[ Clover's POV]
Nakasubsob ako ngayon sa dibdib ni hubby habang hinahaplos niya ang buhok ko.
Tsk! Tsk! Naka baby bra siya! Daig pa ako.
" I-I'm worried, Clover."
Ngayon ko lang narinig ang ganitong tono ng boses niya. Yung puno ng pag-aalala at walang halong kalandian.
" I'm okay."
" Really?"
Tumango ako. Mas hinigpitan ko ang pagyakap sa kaniya na siyang ikinasinghap niya.
Ano kaya ang pabango niya? Sobrang bango niya eh.
" What if doon muna ako magse-stay sa inyo?"
Namilog ang mata ko sa sinabi niya.
" Anong ibig mong sabihin?"
" You know, lilipat muna ako sa inyo para na rin matutukan kita sa lessons at para hindi na ako m-mag-aalala kung sumakit ang ulo mo."
" Seryoso ka ba? Why are you doing this? Sino ba ako sa buhay mo para mag-aalala ka ng ganito sakin?"
Iniwasan niya ang tanong ko at pinaandar ang sasakyan.
" Bakit hindi mo sinasagot ang tanong ko?"
" I just want to help you okay?"
Nakangusong itinuon ko na lang sa daan ang tingin ko.
Nakarating kami sa bahay at pinagbuksan niya ako ng pinto.
" Bukas na bukas lilipat ako dito. Sige, get inside na."
Tulalang pumasok ako ng bahay.
Nadatnan ko si Kimberly at Jessa na nanonood ng TV.
" Nakauwi ka na pala."- Jessa.
Pinatay ko ang TV at umupo mismo sa gitna nila.
" Di ko alam kung ready na ako."
" Ready sa?"
" Ga-graduate na din naman ako kaya pwede na."
" Anong pinagsasabi mo diyan , Clover?"- Kimberly.
" Ready na ba kayong maging ninang?"
" Anong ninang?! Buntis ka?!!"
Guilty na nilingon ko sila.
" M-Mabubuntis pa lang."
Napanganga si Kimberly at napahawak sa sentido si Jessa.
" Masasapok kita Clover!"- Kimberly.
" Eh kasi sinabi sakin ni hubby na bukas na bukas dito na daw siya muna titira. Siyempre ibabahay niya na ako. Kahit na magkaiba kami ng room hindi 100% sure ba hindi niya ako gagapangin. Paniguradong matutupad na yung isang dosena o higit pang anak namun. What should I do?! Magpa-family planning na ba kami?!"
Inabot ni Jessa ang isang pitsel na iced tea at basta nalang to nilagok.
Si Kimberly naman ay napaluhod na sa sahig at pinagsiklop pa ang dalawang palad na parang nananalangin.
" Maghunos-dili ka Clover. Napaka advance mong mag-isip. Di kayang i-predict ng mga expert."
BINABASA MO ANG
Possibility (COMPLETE ✔)
FanficThey both fell in love. SHE fell in love with HIM. HE fell in love with HIM. You're right, she fell in love with a gay.