Chapter 2 ☘💋

64 5 1
                                    

[ Clover's POV]

" Gurl! Na sighting mo ba kanina yung transferee na papables doon sa Engineering department?"

" Hindi pa gurl eh?! Gwapo ba?! Feel mo siya na magiging future ko?"

Napasimangot ako sa sinabi ni hubby. Nakita ko kanina yung transferee pero di naman kagwapuhan. Mukhang pwet ng ng kaldero. Mas gwapo pa yata ako don kung maging lalaki ako.

Wait...

Magugustuhan kaya ako ni hubby kung maging lalaki ako?


" Hep!!! Sorry ka na lang gurl! Di ka lalaki."

Napangisi ako ng maalala ko ulit ang sinabi ni hubby.

10 minutes ng late ang teacher namin kaya okay lang siguro na umuwi ako.

Napatingin sakin si hubby nang madaanan ko siya.

" Saan ka pupunta? May klase pa tayo Jeon."

" Uuwi na ko hubby sa bahay natin. Baka gutom na don mga anak natin. Ingat ka sa pag-uwi mamaya ah? Diretso agad sa bahay."

Parang aabot na sa bubong yung pagtaas ng kilay niya.

" Umalis ka sa harapan ko Jeon at baka masabunutan kitang babaita ka!"

Natatawang nag flying kiss muna ako sa kaniya bago kumaripas ng takbo pero malapit na sana ako sa pinto ng bigla akong nag swimming sa sahig.

" Karma is a bitch."

Narinig ko pang sabi ni hubby.

Inis na bumangon ako at tiningnan ang naapakan ko. Balat ng saging.

" Sinong kumain nito?!"

Napatingin ako kay Vice President nang tumayo siya.

" Ako. Bakit?!"

" Ayyy sorry ah? Akala ko kasi may baguhang unggoy sa room natin. Ikaw parin pala? Sana man lang kasi marunong kang magtapon sa basurahan no?"

" Kasalanan ko ba kung tatanga-tanga ka at di mo nakita na may balat ng saging sa dadaanan mo?"

Pinulot ko ang balat ng saging at pinagmasdan.

" Deserve mong matapon sa tamang lalagyan."

After ko itong kausapin agad na hinagis ko to sa mukha ni VP.

" 3 points for Clover Jeon!!!"

Nag fighting pose pa ako bago kumaripas ng takbo. Siguradong umuusok na naman ang ulo ng organizer unggoy na iyon.



Hinihingal na tumigil ako sa tapat ng salon ng best friend ko.

" Anong nakain mo at napunta ka dito dahon?"

Nagsalubong ang kilay ko sa tawag niya sakin. Siya lang talaga ang tumatawag sakin ng dahon dahil obviously dahon ang Clover .

" I need you bakla."

" Maka I need you! Di tayo talo girl!"

" Gusto mo masuntok?"

" Brutal forever!"

Possibility (COMPLETE ✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon