[ Clover's POV]
" Grabe Clover!!! Trending na sa social media ang sagutan niyo ni hubby mo."
Oo, di ko alam na may kumukuha na palang video samin at inupload to sa Facebook. Madami ng views, comments at shares.
" Madaming nagtataka kung bakit nireject mo si Youngmin. Maybe wala silang idea na nagka amnesia ka kuno kaya nagulat sila na inichapwera mo si hubby mo."
Tahimik lang talaga ako kasi hindi pa din ako maka move on sa confession ni hubby.
Yes!!! Success!! Nahulog na din siya sa alindog ko.
" Gosh!!! Dream come true!!!"
Di ko namalayang nagpagulong-gulong na ako sa sahig.
Yung puso ko sobrang bilis ng tibok dahil sa saya at hindi na maalis ang ngiti sa labi ko.
" Eh kaso may pa ' lalaki ang gusto ko' ka pang nalalaman?"- Jessa.
" Kasi nga dalagang Pilipina yeah ako diba? Kaya kunting pakipot muna."
" Dalagang Pilipina? Eh diba nga may plano kang gahasain si hubby mo?"- Kimberly.
" Di na yan gahasa pag naging kami na."
Tinawanan lang nila ako. Hindi umuwi si hubby dito at doon siya muna sa boarding house niya natulog.
Kinabukasan , maaga akong pumasok ng school. Himala at wala pa si hubby.
Okay lang ba siya?
Mukhang wala din naman ng 1st a subject teacher namin kaya nagbasa na lang ako ng Manga.
" Oh My Gosh!!!"
" Hala! Ang gwapo!
" Shemmss!! Lumuwag yata panty ko."
" Magugunaw na ba ang mundo?"
" Nananaginip ba tayo?"
Rinig kong singhapan at bulungan ng mga kaklase ko.
Nakita kong may dalawang pares ng sapatos ang tumigil sa harap ko.
" Clover"
Nag-angat ako ng tingin at literal na napanganga ako sa nakita.
Si hubby!!!
Wala na yung mahaba niyang blonde na buhok na hanggang balikat. Panglalaki na ang buhok niya at ni walang kolorete sa mukha. Wala nang fake eyelashes, lipstick, eyeliner, blush on, hikaw at kwintas.
Bumaba ang tingin ko sa suot niya. Panlalaki na ang damit at pantalon niya.
Lalaking- lalaki talaga!!!
Ang gwapo!!!!
" A-Anong nangyari s-sayo?"
" Diba sinabi mo na lalaki ang gusto mo? Kaya heto, ginawa mo akong lalaki. Sisiguraduhin ko ngayon na ako naman ang gagawa ng paraan para mapasakin ka."
Hindi na ako nakaatras nong nilapit niya ang mukha niya sakin at ninakawan ako ng halik sa labi.
" Pananagutan kita, Clover."
Naestatwa na ako sa kinauupuan ko at parang tumigil ang paligid.
BINABASA MO ANG
Possibility (COMPLETE ✔)
Fiksi PenggemarThey both fell in love. SHE fell in love with HIM. HE fell in love with HIM. You're right, she fell in love with a gay.