------
Ilang araw na ang lumilipas, pero walang Sam ang tumawag at nagtext saken. Malamang nga tinitrip nya lang talaga ako, or baka naawa lang siya saken kaya nya nasabi iyon.
Nagpatuloy ako sa trabaho, nagpapasalamat nalang din ako dahil hindi na muling nanggulo sa company si tita Vernal. Maraming meeting akong inasikaso. Pero hindi ko mawari pero bigla bigla nalang sumusulpot si Sam, hindi mam sa harapan ko pero makikita ko nalang siya nag geguest siya sa isang show na pinapanood ko. O kaya naman ay maririnig ko ang kanta niya sa radyo or minsan lumilitaw pa ang bagong cover niya sa youtube. Well busy nga siyang tao.
Tama na rin ito, ayaw ko namang isipin ni Jacob na porket wala na siya eh nagtataksil ako sa kanya. Napatingin ako sa frame na may picture naming dalawa, parehas kaming nakangiti, makikita talagang inlove kami sa isa't isa. napabuntong hininga ako. Kung sana nandito ka, isasama kita sa date namin.
"Ma'am Jaja, may bisita po kayo sa baba." napakunot ang noo ko. Ang alam ko wala na akong appointment today ah.
"Sino?''
''Sam po." napasinghap ako nang marinig ang pangalan niya.
''Okay. Susunod ako.'' binitiwan ko ang frame, binalik ko iyon sa dating pwesto. ''Hindi ka naman magagalit Jacob di ba?'' biglang tumunog ang phone ko.
0956×××××××
I'm waiting. 😊
Napaayos na lamang ako ng upo. Saglit akong nagretouch pagkuwa'y tumingin akong muli sa picture naming dalawa.
Nadatnan ko siyang nakaupo sa isa sa mga sofa sa lobby, nakapandekwatro ng upo, nagbabasa ng magazine. Halos di ko agad siya nakilala dahil naka long hair siya hanggang balikat tapos may konting bigote at balbas. Napatikhim ako, agad siyang umayos ng upo nang makita ako at muling ngumiti.
''Sorry di na kita naitext. Para sana wala ka ng palag.''
Nagkibit balikat ako. ''Its okay. Tara na.'' Tumango naman siya at mabilis tumayo. ''Anong trip mo? Bakit ganyan ayos mo?''
''Mahihirapan akong idate ka kung maraming magpapapicture saken. Baka mabadtrip ka. So nag disguise nalang ako.''
''Ah..'' tatango tango kong sagot. Bagay naman sadyang nagulat lang talaga ako.
''Tara na.'' nakangiti niyang sabi. ''By the way, magpahatid nalang tayo sa taxi.'' hindi na ako nagtanong. It's just a simple date I guess at mabilis lang naman to. Pag katapos ng araw na ito at nakuha ko na ang wallet ko, pupunta agad ako sa puntod ni Jacob para humingi ng tawad sa pagtataksil na nagawa ko.
''Jaja, wake up. We're here.'' naramdaman ko ang tapik ni Sam. Napadilat ako ng mata, di ko namalayang naka idlip na pala ako. Mabilis kong kinuha ang sling bag ko at bumaba ng taxi.
Halos mapatalon pa ako nang makarinig ako ng malakas na tunog at dahan dahang lumalakas ang hangin. Mabilis hinanap ng mata ko ang pinagmumulan ng ingay na yun.
Halos malaglag ang panga ko nang tumambad ang isang helicopter. Napalingon ako nang maramdaman kong may humawakw at pumisil sa kamay ko. Maganda ang pagkakangiti ni Sam habang naka kagat sa ibabang labi niya.
Kumunot ang noo ko. Bakit may helicopter? Akala ko ba magde date kami? San ba kami pupunta? Naguluhan ako bigla.
"Pupunta tayong Batangas, mga tatlong araw siguro tayo dun." nakangiting sigaw niya, napansin siguro niyang hindi ako umiimik at nakatingin lang sa kanya, naguguluhan.
"Wait! What? Tatlong araw?" sigaw ko din s kanya sa gulat. Pero imbis na sumagot ay hinila nya lang ang kamay ko. Ako naman ay parang nawalan ng lakas kaya nagpatianid nalang ako sa kanya hanggang makasakay na kami sa loob. Sa likid kaming dalawa nakaupo, hindi ko na sinubukan mag salita dahil ayaw kong sumigaw, masyado kasing maingay.

BINABASA MO ANG
EVERYTHING IN YOU
FanfictionJHAYNE ALLYSON It's been a years but still the pain was still in her heart. How can she forget the face of her boyfriend knowing that he's dying in front of her due to car accident? SAMMUEL He's a singer who love to sing. Having a girlfriend was not...