Seven: Decided

11 0 0
                                    

-----

You know I'd fight for you
But how I can fight someone who isn't even there

I've had the rest of you now I want the best of you
I don't care if that's not fair

Cause I want it all
Or nothing at all

There's no where left to fall
When you reach the bottom it's now or never

Nagising ako sa pamilyar na boses, kumakanta siya. Hindi ko napigilang idilat ang mata ko.

Nalaglag ang panga ko nang makita ko si Sam, nakatalikod siya saken, mukhang nagluluto siya at napagtanto kong wala siyang suot na pang itaas na damit. Bigla akong pinamulahanan ng mukha, naalala ko ang nangyari kagabi na hanggang ngayon sariwa pa sa ala ala ko. Napatikhim ako dahilan para mapatigil siya sa pagkanta.

Lumingon siya sa akin, nagulat siya nang makitang gising na pala ako. Halos matawa pa ako kung pano siya mataranta, hinanap niya ang damit na para bang hindi niya maalala kung san niya iyon nailagay. Nang maisuot niya muli siyang bumalik sa ginagawa.

"Kanina ka pa bang gising?" hindi siya makatingin saken. Napakagat ako ng labi, sobrang cute niyang tingnan sa kinikilos niya.

"Medyo. Anong niluluto mo?" hindui ko alam na maluto pala siyang magluto.

"Tinola. Para sana makahigop ka ng sabaw." naamoy ko nga ang mabangong amoy ng tinola. Parang bigla akong nagutom.

Matapos ang ilang sandali, inihain na niya sa mesa ang pagkain. Magkaharap kaming umupo sa tapat ng mesa.

"Wala ka bang trabaho?"

"Meron pero mamayang hapon pa. Pag uusapan namin yung panibagong event na gaganapin sa isang Sm Manila."

"Wow talaga? Kailan yan?" gusto kong manuod. Nung last time na napanood ko siya, lasing ako kaya hindi ko naenjoy eh.

"Mga next week? Ipagrereserve kita ng VIP ticket, manood ka ha."

"Sure! Update mo ako." kita kong kumislap ang mga mata niya.

"Kumain ka na."

"Okay. Maghahanda pa kasi ako pagpasok."

"Papasok ka? Diba kahapon lang inaapoy ka ng lagnat? Hindi ka papasok, magpahinga ka muna." halata sa tonong naiinis siya. Wow lang ha. Lakas maka jowa.

"Tengga na ang trabaho ko, may meeting ako bukas na kailangan kong puntahan." nagtitigan kami pero bumuntang hininga na lamang siya nang mapagtantong hindi magbabago desisyon ko.

"Fine. Ihahatid kita at susunduin okay?" mabigat ang loob niyang sabii, tumango ako.

Gaya ng napag usapan hinatid niya ako sa trabaho. Nagpasa muna ako ng leave letter bago nagtungo sa office ko.

"Okay na yan lahat ma'am Jaja. Irerecap mo nalang para sa meeting bukas." ani Shayne.

"Okay, salamat."

Nagkulong lang ako sa office hanggang matapos kong pag aralan ang mga files. Inayos ko na iyon sa isang folder. Napahawak ako sa sintido ko, bahagya ko pa yung hinilot. Nabigla ata ako. Biglang tumunog ang cellphone ko.

-Sammy-

Nandito na ako sa labas, katatapos lang ng meeting namin. Hihintayin nalang kita dito sa baba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EVERYTHING IN YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon