-------
Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Badya pa akong nasilaw nang buksan ko ang mga mata ko.
Napatigil ako, parang hindi naman ito ang kwarto ko. Agad akong napabangon, Syomay! Nasa Batangas nga pala ako. Pinagmasdan ko ang paligid. Maliwanag na, bukas na din ang bintana at panay ang sayawan ng mga kurtina dulot ng malamig na hanging gustong pumasok sa kwarto. Tumingin ako sa kama ni Sam, wala na siya dun. Umupo muna ako sandali nang maoansin ko ang kakaibang tunog.Mabilis akong tumayo para pumunta sa bintana, muli na naman akong napamangha nang makita kung ano ang nasa labas. Dagat! Isang maaliwalas na karagatan ang tumambad sakeb, payapa ang alon na humahampas sa dalampasigan at may mga ilang mga ibon ding nagliliparan.
Naramdaman ko nalang na sumisinghot na pala ako. Umiiyak na naman ako. Pathetic. hindi ko maipalawanag ang nararamdaman ko, halo halong emosyon. Masaya ako, sobrang saya dahil ngayon na lang ako muling nakatanaw ng dagat. Matagal kong iniwasan ang dagat ngunit hindi ko maikubli ang lungkot na nadarama ko dahil tanging si Jacob lang ang naaalala ko.
Napapikit na naman ako. Hindi ko na naman mapigilang masakatan, lumuha. Simula nang mawala siya, binuhay ko ang sarili ko sa walang humpay na pagluluksa. Hindi na ako muling namasyal sa kung saan saan dahil tanging mga ala ala lang ni Jacob ang nakikita ko. Na syang lalong nakakapagpadaragdag sa sakit ng puso ko.
"Jaja, are you okay?" pamilyar na boses niya ang narinig ko at ang mga kamay niyang nakahawak sa balikat ko ang naramdaman ko. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko, nag aalalang mukha ni Sam ang bumungad saken.
"Sam...." bago pa ako makapagsalita, niyakap na niya ako ng sobrang higpit.
"Shhh... Iiyak mo lang. I'm here okay? I can always listen if you want." aniya sa namamaos na boses.
Tuluyan nang kumawala ang mga luha kong nag uunahang dumaloy sa mga pisngi ko. Halos sariling hagulgol ko nalang din ang naririnig ko sa kwartong iyon. Sa wakas, may taong handa akong makitang nasasaktan, may taong hinayaang dumaloy ang mga luha ko, may taong nakikinig sa iyak ko. Iyak na pilit nilang gustong ikubli ko, iyak na tanging pag nalalasing lang ako naibubuhos lahat. Pakiramdam ko, may taong ngayon lang nakisimpatya sa nararamdaman ko habang pakiramdam ko na ang buong mundo ay sinisisi ako sa pagkawala ni Jacob. Na para bang hindi din ako nasasaktan.
----
"Bumili ako ng ice cream, para lumamig ang pakiramdam mo." nakangiting inabot iyon saken ni Sam. Ngumiti din ako ng bahagya at kinuha iyon.
"Salamat." pinagmasdan ko ang mapayapang paligid, nandito kami ngayon sa isang kubo malapit sa dagat. Masarap ang pakiramdam na niyayakap ako ng malamig ng simoy ng hangin na galing sa dagat na iyon.
Mahapdi pa din ang mga mata kong namumugto dulot ngatinding pag iyak ko knina. Kinain ko na ang ice cream, ramdam ko ang mga matang niyang pinagmamasdan ako.
"Since makita kita sa bar na yun, umiiyak pakiramdam ko nararamdaman ko ang lalim ng sakit na pinagdaraanan mo." nilingon ko siya pero siya naman ang bumaling sa dagat. Hindi ako nagsalita. "Akala ko yun na yung una at huling beses na makikita kitang umiiyak, pero sa tuwing pupuntahan na kita para sana lumabas madalas nakikita kitang tulala, lumuluha. Pero hindi ko inaasahang hanggang dito pala mapapaiyak kita." kita ko ang lungkot sa mukha at mga mata niya, "Gusto ko lang namang makitang sumaya ka, nakangiti ka, pero bakit parang ang hirap hirap?" mababakas sa mukha niya ang sinseredad sa kanyang sinasabi. Muli siyang lumingon saken, "Sorry Jaja, hindi na lang sana kita isinama dito." mabilis naman akong napailing.
"Hindi mo kailangang magsorry. Naiintindihan ko ang motibo mo. Ako yung may problema. Nagpapasalamat ako kasi dumating ka, pakiramdam ko may sumagip sakeb sa pagkalunod ko sa kalungkutan. Gumaan ang pakiramdam ko." ngumiti ako. Sincere ako nang sabihin ko sa kanyan yun. "Salamat."
![](https://img.wattpad.com/cover/219739234-288-k337803.jpg)
BINABASA MO ANG
EVERYTHING IN YOU
FanficJHAYNE ALLYSON It's been a years but still the pain was still in her heart. How can she forget the face of her boyfriend knowing that he's dying in front of her due to car accident? SAMMUEL He's a singer who love to sing. Having a girlfriend was not...