clover! Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo. Alam mo bang ilang mouth wash ang nagamit ko para makalimutan ka?!"

" Wrong move. Kahit anong gamitin mo di yan mawala wala. Ako kasi ang tipo ng babae na hindi mo makakalimutan."

Possibility (COMPLETE ✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon