ONE: Song request

15 0 0
                                    

JHAYNE ALLISON POV's

-----------

''Ma'am Jaja! Andyan na naman si Ma'am Vernal.'' si Shane, halos hinihingal pa ito nang pumasok ng office ko.

Napabuntong hinga ako. ''Lasing na naman ba?''

''Oo e, nagwawala na naman sya sa baba.'' agad naman ako tumayo. ''Kung gusto mo, magpapatawag na lang ako ng security?'' bakas sa mukha niya ang pag aalala.

''Hindi na, salamat. Pupuntahan ko na lang.''

''Sigurado ka?'' tumango ako at matipid na ngumiti.

Agad kong tinahak ang elevator, pinindot ko ang one, nasa 15th floor kasi ako. Exclusive para sa mga top staff ang elevator na yun. Napatulala ako habang hinihintay makababa ang first floor.

Nararamdaman ko na naman ang pananakit ng dibdib ko, ang sakit na paulit ulit bumabalik saken. Hindi ko na maalala kung ilang beses na ba akong sinugod dito ng mommy ni Jacob para lang paulit ulit na sisihin ako sa pagkawala ng nag iisa niyang anak. Jacob.... Agad akong pinangiliran ng luha nang maisip ko na naman siya. Si Jacob na boy friend ko, si Jacob na mahal na mahal ko. Nanikip ang dibdib ko s sobrang sakit na nadarama ko. Nang bumukas ang pinto, agad kong pinunasan ang mga luhang dumaloy sa pisngi ko.

Malayo palang ako naririnig ko na ang pagsisigaw niya at paglulupasay niya sa sahig habang pinipigilan siya ng mga security.

"Leave me alone!!! I want to talk to Allyson!!!" napabuntong hininga ako sa nakita ko. Alam kong hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya, bilang ina hindi madali makalimot kahit pa ilang taon na ang lumipas. Naiintindihan ko siya, naiintindihan ko ang galit niya, yung sakit, dahil kahit ako ay yun ng nararamdaman ko.

"Tita, halika na po kayo. Ihahatid ko na po kayo sa bahay nyo." sabi ko nang makalapit sa kanya. Akma ko siyang tutulungan para tumayo pero tinulak nya lang din ako. Dalawa na kami ngayong nakaupo sa sahig.

"Tang ina mo Ally! Putang ina mo!!! Dahil sayo!!! Dahil sayo nawala ang anak ko! Kung hindi ka sana nag inarte nang gabing yun, buhay pa sana ang anak ko!!! Hayop ka!! Kasalanan mo to!" hagulgol niya, maya maya pa'y bigla niya akong sinugod at pinagsasasapak. Napayuko ako, hindi ako lumaban. Manhid na manhid na ang katawan ko sa lahat ng sakit na nararamdman ko. Halos dumugo na ang labi ko dahil sa pagkagat ko para pigilan ang mga luhang gusto na namang tumulo pero nabigo ako. Nabigo ako dahil eto at umaagos na naman ang mga luha sa mga pisngi ko.

Hindi ako makapalag sa ginagawa niya kahit pa paululit ulit na niya akong sinisipa, sinasabunutan, sinasapak. Hindi ko kaya kasi totoong ako nga ang may kasalanan at hanggang nayon pinagdurusuhan ko pa din yun.

Naramdaman ko nalang na wala ng humahampas saken. Naawat na siya.

"Dapat ikaw nalang ang namatay! Hayop ka!Ikaw dapat yun! Dinamay mo pa anak ko! Gi to hell!!!"

"Ma'am tama na po. Umalis na kayo. Nakakagulo na po kayo." awat ng security

"Bitawan nyo ako!! Ano ba! Sinabi nang biyawan nyo ako!!! Aalis ako!" hindi pa din ako nag aangat ng tingin, hinahayaang patuloy na dumaloy ang mga luha ko. "Eto tandaan mo Allyson! Hinding hindi ka magiging masaya!!! Sinusumpa ko yan!" umalingawngaw ang sigaw niyang iyon sa lobby area. "Bitawan nyo sabi ako eh!!!" kasunod ang malalakas at matutulin ng tunog ng takong.

"Ma'am, ayos lang po ba kayo?" agad sabi ni Shyne nang makalapit sakin. Pinunasan ko ng mga luhang bumalatay sa mga pisngi ko. Naramdaman ko ang pagtulong niya saken para makatayo. "Hanggang ngayon ba naman hindi pa din siya nakakamove on? Aba tatlong taom na yun ah! Pano na naman ba kasi nakapasok yun dito?" inis na sabi niya.

EVERYTHING IN YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon