Chapter 5 ☘💋

45 5 1
                                    

[ Clover's POV]

" Seryoso ka Peachy? Dito ka na mag-aral?"

Dinala niya ako dito sa kainan sa labas ng school at di na ako tumanggi lalo na at grasya ang pinag-uusapan.

" Siyempre hindi. Malalagot ako kay Mom at Dad."

" Siraulo. So anong trip mo at nandito ka?"

" Namiss nga kita eh. Gusto kitang makasama."

" Corny mo. Kumain ka na nga lang."

" May boyfriend ka na ba Clover? At bakit ganyan kaikli ang buhok mo? Para kang si Minwoo ng BOYFRIEND."

" Bored ako sa bahay. Maganda pa din naman ako diba?"

" Oo, always maganda ka naman sa paningin ko. Papasa ka ding gwapo."

Pabiro ko ngang kinurot sa braso. Napatigil kami sa pagkukulitan ng makarinig kami ng tikhim.

" Hubby? Anong kailangan mo? Hindi ako nagtataksil sayo ah? Ito pala si Peachy, kababata ko."

Tinanguan niya lang si Peachy at hinarap ako.

" Clover? Sasali ka ba sa solo pop song? Ikaw na ang sinuggest ng mga kaklase natin na maging representative."

" Manonood ka ba?"

" Malamang! Bilang president niyo, ako ang mag-aasikaso sa inyo sa event."

" Sige! Sasali na ko! Basta cheer mo ko hubby ah?!"

" Tss! Oo na. Aalis na ko."

" Goodbye hubby!"

Nakangiting binalik ko ang atensyon ko sa pagkain.

" Gusto mo ang bakla na iyon , Clover?"

" Hala?! Kasama pala kita Peachy no? Oo, yun iyong magiging future ko. Balang araw mapapainlove ko din siya."

" Mukhang mahihirapan ka diyan ah? Nandito naman ako? Bakit siya pa?"

" Ayan ka na naman Peachy eh. If I know may naiwan ka dong girlfriend sa school niyo."

" Wala kaya. Sayo lang kaya ako loyal."

" Ewan ko sayo. Bilisan na natin dahil may last period pa akong papasukan."

After naming kumain, nagpasalamat ako sa pag bisita at pag libre sakin ni Peachy.

" Bumisita ka ulit dito Peachy ah? Dapat kasama mo na girlfriend mo."

" Mapanakit ka talaga Clover! Ingat ka lagi dito ah? Goodbye."

" Babye Peachy! Ingat ka!"

Nakangiting tinungo ko ang room namin at nagulat pa ako kay hubby na nakabantay sa pinto.

Tinaasan niya ako ng kilay at pagkatapos ay padabog na bumalik sa upuan niya.

Anong problema non?

Possibility (COMPLETE ✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon