Two: We meet Again

12 0 0
                                    

-----------

''Please Babe, pakinggan mo naman ako!!!'' si Jacob, pilit niyang hinahablot ang braso ko pero binabawi ko din agad.

"Leave me alone Jacob! Sapat na yung nakita ko, kung gusto nyo pala ang isa't isa, king ina nyo magsama kayo! Mga hayop!" Walang kasing tindi ang sakit na nararamdaman ko ngayon, hinayaan ko lang ang mga luha kong umagos at kumawala. Ang sakit isipin na makikita ko silang magkasama sa kwartong iyon, mas worst, magkapatong pa ang mga punyeta!Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko, madilim na masyado ang lugar pero hibdi ako nagpapatinag, hindi ako natatakot. Nagawa ko ngang buksan ang kwarto ng motel na yun, yung madilim pa kayang lugar? Mga impakto talaga!

"Babe please, let me explain! Mag usap tayo. Please!!" ramdam na ramdam ko ang frustration niya.

"Explain your ass!!!"

"Fine Babe! Hahayaan na muna kita, di na kita pipilitin makinig muna but please, bumalik na tayo dun. Lam kong takot ka sa madilim n lugar at mukhang delikado na din dito. Please ihahatid na kita."

Huminto ako sa paglalakad, medyo maliwanag ang buwan, hindi pa naman kabilugan pero may konting liwanag n itong naibibigay sa madilim na lugar na iyon "Pwede ba Jacob! Kung sana sinabi mo nalang diba? Kung sana sinabi mong siya pa din naman pala, palalayain naman kita eh. Hindi naman ako tanga oara ipagkait sayo yun. Hindi naman ako tanga para ipilit ang sarili ko sayo. Ganun kita kamahal eh! Mahal na mahal kita! Pero punyeta lang, mas pinili mong warakin ako matapos kong gamutin ka dahil sa sakit na dulot ng babaeng yun sayo!"

"Lasing ako! Hindi ko alam ang nangyayari."

"Lasing?" napatingala ako at mapaklang ngumiti pagkuway tiningnan siya ng deretso sa mata. "Pathetic reason. Lasing pero nagawa pang pumatong? Tama na Jacob, hanggang dito nalang tayo. Kung siya ang mahal mo, balikan mo na siya. Kaya ko. Makakaya kong mawala ka." muli na siyang tinalikuran.

"No babe.. No no no! Please! Umuwi na tayo." hindi ko na siya pinakinggan. Nabubwisit ako! Hindi ko siya kayang pakinggan dahil galit ako. Galit na galit ako. Minabuti kong tumawid sa kabilang lane, naririnig ko pa din ng pagmamakaawa niya hanggang isang malakas na kalabog ang narinig ko. Kasunod ang mabilis na harurot ng isang kotse.

EVERYTHING IN YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon