------
Hindi ko alam kung paanong takbo ang ginawa ko dahil mabilis kaming nakarating ng hotel. Dumeretso kami sa front desk kung saan may clinic, itinuro naman niya agad yun. Mabilis naming tinungo ang clinic na yun, ako na ang nagpaliwanag sa isang doctor na naroroon ngayon. Hindi ko maitago ang pagpapanic ko, sobrang natatakot ako.
"Iha, calm down. Walang kamandag ang ahas na yun, hindi mapapahamak ang nobyo mo wag kang mag alala." natigilan ako sa sinabi ng doctor na yun, at talagang napagkamalan pa niyang mag jowa kami??? Magsasalita na sana ako pero inunahan na ako ni Sam.
"Pasensya na kayo doc, natatakot lang po kasi ang nobya ko. Ngayon lang po kasi ako nakagat ng ahas." nakangiting sagot niya. Pinanlakihan ko siya ng mata pero isang mapang asar lang ang isinukli niya saken. Hanep sa trip....
Nilagyan lang ng bandaid ang sugat matapos ay nagpaalam na din kami. Medyo madilim na rin pala, ang bilis ng oras. Sa sobrang taranta ko hindi ko na namalayan ang oras.
"Okay ka na ba?" hindi pa rin nawawala ang pag aalala ko.
"Yep!" nakangiting sagot niya.
"Mabuti naman. Hindi ko alam ang magagawa ko kapag napatay ka ng ahas na yun. Baka sunugin ko ng buo ang isla na yun." narinig ko ang paghalakhak niya.
"Huwag kang mag alala, hindi ko naman hahayang mamatay ako no."
"Salamat nga pala, kasi dumating ka." hindi siya sumagot. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad sa buhanginan, nasa likod ko naman siya. Ang lamig ng hangin, ramdam na ramdam ko iyon sa katawan ko. Hindi pa kasi kami nakakapagbihis. Hinahampas ng hangin na to ang mahaba kong buhok, hinayaan ko lamang iyong liparin.
"Hindi ko naman hahayaang mapahamak ka." kumalabog na naman ng dibdib ko. Bakit ba lagi nalang ganito ang puso ko kapag nagsasalita siya? Para akong tangang kinikilig eh.
Nang makarating kami sa kwarto, saglit lamang akong ng shower maging siya. Lumabas ulit kami ng hotel para maghanap ng makakainan sa labas. Mayroon kaming nakita na di kalayuan sa dagat. Open air ang area kaya naman mararamdaman mo pa rin ang malamig na hangin galing sa dagat.
Umorder kami ng pagkain at ng alak. "Lagi ka bang umiinom?" tanong niya nang matapos kaming kumain. Nandito kaming muli sa may buhanginan, nakaupo sa tabi ng bonfire na ginawa niya. Hawak ko ang isang bote ng beer samantalang siya ay bote ng tubig lamang.
"I guess. I think it's almost three years na din." mapait akong ngumiti.
"Bakit?" hindi agad ako nakasagot, hindi ko alam kung tama a bang ikwento ko sa kanya ang nakaraan ko. "Pero kung di ko kayang ikwento okay lang. Di naman kita pinipilit." agad niyang sabi. Napabuntong hininga ako, saglit na katahimikan ang namagitan saming dalawa.
"Eto lang kasi ang tanging paraan ko oara makalimot panandalian sa sakit." mahinang sagot ko. May bahid na naman ng kalungkutan ang tinig kong iyon. "Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko sa pagkamatay ng boyfriend ko."
"Yun ba yung Jacob?" napatingin ako sa kanya. "Narinig ko lang kanina nang isigaw mo ang pangalan niya." agad niyang sabi. Oo nga pala, Jacob ang naisigaw kong pangalan imbis na siya. Umasa ako darating siya kahit na nasa kabilang buhay na siya.
Tumango ako. "Nagtalo kami that night, may party kasi kami nun. Kaming dalawa ang magkapartner that time. Nagpaalam siyang aalis muna saglit, may tumatawag daw kasi. Pero ang tagal niya bago bumalik kaya naman hinanap ko siya. Pero nang makita ko siya, ininom niya ang isang botw ng alak ng mabilisan at nagmamadali naman siyang umalis kaya sinundan ko siya." ang eksenang iyon na pilit kong kinakalimutan pero hindi ko nagawa. "Halos tumigil ang tibok ng puso ko nang mapagtanto kong sa motel siya pumunta. Hindi ko alam pero kinabahan agad ako. Nagtalo pa nga ang isio ko kung susunod ba ako sa loob o hindi at sa huli sinundan ko siya. Pumasok siya sa isang kwarto nun tapos.... tapos...." nabasag ang boses ko, pakiramdam ko hindi ko kayang ituloy ang kwento. Mabilis akong pinangiliran ng luha, that night was a hell for me. "Nanginginig ang kamay kong binuksan ang pinto, hindi iyon naka lock. Halos tumigil ang mundo ko nang makita ko siyang wala nang saplot, nakapatong sa walang hiyang ex niya na nanloko sa kanya. Hi-hindi ko alam ang gagawin ko. Sobra akong nasaktan sa nakita ko. Imbis na sapakin ko sila pareho, hindi ko nagawa..." napasinghap ako, naninikip aang dibdib ko. Akala ko kahit papano ay okay na ako, oero ang mga luha ko ngayon ang sumasagot na masakit pa din talaga. "Hindi ko nagawa kasi naduwag ako, natakot na masaktan ko sila, natakot na.... na ang ex niya ang piliin niya, na sabihin pa rin niyang ma-ma-" napasinghot na ako, humuhugot ng hininga kasi ang bigat bigat ng dibdib ko. "mahal pa rin niya..." halos pumiyok na ako ng sabihin ko iyon. Hindi siya umimik, hindi siya gumalaw bagkus hinayaan nya lang akong umiyak, ilabas lahat ng luha ko at hinanakit ko.

BINABASA MO ANG
EVERYTHING IN YOU
Hayran KurguJHAYNE ALLYSON It's been a years but still the pain was still in her heart. How can she forget the face of her boyfriend knowing that he's dying in front of her due to car accident? SAMMUEL He's a singer who love to sing. Having a girlfriend was not...